MOON DANCE : 29

407 43 19
                                    







"Stop the wedding"  malakas na sigaw ng isang babae.







Napalingon ako sa may gawing pintuan ng simbahan maging si Glaine at lahat ng mga taong magiging saksi sa araw ng kasal namin.






"Sino yan?" Unti unti na akong nakakarinig ng mahihinang bulungan mula sa mga guest.







"Who is she?" Ang dinig kong tanong ng isa sa mga abay namin, pinsan ni Glaine.






"OMG...don't tell me she's Ehren's girl?" Ang naging tugon ng katabi nitong babae.







"I guess so. But I didn't know her" patuloy na sagutan nila.






"Who are you?" Ang pasigaw na tanong ko sa babaeng umagaw ng atensyon naming lahat habang naglalakad ako palapit dito.







"Sino ako?.....after mo kong buntisin, itatanong mo kung sino ako?" Nag salubong ang mga kilay ko sa labis na pagtataka.







Mas lalong lumakas ang bulungan ng lahat nag marinig nila ang sinabi ng babae.






"Ehren!" Ang pagtawag sa akin ni Babe.







"Babe. I'll fix this okay. I don't know who's this girl" sagot ko kay babe habang patuloy na naglalakad palapit sa babaeng naging dahilan para ma tigil ang kasal ko.








"Wow ha. Ngayon hindi mo na ako kilala. Sabagay, ganiyan naman talaga kayong mga lalaki. After niyong makuha ang gusto niyo, itatapon niyo nalang kaming mga babae na parang basura" lalong kumunot ng noo ko dahil sa mga kasinungalingang sinasabi nito. Nagpipigil ako ng galit ng mga sandaling yon dahil baka kung ano ang magawa ko sa babaeng nasa harapan ko.








"Look miss. If you're tripping or something. This is not a good joke. I'm getting married and you're interrupting us. Can you please..... get out?" Ang mahinang pagkakasabi ko.






"This is embarrassing"  ani Babe nang tuluyan na itong makalapit sa amin.







"Mas nakakahiya naman siguro sa part ko....Well nasa sa iyo na yan mis kung papakasalan mo pa yung lalaking to after what he did to me. After may mangyari samin, after niya kong buntisin...ano ngayon? Iiwan niya nalang ako ng ganon ganon nalang" napanganga ako sa lakas ng loob ng babaeng nasa harapan ko para sirain ang kasal ko. Para magtahi ng kung anong mapanirang kwento.







Tumalikod si babe at lumapit sa parents niya. Nakaramdam na ako ng kaba dahil habang nag uusap ang mga ito, kita ko ang pag iling at pagtango ni mommy Cel at daddy Jules. Makalipas ang ilong minutong pag uusap ng mga ito ay saka ito naglakad muli pabalik kung saan kami nakatayo ng babaeng hindi ko man lang alam ang pangalan....kasunod ang mga magulang nito.







"Babe...what's this?" Nakaramdam ako ng  pagkalito.






MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon