Moon
Things happened blurry. Ang isip ko ay nakatuon sa sakit na dulot ng espada na nakatarak sa aking dibdib. Hindi ko rin malimutan ang paghingi ng tawad ni ate Julianna sa pagkanulo niya sa akin. I lost consciousness and when I regained it, I'm in an unfamiliar place. It's like a dungeon.
Sinapo ko ang dibdib at suminghap. Narito pa rin ang sakit kahit wala na ang espada. Ang sugat ay hindi naghihilom. Napapikit ako nang makaramdam ng sakit sa may bandang puson. It is excruciating, but it is slowly vanishing. Pinilit ko umupo at tumingin sa paligid. Napakadilim ng lugar.
I'm not really feeling good.
"Iulianna.." I heard the familiar soft voice.
Nakaramdam ako ng galit at nag-angat ng tingin. Then I saw my abuela, with a different emotion on her face. I usually see her on her favorite facade. Composed, calm and smiling. Ngunit ngayon ay may lungkot, pagkalito at takot sa mukha niya.
"Ano ang kailangan mo sa akin, abuela? Unti-unti na kitang pinapatawad sa ginawa mo sa akin at ngayon ito na naman tayo?" hindi makapaniwalang saad ko.
Akala ko no'ng huli naming pagkikita ay hahayaan na niya ako lalo na't siya mismo ang pumutol ng koneksyon namin. Ngunit heto siya at ginawa na naman akong bilanggo.
Nagtakha ako nang lumuha siya sa harap ko. Napaluhod siya at humagulhol. Nakaramdam ako ng kaba dahil iba ang dating ng iyak niya. She clutched on her chest like she can't breath well.
Sinapo ko ang dibdib pababa sa puson. I'm not really feeling well.
"Iulianna, patawarin mo ako!" she cried like a child. Umiling-iling siya at itinakip ang kamay sa kaniyang mukha. "Nilamon ako ng galit. Nagawa mo akong hayaan dahil sa lalake na 'yon. At nalaman ko pa na prinsipe siya sa kaharian na nagpabaya sa kanilang mga kawal kaya namatay ang aking Papá. Dahil do'n namatay din ang aking Mamá. I grew sad and miserable. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng pagmamahal at noong may nagmahal na sa akin ay sandali ko lamang naranasan! The night before our wedding, a vampire killed him! At wala na akong alaala sa kaniya maliban kay Alina. Ngayon ay iniwan mo rin ako dahil sa kaniya. Punong-puno ako ng galit! Pero hindi ko 'to sinasadya.." nanghihina niyang saad.
Napailing ako at napayuko. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya. Naiintindihan ko 'yon at kaya ko siyang patawarin ano man ang nagawa niya noon sa akin.
Napatingin ako sa aking paahan at may nakita na dugo. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Itinaas ko ang laylayan ng suot kong dress at nagimbal nang makita na puno ng dugo ang aking binti. Sa pagitan ng aking mga hita ay mayroong maliit na laman. I felt my heart turned into million pieces. Nanginig ang aking katawan at natulala.
"Patawad! Patawad, Iulianna. Hindi ko gusto 'to. Apo ko siya. Hindi ko alam! Hindi ko alam na buntis ka!" she cried.
My world stop. Tila nabingi ako at naramdaman ang pagkabasag ng aking pagkatao. Suminghap ako ngunit wala akong makuha na hangin.
"Anong.."
Napailing-iling ako. I look around and shook my head. I closed my eyes tightly. Hinawakan ko ang aking dibdib, sunod ay ulo at sinabunutan ang sarili. Para akong mababaliw. Mababaliw ako.
"Luna..Luna.."
"Iulianna, patawad apo. Patawarin mo ang iyong abuela.."
"Hindi! Anak ko! Anak ko! Luna!"
Sumigaw ako nang sumigaw. I cried in so much pain. Hindi, hindi ko kaya. Mababaliw ako!
"Hindi ko alam—"
"Manahimik ka!" sigaw ko sa kaniya.
Nanghihina na pinulot ko ang munting laman na nakasadlak sa lupa. Ito ang pinaghalong dugo at laman namin ng asawa ko. Hindi ko man lang nalaman at ngayon wala na agad siya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...