A/N : basa lang kayo ha. Hindi muna ako mag replay. Habang nasa mood ang utak ni otor eh update lang ako okay....enjoy and masaktan muna kayo ha. Kilala niyo naman na nako 😆
"Gusto ko pa ng kanin nay" hirit ko.
"Ay nako hindi pwede. Alam kong dalawa kayong kumakain ng apo ko pero kailangan mong isipin na mahihirapan ka manganak kapag sumobra sa laki yang apo ko. Ikaw din, baka mauwi ka sa Cesarean kapag ipinagpatuloy mo yang katakawan mo"
"Eh pano gagawin ko nay. Nagugutom pa ko"
"Heto ang prutas at gulay. Yan ang lantakan mo at yan ang bagay sa inyo" Wala na akong nagawa dahil inalis na nang nanay sa harapan ko ang bandehado na pinaglalagyan ng kanin. Alam kong mga masusustansiya ang kailangan ko...pero kanin ang gusto ng bibig ko.
"Mauuna na akong umalis sayo at baka ma late ako. Mag iingat ka ha. Yang apo ko""O------po inayyyyyy"
"Wag kang mamilosopo at nagpapa alala lang ako. Alalahanin mong oras na may mangyari sayo, malalagay din sa peligro ang anak mo"
"Alam ko po. Nag iingat naman po" yumuko ang nanay ay inilapit ang bibig sa bandang tiyan ko.
"Kapag nagtigas ang ulo yang nanay mo...sipain mo apo ha" natawa ako sa sinabi nito.
"Nay...three months palang yan. Paanong sisipa yan"
"Malay mo. Masunurin yan sakin paglabas niya...bye apo. O siya, aalis na ko. Piliin ang kakainin Moon Dance ha" Ang halos araw araw na bilin ng nanay. Kabisado ko ang nga eh.
> • • • • • • • <
"Oh may dala ko para sa inyo ng baby mo" Si Pitchy. Siya ang una kong nakagaanan ng loob sa trabaho. Ma-kwento. Maaalalahanin. Lalo na pagdating sa kalagayan ko. Pero katulad nina Vernel, Nathalie, Joice, Codie at Lorton...wala itong alam sa totoong nangyari sakin. Nananatiling lihim ang bagay na yon. Siguro...hanggang sa mamatay nalang ako, hindi ko hahayaang mabunyag ang naging kapalaran ko sa ama ng batang nasa sinapupunan ko.
"Wow fishball at strawberry. Thank you Pitchy" Walang sabi sabi, nilantakan ko kaagad ang dala Pitchy.
"Oh dahan dahan lang. Walang aagaw sayo niyan" natatawang sambit ni Pitchy na kumakain narin ng merienda.
"Nakakapag laway kasi tong dala mo. Thank you ulit ha"
"Madi or Moon Dance" napatingin ako dito ng banggitin niya ang buong pangalan ko "don't worry. Kung may dahilan ka kung bakit hindi mo sinasabi ang totoong pangalan o pagkatao mo, I respect that. Si Mrs. Claire...matagal na kaming magkakilala. Alam mo bang siya ang tumutulong sa amin noon noong nag aaral palang ako. Kapalit ng tulong niya sa pamilya ko, tumutulong ako sa store nya. Pero hindi dito yon, sa Cebu. Inilipat niya lang ako dito may dalawang taon na ang nakakalipas. May tiwala daw siya sakin kaya ako ang pinagbabantay niya dito. Umalis kasi yung dating ang su-supervise dito kaya yon. Alam mo, ang bait nang mag kapatid na yon. Si Mrs. Celestine at Mrs. Claire"