Epic
Iniwan ko na umiiyak si ate Julianna. It is so painful to see her cry and I'm the reason. Iyon din ang hiniling niya. Hindi niya alam ang sasabihin matapos malaman ang lahat. Mahinahon niya akong pinaalis ngunit may luha sa kaniyang mga mata. Kaya pinagbigyan ko 'yon at hinihiling ko na lamang na sana, kung magalit siya sa akin ay magawa niya rin akong patawarin.
I feel so selfish. Pakiramdam ko masyado akong makasarili ngunit wala na rin ibang paraan. She deserves the truth. Para sa kapayapaan naming dalawa. And now that she knows the truth, she will be mourning again for the lost of her daughter. Nawasak na nang tuluyan ang pangarap niya na makasama pa muli si Helena.
"I'm here," salubong sa akin ni Azriel paglabas ko ng kwarto.
Agad niya akong niyakap. May luha na umalpas sa aking mata ngunit para iyon sa magkahalong lungkot, sakit, at kapayapaan. Pakiramdam ko nang pakawalan ko 'yon ay malayang-malaya na ako. The pain and sadness is my empathy for ate Julianna.
Pinahid ko 'yon at tiningala siya. He gave me a gentle smile and I know, everything will be alright.
Magkahawak ang kamay na naglaho kami sa hangin. Ngayon ay nakatayo kami sa harap ng isang pader.
"Tutungo na tayo sa mundo natin," aniya at sinulyapan ako.
Nginitian ko siya at tumango. Slowly, a portal opened in front of us. Nakaramdam ako ng kaba ngunit nang makita ko ang magkahawak naming kamay ay nawala iyon. Humakbang kami palapit sa portal at naramdaman ko ang tila paghigop sa amin. Agad akong niyakap ni Azriel.
Few seconds later, I felt the ground on my feet. Lumayo ako sa kaniya at nilibot ang tingin sa paligid. Namangha ako nang makita ang mga bahay. Parang katulad lamang sa mundong kinalakihan ko ngunit lahat ng bahay rito ay maaayos at mararangya. Maliwanag din ang paligid ngunit hindi masakit sa balat.
"Shall we teleport to the palace?" Azriel asked.
Agad akong umiling at humigpit ang hawak sa kaniya.
"Gusto kong maglakad para mapagmasdan ko ang paligid," saad ko. He smiled and nodded.
May nakasalubong kaming mga nilalang. Yumuyuko sila kapag nakikita si Azriel at alam kong nagtatakha sila kung sino ako na kasama ng kanilang prinsipe. Naramdaman ko na bampira ang marami ngunit marami din ang nakahalo. May mga ibang nilalang sa lugar na 'to.
The beautiful houses are nice. Halos lahat ay may mga halaman at bulaklak sa harap ng kanilang bahay kaya buhay na buhay ang paligid. Ang ganda-ganda ng mundong 'to. Mayayabong ang mga puno kaya sariwa ang hangin. Lahat din ng mga nilalang ay maaayos ang damit. Wala akong nakita na palaboy-laboy at mga kawawa tignan na bahay. Masyado ring payapa ang kapaligiran. Isa lang ang naiisip ko, malamang ay maganda ang pamamahala ng hari at reyna. At hindi ko mapigilan na matuwa dahil magulang sila ni Azriel.
Nagpapasalamat talaga ako na isang mata lamang ang bulag sa akin kaya nagawa kong makita ang mga kagandahan na 'to. After the long walk, we stopped in front of a tall gate. Umawang ang labi ko at tiningala iyon.
Akala ko ay masyado ng malaki ang gate sa mansion namin sa Batanes. Ngunit ang nasa harap ko ay masyadong mataas at malapad. It also looks strong and hard. It was made of steel. Mayroong mga disenyo na kulay ginto. Sa taas ay may arch kung saan nakalagay ang 'Bloodstone Palace'. I watch it slowly open for us. Humigpit ang hawak ko kay Azriel. Sa pagbukas ay tumambad ang mga nakahilerang mga sundalo na bampira. Naglakad kami sa gitna nila habang sila'y nakayuko. They never dared to look at us.
"Inaasahan ba nila ang pagdating natin?" tanong ko kay Azriel.
"No, I didn't inform the Palace. They just felt my presence," sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampirBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...