Memories
Tinikman ko ang tinola at napangiti nang ayos ang lasa noon. Naghanap ako ng mangkok para paglagyan. I poured the bowl with the soup, some parts of chicken and cuts of sayote. Naligo na ako bago nagluto kaya ayos naman hitsura ko. Pero bago lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng night dress at nagpatong na lang ng cardigan.
Huminto ako sa harap ng gate. Natigilan ako at napawi ang ngiti. Paano kaya kung kumain na pala sila? Inalala ko ang oras. It's already six p.m. At ano idadahilan ko bakit ako nagbigay? Hmm, kasi bagong lipat ako at gusto ko makipagsundo sa mga kapitbahay? Well, if that's the case, kailangan ko rin bigyan ang iba. Pwede ko rin sabihin nasobrahan ako ng luto at sila pa lang ang kilala ko kaya sila ang naisipan ko bigyan.
Natulala ako at tinignan ang may takip na mangkok. Mainit na mainit pa ang sabaw pero hindi naman ako nasasaktan kahit hawak ko ang lagayan nang direkta. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala. Napakurap na lang ako nang tumunog ang mababang gate sa aking harap. Nag-angat ako ng tingin at naabutan siyang nakataas ang kilay sa akin. He looks amused while staring at me. Uminit ang aking pisngi at umiwas ng tingin.
"Ahm, ano ito.."
"Para ba sa amin ni Luna iyan?" he asked gently. Lalakeng-lalake ang boses niya pero mahinahon ngayon. Kaya siguro ganoon si Luna. Soft spoken.
"Oo kasi.." inisip ko ang mga dahilan ko kanina ngunit biglang nawala. Ano nga ba 'yon? "N-naisip ko kayo lutuan.." saad ko.
Bahagyang nanlaki ang mata ko at naramdaman ko na uminit ang aking pisngi. Akala ko ay magtatakha siya ngunit nakatitig lamang siya sa akin. He's eyeing me softly with his deep set of golden eyes. Kumilos siya at marahan na kinuha sa akin ang mangkok.
"Come in, please.." he gently said and turned his back.
Awtomatiko naman akong sumunod sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang hawak niya sa isa niyang kamay ang ilalim ng bowl.
Agad kong nilibot ang tingin sa loob ng bahay nila. Malawak ang sala niya. Mayroong television sa harap ng sofa at coffee table. May partition at nasulyapan ko sa gilid ang isang pinto na malamang ay kwarto. Naglakad siya patungo sa kung saan at wala sa sarili na sumunod ako. Nakita ko ang kusina niya. Katamtaman ang laki noon at ilang metro ang layo ay dining table na.
Napansin ko ang rice cooker niya. Mukhang kaluluto pa lamang niya ng kanin.
Inilapag niya ang mangkok sa gitna ng dining table. Sunod ay sumulyap siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Lumabi ako at tinakip ang cardigan sa katawan dahil grabe siya tumitig.
"Nakaluto ka na ng ulam niyo?" I gently asked and focused on the sink.
Malinis ang bahay niya at organisado. Hindi aasahan sa katulad niya. I mean, he's a man. Nagtatrabaho tapos may anak na batang-bata pa kaya expected na medyo makalat pero heto, nakikita ko ang napakalinis nilang bahay.
"Not yet. At hindi na dahil meron ka ng binigay. Salamat," aniya.
I smiled and nodded. Sinulyapan ko siya at naabutan na titig na titig pa rin siya sa akin. Tumikhim ako at tinuon ang pansin sa ibang bagay. Tumingin-tingin na lang ako sa cupboard nila. Uminit ang pisngi ko nang may maisip. Baka nagtatakha siya kung bakit narito pa rin ako ngayon. Out of politeness lang siguro na pinapasok niya ako!
Para kaming ewan dito sa may dining room nila. Nakatayo kami sa gitna at ang awkward.
"How are you?" he asked.
Napasulyap ako sa kaniya. May emosyon sa kaniyang mukha na hindi ko mabasa. I slightly smiled at him.
"Ayos lang naman.." sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...