MOON DANCE : 50

439 68 8
                                    



"Ang cute....nakakagigil" Ang tuwang tuwang sambit ni tita Joy oras na makita si Sky sa tabi ko.

"Mana sa lolo Marce ano ha"

"Makaangkin lang dad" pagkontra ni Joicy sa daddy nito.


"Si Prince?" Tanong ko. Kumpleto sila maliban kay Prince. Naunang dumating sina Vernel at Nathalie. Tinawagan naman ako ni Pitchy at kinumusta ang lagay namin ni baby. On duty siya kaya hindi niya ako mapuntahan kaagad. But she promise na pagkatapos ng duty niya ay didiretso siya ng hospital.

"Nako nagpa iwan at hindi na daw siya kakasya sa sasakyan. Balitaan nalang daw namin. Kamusta naman anak. Nahirapan ka ba?" Tanong ni tita Joy.

"Medyo po pero worth it naman" nakangiting sagot ko.


"Worth it talaga at napaka cute nitong batang to" ani tito Marce habang nilalaro ang napakaliit na kamay ng anak ko.

"Hindi ko na naabutan yung pag labor mo. Ito kasing dalawa. May kotse naman bat sa amin pa naisipan sumabay" reklamo ni Joicy.



"Wow...nagsalita ang napaka bilis kumilos. Ikaw ang nag inform samin na manganganak na si Moon Dance kaya nagmadali kami, ang ending , ikaw ang pinaka huling sumakay ng sasakyan" tugon ni Lorton.


"Gwapo. Kamuka ng ninong" ani Codie.


"Kapal nito....ikaw ang ama ha..ikaw ba" pag kontra agad Lorton.


"Wag kayong maingay. Mga batang to, nasa hospital tayo" saway ni tita Joy.

"Sorry tita" sabay peace sign ni Codie.

"Can't wait to see him walking and talking and smiling....bilisan mo baby. Excited na kami" ani pa ni Joicy.


"Wait...hindi pa namin alam ang namesung ni baby" Biglang tanong ni Nathalie.


"Oo nga...Anong name" Si Vernel.



"Everyone...meet Sky" sagot kong hindi mawala ang ngiti sa mga labi. Tama ang nanay, tita Celestine at Mrs. Claire. Sa oras na makita at mahawakan ko na ang anak ko, doon ko mararamdaman yung kakaibang saya. Yung pakiramdam na kumpleto ka. Yung pakiramdam na hindi mo kayang ipaliwanag sa kahit anong salita at paraan. At doon mo matutuklasan ang tapang na meron ka para lang sa anak mo. At ngayon...lahat ng yon, nauunawaan ko na. Kakayanin ko ang lahat para kay Sky.


"OMG. ...ang cute nang name" bulalas ni Joicy.



"Like mother like son. Moon and Sky" nakatingala pa si Codie na animo nakatingin sa kalangitan.



"Oo nga no. Taas ng name niyo. Hirap ma reach" ani Vernel.


"Hahahahahah" tawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Vernel.



"Si Loresa nga pala?" Tanong ng tito Marce.



"May binili lang po sandali. Saka kakausapin niya daw po si doctora" tugon ko.



"Susunod kami para kung may kailangang asikasuhin eh maayos na. Maiwan muna namin kayo" sabay na tumayo sina tita Joy at tito Marce.




"Tito Marce, tita Joy, salamat po"



"Ikaw talaga. Magpahinga ka lang diyan para makalabas kayo agad. Oy mga bata kayo, wag kayong mag iingay at hospital to. Baka mapagalitan tayo" bilin pa nito tita Joy bago tuluyang lumabas ng kwarto.


"Kamusta. Nahirapan ka no? " Kita ko ang pag aalala ni Joicy. Katulad nalang ni Vernel at Nathalie noong makita agad ako.



"Ayos lang. Masakit pero ang saya ng pakiramdam ko noong mahawakan ko na si Sky. Ganon pala ang feeling" tugon ko habang sinusulyapan ang munting anghel na payapang na tutulog sa tabi ko.



"You'll be a good mom to Sky" komento nito.



"Sa tingin mo?" Paniniguradong tanong ko pa.


"Nothing is perfect. No one is perfect. But being a mother....you can do your very best even if it seems so imposible. You can fly even without wings. You can stand without your feet. You'll be the strongest even you're already giving up. And you can love even your in pain. Yan ang sabi ni mom. Sabi pa niya, being a mother is the best feeling and yet...most challenging part of one's woman lives. Hindi ko naiintindihan dahil hindi ko pa nararanasan. You're a good friend. A true one. And you're my best friend. Kaya alam kong you'll be the best mom for Sky. At narito kaming lahat para sa inyong dalawa" naantig ang puso ko dahil sa sinabi ni Joicy.



"Tutulungan ka namin sa kahit anong paraan" dagdag ni Vernel.




"Dahil ang tunay na magkakaibigan...walang iwanan. Sa hirap man at ginhawa" Mabait si Nathalie. At minsan ko lang siya marinig magsalita ng ganon. Pero kahit hindi...Alam kong isa siyang napakabuting kaibigan. At subok ko na yon.


"Salamat sa inyong lahat ha. Kung wala kayo...paano na kaya kami ni Sky" naiiyak na sambit ko.


"Walang director, bawal mag drama" Ang panirang dialogue ni Lorton.


"Kainis ka babe...nag ha-heart to heart talk kami dito ano ha" singhal ni Joicy kay Lorton.


"Hey...kain muna tayo. My treat" ani Codie.


"Yownnn...Tara. Ikaw Moon Dance, pwede ka bang kumain?" Tanong ni Lorton.


"Pwede naman"

"O sige. Kami na bahala. Tara guys" anyaya nito sa lahat.


"Bilan niyo nalang din ako. Walang kasama si Moon. Balik kayo kaagad" bilin nito Joicy.


"Diyan lang kami sa malapit kaya mabilis lang. Babalik kami agad Moony" ani Codie.


"Magpahinga ka na muna habang tulog si Sky. Ako na muna ang magbabantay sa kaniya" ani Joicy.


Nakakapagod ang araw na yon kaya hindi na ako tumanggi. Ginawaran ko muna ng isang magaan na halik si Sky bago ako tuluyang pumikit.



My Sky....nakangiting sambit ko sa pangalan ng anak ko sa puso ko.


To be continued....

MOTHER....6 letters. Millions of meanings. But you can only have one. So value and love them.

MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon