Luna
Sumilip ako sa bintana. Naroon na naman ang matanda. I sighed and stared at her. Nag-angat ito ng tingin at nagkatitigan kami. I saw how she stared at me with so much longing. Kinawayan ko siya at nginitian nang matamis. Unti-unti siyang ngumiti at tila naluha. Kaso may kumatok kaya umalis ako sa may bintana at binuksan ang pinto.
"Ate Julianna, ano 'yon?" marahan kong tanong.
She stared at me with her sad eyes. Medyo tumatanda na ang ate ko pero maganda pa rin. Hinaplos niya ang aking mukha.
"May pakiusap sana ako sayo, Iulianna," mahinahon niyang saad. Tumango naman ako at hinila siya papasok sa aking kwarto. Pinaupo ko siya sa kama.
"Ano 'yon, ate?" I asked her.
"May paaralan tayo sa Visayas. Specifically sa may Antique. Gusto ko sana na asikasuhin mo 'yon. May itinatayong bagong building eh. I want you to check their other needs. Medyo matagal ka roon magi-stay pero may nakahanda ka ng tirahan, sa may village. Okay lang ba sayo 'yon?" she gently asked.
Tumango naman ako. Ano pa nga ba? I chuckled on her. Handang-handa na pati ang titirahan ko. Pero gusto ko rin naman since gusto ko na maglakbay-lakbay. Simula noong magkamalay ako mula sa malalim ko na pagkatulog o comatose state ay lagi lang ako rito sa mansion. Tatlong buwan na rin akong gising.
Nagpaalam na siya sa akin at sinabi na bukas na ang alis ko. Kaya naman pag-alis niya ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Nabigla naman ako roon pero ayos lang din sa akin.
May kumatok muli kaya pinagbuksan ko. Yumakap agad sa akin si Hailey.
"Tita Nana!" aniya at nagpakarga. Pinugpog ko ng halik ang kaniyang mukha at humagikhik naman siya.
Anak siya ni Halsey na anak ng ate Julianna ko. Pero sabi sa akin ni Halsey ay para kaming magkapatid kaya pamangkin ang turing ko sa anak niya. Nalaman ko rin na 'yung asawa niya na si Ysmael ay kaibigan ko rin noon.
Lumabi sa akin si Hailey. Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang mukha. I feel something on my heart. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng bata ngunit may kasama ring sakit at hindi ko alam ang dahilan.
"Sabi Mommy, aalis ka bukas! Is that totoo?" she asked and pouted more.
Hinalikan ko siya sa noo bago pinakatitigan.
"Opo, aalis na ako bukas. Pero uuwi rin ako," saad ko.
Nagsimula siyang umiyak. Agad ko siyang kinarga at isinasayaw-sayaw habang pinapatahan. Kahit saglit pa lang kami nagkakilala ni Hailey ay mahal na mahal na namin ang isa't isa. Naalala ko noong unang beses ko siyang nakita ay umiyak ako nang umiyak at pilit siyang kinukuha para yakapin ko.
"Tita Nana, balik ka ha?" humihikbi niyang saad. I nodded and reassured her.
Nakatulog siya kaya inihiga ko siya sa aking kama. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at pinagmasdan. Then I felt the pain on my heart again. Pakiramdam ko ay may nawawala. Pakiramdam ko ay may kulang.
Inayos ko ang gamit at bumaba na nang matapos. Nakita ko si Halsey at Ysmael na naroon sa sala. Nag-usap kami saglit ngunit may naalala kaya naman nagpaalam ako at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng pagkain saka kutsara at inilagay sa tupperware. Dumampot din ako ng bottled water at juice. Agad akong lumabas ng gate at hinanap ang matanda. Nakita ko siya na hinihila ng guard.
"Paano ka ba nakapasok dito? Bawal ka rito lola!" saad ng guard.
"Kuya!" pigil ko sa kaniya. Then they look at my direction. Inalis ko ang hawak niya sa matanda at ako ang humawak doon. "Ako na po rito, ako na po bahala," mahinahon kong saad.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...