Chapter 4

37.2K 1.8K 157
                                    

Again

Days on my life are getting better. I am having the education that I need, Maella and I have a very good house to stay. May maayos na damit, pagkain at environment. She's also getting her medical attention. But my night is not good. Every night, the nightmare of my past keep on bugging me. It is like a recorded video, replaying on my mind. Malinaw na malinaw, at detalyado.

I remember the bad guys who got my money. Ramdam ko ang pagsugat ng nakatutok niyang kutsilyo sa aking leeg. Sunod ay ang nadatnan ko sa aming munting tahanan pag-uwi. The image of my aunt, bathing on her own blood. How my uncle attacked me and stabbed me on my chest. How the old man that I trusted, tried to violate me and almost succeed. And at the end, the pair of red eyes will flash. Ipinapaalala sa akin na wala na dapat ako, kung hindi dahil sa nilalang na iyon.

Then I will be awaken, catching my breath and sweating.

I never had a peaceful night. Laging ganito. Kaya mas gusto ko na lang ng umaga. Mas gusto ko ng marami ang ginagawa. Kaysa sa ganito. And what's hard about this is, tila mas nagiging malinaw ang lahat ng pangyayari. Kaya pakiramdam ko ay naroon ako muli. Ang pakiramdam at emosyon ay buhay na buhay sa akin. Ang hirap na kailangan ko 'yon pagdaanan lagi, tuwing gabi. Kailangan ko ulit maranasan kahit gustong-gusto ko na kalimutan.

I wiped away the beads of sweat on my forehead. Kahit gumagana ang aircon ay pinagpawisan pa rin ako. Tumagilid ako at pinagmasdan ang mahimbing na tulog ni Maella. Umusog ako palapit sa kaniya at niyakap siya.

I feel so alone, Maella. If only I have someone to talk with. Hindi maari si Halsey. Ayokong magpanic siya at mag-alala nang sobra dahil sa akin. Sobra-sobra na ang tulong niya at ng kaniyang pamilya sa akin. Sa bata ko naman na pinsan ay hindi pwede. She's not in a good state. At kahit maayos pa siya ay mas pipiliin ko na wala siyang alam sa mga naranasan ko. Tama na iyon. Sobra-sobra na ang nakita niyang pagpatay sa kaniyang ina. So I have no choice but to keep it on myself and endure it every night.

The morning came so fast. Sa bawat gabi ay mabibilang lamang sa daliri sa isang kamay ang tulog ko dahil na rin sa mga alaala. Inasikaso ko si Maella at ang sarili bago bumaba. Handa na ang pagkain sa mahabang mesa nang dumating kami. Naroon si Halsey na abala sa kaniyang cellphone. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.

"Good morning, Laurese. Good morning, Maella!" she energetically greeted. I smiled back as I let Maella sit on her usual spot.

"Good morning, Halsey," saad ko.

Ilang minuto pa ay dumating na ang Daddy niya. Nagtakha ako nang hindi makita ang Mommy ni Halsey. She also noticed it and asked his Dad.

"She's in her room. Puyat iyon dahil hindi makatulog kagabi. Hayaan na natin, para makabawi siya," sagot ni Sir Harry sa anak.

We ate silently. May iilang tanong ang ama ni Halsey sa amin na sinasagot ko naman. He is really kind to me and Maella. Madalas nga lang siya wala sa buong araw dahil abala sa kaniyang trabaho bilang governor. And I can see kung paano siya bumabawi sa kaniyang mag-ina kapag libre ang kaniyang oras.

Naunang umalis si Sir Harry. Sumunod na si Halsey na sobrang nagmamadali dahil nakalimutan niya na maaga pala siya dapat dahil may presentation sila. Ako naman ay inasikaso muna si Maella at tumulong sa pagligpit bago umalis.

I am really thankful to everyone on this mansion. Lahat ay mababait at naiintindihan ang sitwasyon ko. Ang mayordoma na si Nanay Rosana ang nag-aasikaso kay Maella kapag nasa paaralan ako. Ang kailangan lang naman ay pakainin ito at patulugin dahil nga sa estado nito ngayon. Ngunit nakahihiya pa rin dahil abala ito sa iba niyang gawain. But she is very okay with it. Kaya nga kapag tapos ng klase ko kahit pa walang trabaho sa araw na 'yon, ay wala sa isip ko ang gumala. Dahil ayoko maging abusado sa kanila. I will put my free time on helping and doing some chores in this mansion.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon