Aftermath
I inhaled sharply before I opened my eyes. Puting dingding ang sumalubong sa aking paningin sa pagmulat ng aking mata. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang ibang tao. I glanced at my hand, nakita ko na mayroon na namang mga nakatusok. Iniangat ko ang isang kamay at kinapa ang kanan na bahagi ng aking ulo. May benda iyon. Bahagya kong naramdaman ang kirot.
I closed my eyes again. Sa pagmulat ay sinulyapan ko ang bedside cabinet. Napangiti ako nang malaki. The gorgeous crown and tall trophy are standing on the top of cabinet proudly. I can't help but to feel proud of myself too. Napailing-iling ako habang nakangiti at inalala ang nangyari.
I was staring at the moon, questioning what happened to me when I suddenly heard loud noise. Ingay iyon mula sa malawak na field kung saan ginaganap ang pageant. Bigla ay naalala ko ang katotohanan na may naiwan ako. Ininda ko ang pagkahilo at umupo kaya natigilan ang mga may dala ng stretcher. Kinalimutan ko ang nararamdaman na sakit sa pisikal na anyo at tumalon upang makababa.
They called me. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maam Melendez na kasunod lamang namin ngunit hindi ko iyon pinansin. Hinubad ko ang aking sandals upang mas makatakbo nang mabilis ngunit natigilan ako nang may pumigil sa akin. It was Sir Azriel.
"What are you doing? Saan ka pupunta?" mariin niyang tanong.
"Sa naiwan ko pong laban," sagot ko.
Iritado siyang umiling at hinila ako ngunit 'di ako nagpatinag.
"What the hell are you thinking!? Kailangan mo ng magamot dahil nandiyan ulit ang sugat mo?" madilim na ang kaniyang mukha. Umiling ako at tinanggal ang hawak niya sa akin.
"Sandali lang 'to. Tatapusin ko 'to," determinado kong saad.
Naalala ko ang mga kaibigan ko na naroon pati ang mga kaklase. Ang layo na ng narating ko at ang dami nilang ginawa. Hindi ko 'to sasayangin. Ilalaban ko 'to.
He shook his head but then let go of me. Naging malambot na ang kaniyang ekspresyon bago tumango. I smiled at him. Seryoso lamang ang kaniyang ekspresyon bago ako tumakbo palayo sa kaniya. Narinig ko ang pagtatakha ng mga medic dahil pinabayaan niya ako ngunit wala silang nagawa dahil sa mabigat na awtoridad na dating ni Sir Azriel. And I thank him for that.
Sa tingin man nila ay sobra ito at hindi tama, para sa akin ay ito ang gusto ko. Ang dami ng ibinuhos na pagod at effort ng tao sa paligid ko para sa akin. Ang dami nilang ginawa para suportahan ako. Malinaw pa sa umaga na pinapangarap nila na manalo ako sa gabing ito. Kaya hindi ko sisirain ang pangarap nilang iyon. Manalo man ako o hindi, ilalaban ko hanggang dulo.
"That is a beautiful answer from our last contestant—"
The crowd gone wild because of the words of the host.
"This is not a fair fight if Laurese isn't here!"
Mula sa baba ng stage ay ipinaglalaban iyon ni Halsey at isinisigaw sa host. Ayaw din pumayag ng mga taga-suporta ko. Hinahanap nila ako.
"But sorry to inform you, candidate number 7 isn't here. They looked for her but she didn't make it. Hindi pwede na itigil ito dahil lang sa kaniya," mahinahon na saad ng host.
The audience shouted for conviction. Pumasok ako sa backstage at nanlaki ang mata ng isa sa P.A student na isa sa staff ng event na 'to. Nataranta siya nang makita ako na duguan. Umagos na rin kasi ang dugo sa aking leeg at meron na sa dibdib.
Inagaw ko ang hawak niyang panyo at pinunasan iyon, para kahit mabawasan man lang. I smiled at him na nanatiling tulala. Umakyat ako sa hagdan na naroon at nagpakita na sa stage. Ang maingay na dagat ng mga tao ay nanahimik sa aking pag-akyat at natulala.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...