11: 45 pm
Nakauwi na ako sa bahay. At sa mga oras na yon, alam kong nandoon na ang nanay dahil mas nauuna itong umuwi kaysa sakin mula sa trabaho. But that night was different. Kalahating oras na akong nakauwi pero wala pa ito. Sinubukan ko itong tawagan pero panay lang ang ring ng phone nito. It was the first time na ginabi ang nanay at nag aalala ako. Sa ika sampung beses na pag dial ko sa number nito, bumukas ang pintuan sa may sala.
"Nay" dagli akong tumayo at nilapitan ito. Tiningnan kong mabuti ang buong muka at katawan nito.
Okay naman. Walang galos o kung ano.
"Bakit ngayon lang kayo? Nag aalalang tanong ko.
"Nag overtime lang ako. May inayos lang sa opisina "
"Bakit di man lang kayo tumawag para hindi ako nag alala? Saka kanina pa ako tumatawag sa phone niyo pero hindi niyo sinasagot. Nag ri-ring naman"
"Hindi lang siguro nadinig dahil busy nga ako"
"Hay nako nay....sa susunod na gagabihin kayo, tumawag or mag text kayo sakin para sabay na tayong umuwi"
"Oo na....dinaig mo pa ko kung magbilin"
"Nag aalala lang nay. Kumain na ba kayo?
"Oo. Kaya magpahinga ka na at magpapa hinga na din ako. Goodnight nak"
Humalik ako sa pisngi nito bago tugon dito"Goodnight nay"
> • • • • • • • <
Dumating ang araw ng lunes. Ang finals sa singing contest na kinabibilangan ko. Busy ang lahat sa uni. May mga nag aayos parin sa stage, may nag prepare nang long table and chairs para sa mga hurado. Naka prepare narin sa gilid ng stage ang mga plaque. Mula sa maliit hanggang sa pinaka malaki.
Naka antabay na ako sa backstage, kabilang ang iba pa na makakalaban ko habang hinihintay nalang ang pagdating ni Mayor at ng iba pang hurado.
Tanaw ko mula sa pwesto ko sina Joice, Lorton at Codie. Sa bandang likuran nila ay ang buong basketball team na may nakataas pang banner "Moon Dance for the WIN" na naka sulat sa hawak nila na bahagya pang iwinawagayway.
Hanggang sa matanaw ko na mula sa pinaka gitnang daanan ang pagdating ng mayor at iba pa. Hudyat na magsisimula na ang naturang contest.
Doon na ako nakaramdam ng kaba. Matinding kaba. Nanlamig ang mga palad ko at unti unti akong pinag pawisan ng malamig.
Nakita ko ang pagtayo ni Joice mula sa kinauupuan nito at papunta ito sa backstage.
"Joicy"
"Kanina pa kita napapansin. Panay ang linga mo kung saan saan....Ballet, mag focus ka okay. Ayaw mong tulungan kita sa problema mo. Tandaan mo kung para saan tong gagawin mo. Kung para kanino"
"Kinakabahan talaga ko Joicy" Humawak ako sa mga kamay nito na parang humihingi ng lakas.