Painting
Ipinangako ko sa sarili na pahahalagahan ko ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko. Especially my remaining years here in Montecarlos. Because I can feel that everything will be out of my control after this. At kapag mas masaya ka at pinahahalagahan mo ang mga nangyayari, mas lalong bumibilis ang mga oras. At wala kang magagawa kung hindi panoorin na lamang ang mga lumipas sa iyong alaala.
"Daddy! What is happening to our family? Bakit ganito na bumabagsak ang mga business nila Uncle at Auntie? Even tita Miriam! She's depressed about what happened on her starting business!"
Pababa ako nang marinig ko ang mga sinasabi ni Halsey. Sinilip ko sila at ngayon ay kaharap niya ang problemado rin na si kuya Harry. Bumaba na ako nang tuluyan at nakita ko rin si ate Julianna.
"I don't know, sweety. Parang nangyari lahat sa isang kisapmata.." nanghihina na saad ni kuya Harry.
Nagkatinginan kami ni ate Julianna. She sighed and forced a smile. Bumaba na ako nang tuluyan at lumapit sa kanila. Malungkot na malungkot si Halsey. Hinaplos ko ang kaniyang likod nang humikbi siya.
"Mommy, can you help them? Please!" she pleaded.
Nakagat ko ang labi at napayuko.
"I'll try, darling," she softly whispered and hugged Halsey. Nagkatinginan muli kami at bakas ang pagiging problemado kay ate Julianna.
I feel the same. And we both know why this is happening. Ate Alyanna failed to destroy Miriam because someone did it before she can even do it. Ngunit hindi man siya nagtagumpay roon ay ginawa nga niya ang pagpapabagsak sa mga Liente. Ate Alyanna spared kuya Harry but of course, he will be affected emotionally. Dahil nakikita niya ang pagbagsak ng pamilya niya at wala siyang magawa.
"I can't stand to see them falling, Mommy! Kawawa sila," Halsey cried. Napapikit si ate Julianna at mahigpit na niyakap ang itinuturing niyang anak.
Bumabagsak sila dahil sa ginawa nila sa akin. Ito ang hagupit ng galit ni ate Alyanna. Ngunit nahihirapan ako dahil alam kong sobra na ito. They hurt me emotionally but I learn to understand it. Gumagaling na rin ito dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko mula sa mga ate ko at kay Mamá. Sa kanila ay iba ang naging atake. Paunti-unti silang sinisira. Ang yaman at material na bagay na pinahahalagahan nila ay nawawala. At kasunod na noon ay ang sakit sa emosyonal na aspeto. Mentally as well.
Kaya kong magpatawad ngunit hindi iyon kaya ni ate Alyanna. Kahit hindi humingi ng tawad ang mga nanakit sa akin ay unti-unti ko silang napapatawad. But it is not just about me. Hindi makapapayag si ate Alyanna roon.
"How's your first day of being a second year student? Hmm?" Azriel asked. I smiled at him and watch his finger drawing circular shapes on my palm.
"It's fine. Uhm, I tried to be friend with someone! I did the first move. And I feel so proud of myself kasi hindi ko 'yon gawain," sagot ko. Kumunot ang noo niya kaya bahagyang napawi ang ngiti ko. "Bakit?"
"Sa lalake?" he asked.
Napanguso ako at umiling. Tila nakahinga naman siya nang maluwag. Natawa ako at napailing.
"Azriel kasi! Ilang beses ko na sinasabi na hindi lahat ng lalake na nilalapitan ako ay gusto ako! Ang ganda ko naman kung gano'n!" natatawa kong saad. He licked his lips and stared at me intensely. Nakaramdam naman ako ng kaba sa titig niya.
"Maganda ka nga, sobra. At gano'n 'yon. All the guys who approached you, like you," mariin niyang saad.
Natatawa na inilingan ko na lamang siya at lumabas na sa kotse niya. Hinabol niya ako at pinagbuksan ng pinto ng coffee shop. Napangiti ako nang makita si Sandra doon at mukhang kaaway na naman si sir Eliot.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...