Chapter 27

29.8K 1.4K 323
                                    

Family

"Call me when you need me, okay?" he remind for the nth time.

Napangiti ako at napailing. Tumaas naman ang kilay niya at mukhang suplado na naman.

"You're not taking me seriously, Laurelia.." iritado niyang saad.

I chuckled, "Seryoso ako sayo, Azriel," malambing kong saad.

Nawala ang emosyon sa kaniyang mukha. Kapagkuwan ay pumula ang kaniyang pisngi at tenga. His brows furrowed then he pinched the bridge of his nose. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila.

"Come here.." he whispered then cupped my face. Hinalikan niya ako sa noo saka niyakap. "Parang gusto na talaga kitang anakan," dagdag niya.

Hinampas ko siya at pilit na lumayo ngunit mahigpit ang yakap niya sa akin. Humalakhak siya.

"I'm just kidding. But it's half meant," he chuckled. Uminit ang aking pisngi. I heard him sigh. "Are you sure you'll go alone? Pwede naman akong hindi pumasok. Foundation day lang.." saad niya.

Lumayo na ako nang tuluyan at umiling. I smiled at him to reassured him.

"I'll be fine, Azriel. I'll call you when something happen. Hindi pwede na tinatalikuran mo ang trabaho dahil lang sa akin," I softly said.

He sighed then squeezed my hand.

"I can give up anything and everything for you," aniya.

Nginitian ko na lamang siya. Hindi niya kailangan gawin iyon. I can always adjust for him.

Ilang ulit pa siyang nangulit kung magiging okay lang ba talaga ako. Natatawa na lang ako pero natutuwa rin dahil sa pag-aalala niya. I watch his car slowly vanishing from my sight. I heave a sigh before pressing the bell beside the tall gate. Agad akong pinapasok. Ang lakas ng kaba ko habang naglalakad hanggang sa makapasok sa mansion nila Halsey.

"Good morning, Laurelia," Maam Julianna greeted. I scan her face. She's smiling a bit but I can see the sadness while she's staring at me.

"Good morning po," bati ko.

Umupo ako sa harap niya. Wala si Sir Harry at Halsey. Malamang ay pumasok sa trabaho at school.

Nanay Rosana served slice of cake and juice for me. Nararamdaman kong pinagmamasdan ako ni Maam Julianna. Sinalubong ko ang kaniyang tingin at marahan siyang nginitian. She sighed and closed her eyes tightly. Pagmulat niya ay masyado ng malungkot ang kaniyang mata.

"I'm sorry. Napabayaan kita sa lumipas na mga araw. I was not emotionally stable. I'm sorry," hingi niya ng paumanhin. I immediately shook my head.

"Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad. Naiintindihan ko po," sagot ko. Pinagmasdan ko siya. "K-kumusta na po kayo?"

"I'm not okay. Pakiramdam ko nawala na naman ako," napailing-iling siya. She sighed heavily and stared at me. "S-sana ikaw na lang talaga ang anak ko," malungkot niyang saad.

Napayuko ako. Deep inside, I wish for it too. Na sana, ako na lang ang anak niya. Na siya na lang ang ina ko. Para hindi na siya malungkot at hindi na ako malito. But life is very complicated. And we need to accept this.

"Hindi ako makapaniwala na kapatid kita. I can't just believe it. Hindi ko alam na may kapatid ako, lalo na 'yung ka-edad mo. I know you're confused, too. Ako rin ay litong-lito kaya kailangan natin pumunta kila Mamá para malinawan," mahinahon niyang saad.

"K-kailan po?" tanong ko.

She smiled a little, "Ngayon na," aniya.

Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Hindi ko 'to inaasahan. Pero wala rin akong magagawa at mas okay na siguro na ngayon na para magkalinawan.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon