New
"Here is it, Miss Paula. Gracias," I softly said and handed my module.
She gave me a nod and accepted it. Mabilis niyang ini-scan iyon bago sabihin na maaari na akong umalis. I thanked her again before leaving the park.
I smiled and enjoyed my walk. Kaya paborito ko ang professor ko na 'yon dahil siya 'yong hindi techie. Halos ng aking professor ay online ang exams, projects at activities. While she uses papers. We also meet for some clarification about the subject. So I usually have a chance to walk around Barcelona.
Nang unang makatapak ako rito ay takot na takot ako. I had anxiety. I felt so alone. Ang dami kong iniisip at halos mabaliw ako. Mabuti na lang at hinayaan niya ako na huwag mag-aral agad. I adjusted on this new place. Gabi-gabi ay umiiyak ako. Pakiramdam ko nawawala ako.
Dumaan ako sa isang café at nagtake-out ng drinks. Dumaan din ako sa bakery para bumili ng cake. Masaya akong naglakad at pinagmamasdan lamang ang mga nadadaanan na imprastraktura. Barcelona is a very beautiful place. May bahid pa rin ng nakaraan ang mga buildings. And that makes it a special place. It is enchanting and I fell inlove in this place.
I put my passcode before the door of my unit opened. Hinubad ko ang aking long coat at inilapag sa sofa saka tumungo sa kusina.
"Iulianna, you're fast! Oh, what's that?!" she giggled and snatched the food I bought.
"I want to eat something sweet and I remember that you like that coffee, Martina," I uttered and smile at her.
Umupo ako sa mesa at lumapit naman siya. Inilapag niya sa harap ko ang isang drink at naghanda ng gagamitin sa cake. Inasikaso niya ako para makakain.
"Thanks," I uttered.
Nilantakan niya ang pagkain matapos akong asikasuhin. I chuckled as I watch her eating like a child.
Martina is my friend here in Barcelona. She's half Spanish and half Filipina. Kasama ko siya rito sa aking condo unit which is a good thing especially during my previous years here. She's a college graduate with a Pyschology degree. Malaki ang tulong niya sa akin noong mga panahon na kailangan na kailangan ko ng tulong.
Nang unang taon ko rito sa Spain ay sa isang mansion ako nakatira. Halos hindi ko na maalala kung saan iyon dahil hindi ako matino nang panahon na 'yon. Martina was my assistant that time, appointed by my abuela. Ngunit hindi ako tumagal sa mansion dahil hindi maganda ang lagay ko. I don't know how Martina convinced my grandmother. Basta naalala ko na lang ay lumipat kami rito sa Barcelona. At tuluyan akong hinayaan ng abuela nang makita na tama si Martina. Gumanda ang lagay ko rito.
Ngayon ay hindi ko siya tinuturing na assistant. She's a friend to me. Apat na taon na kaming magkasama at alam na alam na niya ang kwento ko. She's a human but she knows my secret. Malayong kamag-anak siya sa side ng aking abuelo na si Augustino.
"So two subs na lang ang remaining subs to take mo. What's your plan after this?" tanong niya bago sumubo ng cake.
Napayuko ako at mapait na ngumiti. Pinaglaruan ko ang straw ng aking inumin.
"I don't know. My life is on my abuela's hand. She's the one in control," saad ko.
She sighed and shook her head. Naramdaman ko rin na nag-iba na ang aking emosyon. Pilit akong ngumiti at nagpaalam muna sa kaniya. Tumungo ako sa aking kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Napapikit ako nang mariin nang unti-unti na naman na gumapang ang guilt sa akin.
Then I remembered what my abuela made me see almost five years ago..
*******
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...