Chapter 16

30.8K 1.7K 729
                                    

Red

Hindi na ako nakatulog pang muli. Hinintay ko na lang ang oras na mag-aasikaso ako. Madalas akong natutulala kahit pa noong naliligo na. I was silent while eating egg sandwich as my breakfast.

"Ayos ka lang, Therese? Naalimpungatan kita kanina na bumangon at parang hindi okay?" tanong ni Sandra paglabas niya ng banyo. Nagsimula siyang maglagay ng manipis na make-up sa kaniyang mukha.

"Okay lang ako, Sandra. Sumakit lang tiyan ko," pagsisinungaling ko.

Tumango siya. Ako naman ay nagsipilyo nang matapos kumain bago sinuklay ang halos matutuyo ng buhok.

"Halika nga dito, Therese," saad ni Sandra.

Nagtatakha man ay lunapit ako habang nagsusuklay. Sinipat niya ang aking mukha bago napailing-iling.

"Lalagyan kita ng blush-on. Masyado kang maputla," aniya. Kinuha niya ang isa sa marami niyang brush at pinasada sa kaniyang blush on.

"Kailangan ba 'yan?" nagtatakha kong tanong. She nodded and held my chin.

"Oo. Ang putla mo kaya! 'Yung pagkaputi mo para ng papel. Buti na lang mapula ang labi mo at itim na itim ang mata mo kaya hindi mukhang bondpaper 'yang mukha mo. Dapat matuto ka na maglagay nito," aniya. Nagsimula siya sa marahan na paglagay ng blush on sa aking mukha. "Para kang bampira," she added and chuckled.

Bahagya akong nanigas. Muling nanariwa ang nangyari sa akin kaninang madaling araw. Sa totoo lang, natatakot talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.

Pagkarating sa school ay matagal lang akong nakapangalumbaba. Ang iba kong kaklase ay magkakalapit na matapos ang dalawang araw. Samantalang ako ay wala pang kaibigan. I'm so shy to make friends. At ngayon natatakot na ako dahil alam kong iba ako.

"Uy, bagay sayo ang naka-blush on. Lalo kang gumanda," puna ng isa kong kaklase na sinadya ako rito sa harap. Napaupo ako nang tuwid at nahihiyang ngumiti sa kaniya.

"Salamat," saad ko.

"Lagi kitang napapansin kasi ang ganda-ganda mo. You have an enchanting beauty. Ngayon na nag blush-on ka, kahit papaano nagmukha kang tao. I mean, sana h'wag ka maoffend. Mukha ka kasing mythical creature. Cindy nga pala!" she enthusiastically uttered. "Sorry, I'm just so fascinated sa mga gano'ng stuff. Sorry sa weirdness ko," dagdag niya.

"I'm Therese," pakilala ko.

"Alam na namin 'yon!" she laughed.

"Hoy, Cindy! Nangungulit ka na naman diyan sa harap," narinig kong saad ng isa galing sa likod.

Ilang segundo pa ay may iilan pang dumagdag at nagpakilala sa akin. They are so nice. Nakaaamaze na kayang-kaya nila mag-initiate ng pagpapakilala. Laking pasasalamat ko na rin doon dahil hindi talaga ako marunong. I'm afraid that they will see me as 'feeling close'.

Dumating ang professor. Sandra was right when she told me that I need to learn doing make-up. Dumaan sa amin ang dean at sinabihan na kailangan matuto kaming mag-ayos ng sarili. We were required to put some make-up on. Kapag dumating na rin daw ang aming uniform ay kailangan na maayos na naka-bun daw ang buhok.

Hanggang alas-dos lamang ng hapon ang aking klase. Tumungo na ako agad sa coffee shop upang makapagrelax pa sandali bago ang aking trabaho. My workmates greeted me.

"Kakilala mo pala si sir Jared?" tanong ni Pamela. Kumunot ang noo ko. "Hinahanap ka niya kanina. Sinabi ko na mga ganitong oras pa ang duty mo," dagdag niya.

Tumango na lamang ako at nagbihis na. Hindi ko mapigilan mag-isip kung ano ba ang kailangan niya sa akin. Bakit kailangan pa niya ako hanapin at kausapin?

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon