Farewell
Napagpasyahan ko na doon sila patulugin sa isang kwarto. Malalim na ang gabi at tulog na ang magkapatid kaya binuhat namin ni Azriel ito patungo sa isa sa spare rooms na naroon. Si Luna ay nakakapit sa shirt ko at gising na gising pa rin.
Nauna si Azriel na pumasok dala si Solemn. Sumunod ako na buhat si Solana. Luna is just following us, still wide awake. Nang mailapag na ang dalawa ay inayos ko ang kumot sa kanilang katawan. Sinulyapan ko si Luna na mulat na mulat pa rin ang bilugan na mata. She eyed me then smile.
"Hindi ka pa inaantok?" marahan kong tanong. Lumabi siya at kinusot ang mata.
"It's hard for me to sleep, po.." she whispered.
Yumuko ako nang bahagya saka siya binuhat. Agad niyang iniyakap ang kamay sa aking leeg. Marahan kong pinahiga ang kaniyang ulo sa aking dibdib at ginawa naman niya.
"Matulog ka. Mahaba pa ang araw bukas. You need to rest," I whispered softly and started to hum.
Napansin ko ang mariin na titig sa akin Azriel. Tinignan ko siya at marahan na nginitian. Sinulyapan ko si Luna na unti-unting bumabagsak ang mata ngunit tila nilalabanan niya ang antok.
"Luna.."
"I'm scared po to sleep because baka when I wake up, babalik na ang lahat sa dati," she whispered. Narinig ko ang mahina niyang hikbi. I felt my heart hurt. Hindi ko alam kung ano ang nagpapalungkot sa kaniya but I badly want to make it stop. Ang bata-bata niya pa para makaranas ng lungkot.
"Shh. Everything will still be okay when you wake up," malambing kong bulong at sinuklay ang mahaba niyang buhok.
Nag-angat siya ng tingin. Ang malamlam niya mga lila na mata ay nagkaroon ng pag-asa.
"Really? Kapag nagwake-up po ako, you're still here?" she asked.
I smiled at her and nodded. Matamis na ngiti ang ibinalik niya at tumango. Sumubsob siya sa dibdib ko at ilang segundo lang ay malalim na ang kaniyang paghinga.
"That was fast," Azriel chuckled.
Napangiti ako lalo at dahan-dahan na inilapag si Luna sa gilid ni Solana. Nang bitawan ko siya ay kumunot ang noo niya kahit nakapikit. The side of her lips tugged downward. Agad kong hinawakan ang kamay niya at kumalma muli ang kaniyang natutulog na mukha.
"It seems like she has separation anxiety.." Azriel mumbled. Malungkot akong napatango. It is so sad to see a kid like her in this state.
"Bakit kaya?" I whispered.
I caressed her cheeks. Umupo ako sa natirang espasyo sa kama at nagpatuloy sa paghaplos sa kaniyang ulo.
Ilang minuto ang lumipas ay mahimbing na ang tulog ng tatlo. Nakaramdam ako ng kalabit kaya nilingon ko si Azriel. He smirked at me.
"Tara na sa kwarto ko.." he playfully whispered. Pinanlakihan ko siya ng mata. Natawa siya at umupo rin sa espasyo sa kama. "Hindi ka na naman matutulog?"
Ngayon ay mukha na siyang nag-aalala. Bahagya akong umiling.
"Hindi ako inaantok," sagot ko. He sighed and reached for my hand.
"I know that you're a vampire already and it's okay if you won't sleep. But I can't help but to be worried.." he whispered. I gave him a reassuring smile.
"I'll sleep kapag inantok ako," saad ko. He's still staring at me. "May pasok kami bukas. Hindi na naman ako makapapasok lalo na't may mga bata," natatawa kong saad.
"Nah. Foundation day bukas, for three days. Sandali lang ako bukas sa school. I'll just attend the opening ceremony. Labas tayo bukas? Ipasyal natin sila," he said. Napangiti ako at agad na tumango.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...