MOON DANCE : 46

653 71 35
                                    


Ehren

Pakiramdam ko, iisa ang kapalaran namin ni Logan. Nagka iba lang ang sitwasyon.




Siya....kailangan niyang ikasal sa babaeng hindi niya mahal.




Ako....handang pakasalan ang babaeng mahal ko pero may iba naman palang mahal.



Darating kaya muli ang panahong magmamahal ako ng buong buo. At kung dumating man yon....hindi na kaya maulit ang nangyari sa amin ni Glaine?










Moon Dance

Nadalaw ko ang mga tito Marce at tita Joy at Prince. Nagkita din kami nina Lorton at Codie. Umasa akong magtatanong sila pero noong nakita nila ko, basta niyakap lang nila ako ng mahigpit. At doon siguro na kong kinausap sila ni Joice. Hindi ko napigilang maluha kahit nakikita nila.  Doon ko mas naramdaman na ang dami palang nagmamahal sakin. Inalam nila kung saan kami nakatira para daw madalaw nila kami. Hindi ko na ipinagkait ang bagay na yon. Kaya umaasa ako na isang araw, pupunta sila sa bago naming inuupahan ng nanay.





Napaka bilis lumipas ang mga araw at buwan at next month nga, naka schedule na ang panganganak ko. At si doctora Celestine mismo ang nag asikaso nang lahat.



Masalimuot ang mga pinagdadaanan ko...pero maraming anghel na dumating sa buhay ko. Anghel na handa kaming tulungan at damayan sa kahit anong pagkakataon. At ang anghel na nasa sinapupunan ko.



"Oh last check-up mo na to dahil next month, makikita na natin ang anghel na nasa tiyan mo. Anong feeling?"



"Ewan ko doctora----



"Sabi nang tita Celestine nalang eh. Feeling ko ang tanda ko na pag tinatawag mo kong ganiyan"



"Sorry po" sabay ngiti ko "natatakot po ako na excited. Mixed emotions, normal po ba yon?"




"Oo naman. Pero alin ang mas nangibabaw sayo?"




"Excitement. After 8 months,makikita at mahahawakan ko na ang anak ko. Pero----





"Pero ano?"




"Hindi ko po alam kung magiging mabuti ba kong ina. Kung mapapalaki ko ba siya ng tama. Mabibigyan ng maayos na buhay. Alam niyo po yon"




"Pinagdaanan ko nang lahat yan. Single mom din ako di ba. Huwag mo munang isipin yong bukas. Pag nakita mo na yang baby mo, lahat ng takot mo, mawawala. Kasi ang mararamdaman mo nalang is yung saya. Masarap sa feeling na maging ina. Mararamdaman mo na kumpleto na ang pagkatao mo.  Lahat ng akala mong imposible, magiging posible dahil wala kang hindi makakaya para sa anak mo. Kaya huwag kang mag isip pa ng kung ano ano. At nandito kami, ako, ang tita Loresa at ang tita Claire mo. Panay kaya ang tawag non sakin at ipinapaalalang huwag ko siyang kalilimutang tawagan sa oras na makapanganak ka" literal na nangilid ang mga luha ko.  Naging mabuti ba kong tao para makilala ko ang mga katulad nila.




"Oh bawal ang umiyak. Smile Moon Dance. Baka paglabas niyang baby mo eh nakasimangot" Para akong baliw dahil umiiyak tapos nakangiti din ako dahil sa mga naririnig ko mula kay doctora.



MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon