MOON DANCE : 33

592 49 12
                                    





A/N : mag give way muna tayo sa lovelife ni Vernel  😊 after kasi niyan....pagkatapos 😉 gets niyo







"Salamat sa treat" habang naglalakad nalang kami ni Harold pauwi dahil bumaba kami sa isang kainan malapit sa boarding house na inuupahan ko. Isang kanto lang din naman ang layo ng bahay na tinitirahan nito



"Welcome" tipid na sagot nito.




"Mauulit pa naman siguro to" pagbabaka sakali ko.



"Wala bang magagalit?" Meron...ako. subukan mo lang na hindi panagutan ang nararamdaman ko. Wag kang pa fall nyeta. Hulog na hulog na ko. Lunod na lunod na. Ngayon mo subukan na iwan ako sa ere. Pag aaralan kong mangulam. Or pupunta ako sa Quiapo at lilimasin ko lahat ng tinda nilang gayuma.


"Sa palagay mo"




"Meron"




"Tulad ng?"



"Boyfriend syempre"




"Kung may boyfriend ako...sa tingin mo pagtiyatiyagaan kong si Nathalie ang araw araw na kasabay ko"



"So single ka"


"Malamang sa alamang"




"So pano"



"Anong pano?" nilingon ko ito na may pagtataka.




"Ang ibig kong sabihin. Oras na para maghiwalay tayo....Hayan na yung boarding house niyo" inginuso pa nito ang boarding na nasa likuran ko bakit ba nakarating kami agad? Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nahiling na sana malayo yung tinutuluyan ko.




"Ahhhhh haha....oo nga pala. O sige, salamat ulit at saka...ingat liligawan mo pa ko kaya mag iingat ka. Sasagutin naman kita agad agad " Ako pa ba to? Para na kong si Nathalie kung lumande sa lalaki.




"Sige...pasok ka na" sa puso mo.o buhay mo?"



"Saan?" Sige lang....di baleng magmukhang tanga makasama lang kita ng matagal tagal pa.




"Okay ka lang ba?" Hindi...hanggat hindi nagiging tayo...hindi matatahimik ang puso kong uhaw sayo.



"Oo naman. Sige na. Uwi ka na sa puso kong naghihintay sayo"



"Geh...see you tomorrow"




Hindi ba pwedeng I love you na tomorrow



"See you aking Harold"




Hay Harold. Ano ba ginawa mo sakin? Nyetang ka-gwapuhan yan. Nakaka sira ng katinuan.

> • • • • • • • <


MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon