Nalaman na nina Pitchy at Vernel ang totoo.
Totoo talaga na kahit anong paglilihim ang gawin mo.....masisiwalat din ang lahat kahit pigilan mo.
"Kaibigan mo kami pero nagawa mong mag lihim sa amin. Sa panahong ganito...doon mo nga masusukat kung totoo ba kami sayo o hindi. Alam kong hirap kang magtiwala. Pero kung iyan ang mananaig sayo, paano mo makakaya ang lahat. Kailangan mo
din kami. Kakailanganin mo din ang ibang tao. Alam kong matatag ka...pero darating yung point na magiging mahina ka. At sa oras na yon, baka kung kailan mo kailangan ang isa samin, wala na kami. Hindi sukatan ng pagtitiwala ang haba at lalim ng pinag samahan. Mararamdaman mo yon" Yon ang mahabang litanya ni Vernel. At tanggap kong may mali ako. Mali ako at tao lang ako. Natatakot."Kailan lang tayo nagkakilala kumpara sa mga dati mong kaibigan. Hindi ko hihilingin na pagtiwalaan mo ko. Kung may mga bagay na hirap kang sabihin sa ibang tao..kahit sa mga kaibigan mo. Kahit sakin. Nandiyan ang nanay mo" Hindi ko nakuhang tumingin kahit kanino ng sabihin yon ni Pitchy.
Paano?
Paano ko ipagtatapat sa nanay ang totoo? Paano kung yung Ehren nga na yon ang may kagagawan ng pagkaka rape sakin? At paano kung siya mismo ang lalaking yon? Sigurado akong masasaktan ang nanay at sisisihin niya ang sarili niya. Kakayanin ko ba na makita siyang ganon?
Hindi....baka ikamatay ko.
Matitiis ko ang lahat...wag lang makitang umiiyak ang nanay.
"Lalim naman ng iniisip mo at hindi mo naramdaman na nakapasok ako ng kwarto mo" nalingunan ko ang nanay na nasa may cabinet. Doon ko inilagay lahat ng gamit ni baby.
"Hindi naman nay. Iniisip ko lang kung mahirap ba manganak"
"Mahirap pero kakayanin. Kapag naging isang ganap ka ng ina, maiintindihan mo lahat ng bagay na malabo para sayo. Malalagpasan mo ang mga hirap na akala mong imposible. At magiging posible ang lahat ng akala mong hindi mangyayari. Magiging malakas ka kahit pa pakiramdam mo, suko ka na....lahat ng sinasabi ko, malapit mo nang maranasan. Ang pagiging ina ang pinaka malaking obligasyon sa buong mundo. Walang time out, walang break, walang day off. At kapag nasaktan ang anak mo....Mas doble ang mararamdaman mo" Kaya nga po mas pinili kong ilihim ang nangyari sakin. Dahil alam ko ang mararamdaman niyo.