Lorton
"Babe...ano na? Wala parin ba kayong balak na mag usap ni Moon"
"Pwede ba Babe....huwag ka nalang makialam"
"Paanong hindi ako makikialam. Girlfriend kita, kaibigan ko din yung tao. Syempre apektado din ako. Hindi tayo ganito eh"
"Sana alam mo ang nararamdaman ko. Alam mo kung gaano ako kalapit kay Glaine. Parang ate ko na yon. Hindi man kami madalas magkita at magkasama, close parin kami. Kaya nga ang saya ko ng finally sinabi niya sakin na ikakasal na sila ni Ehren. Tapos ano....that day. Her most awaited moment came, Nasira nang ganon nalang. And worst, kaibigan ko pa ang dahilan. I asked her pero hindi niya ako sinagot. At hindi ako naniniwalang buntis siya. If she's not going to tell me kung ano talaga ang reason niya, hindi kami mag uusap. At kung ayaw mong pati tayong dalawa ay magka gulo, please stop"
"Okay....I'm sorry. Nag wo-worry lang ako. Aalis muna ko. Puntahan ko lang si Codie" Hindi ko na kasi kinakaya pa ang tension sa pagitan namin kahit pa hindi ako ang dahilan. Ang daming nagbago. At hindi ako sanay.
> • • • • • • • <
Codie
"Bro"
"Zup" bati ko kay Lorton. Nasa basement ako, nagpapalipas ng oras habang nag bi-biliard.
I don't need to asked him. Base palang sa itsura nito, alam kong may problema.
"It's Joice" naisatinig ko.
"And Mo------natigilan ito. Alam kong si Moony ang nais nitong banggitin. Since that day, noong inamin sa akin ni Moony na mahal niya na si Logan. Iniwasan ko ng banggitin ang pangalan niya. Maging sina Joicy at Lorton ay ganon din ang ginawa para maka move on ako.
"It's okay. So anong problema?" Maybe for once, okay lang na maging topic namin si Moony. Kailangan ko nalang sigurong masanay. I can't avoid to hear her name dahil nasa iisang uni kami.
"Wala ka nga palang alam sa mga nangyari" pauna nito na umagaw ng interes ko.
"Nangyari? ...kanino?" I told to myself? susubukan kong wag nang maging attach sa kaniya. Pero marinig ko lang or maramdaman ko lang na may nangyari kay Moony, lahat ng pinagdadaanan ko, na kakalimutan ko. I still cared for her. Dahil mahal ko parin siya. And I guess, hindi na mawawala yon. I will love and keep her in my heart.
"Don't exaggerate. Walang naaksidente or nasaktan physically. Pero may friendship na unti unting nasisira" lalong kumunot ang noo ko sa mga riddle words ni Lorton .