MOON DANCE : 26

457 40 6
                                    




Joice

"Kanina pa tahimik yon. Kausapin na natin...mukang probelmado eh"






"Kanina pa nga ganiyan yan. Pansin mo ba, after niyang hanapin si Moon Dance , saka siyang nag astang ganiyan"







Tumayo ako, kasunod si Babe. Nasa house niya kami after class. Sa bar sana kami kasi doon nagyaya si Codie pero tumanggi kami. May pasok kinabukasan kaya hindi sila pwedeng malasing..





"Codie" panimula ko nang tuluyan na namin itong malapitan. Naupo ako sa tabi nito, sa harap naman si Babe "Alam mong nandito lang kami. Kung may problema  you can tell us. Makikinig naman kami"






"She loves him" sagot nito.






Nagkatinginan kami ni Babe. Parang alam na namin ang pinupunto nito. Si Ballet at yung Logan na nakilala na din namin  na manliligaw nito. Her boss.






"Kailan niya sinabi?" Tanong ni Babe.






"Today" maikling tugon nito.






"What did you do? What did you say?" Muling tanong ni Babe. Kita ko sa mga mata nito na nag aalala ito para kay Codie.






"Nothing...I have to let her go. Pinakawalan ko na siya kahit gusto ko siyang ikulong sa buhay ko. Gusto kong sabihin na ako nalang pero----






"Pero?" Sambit ko.






"She already love him. Mahal ko siya. Mahal na mahal. I can't force her to love me....there's nothing I can do"






"You won fight for her" ani Babe dito.






"I love her. I'll wait as long as I can. If he's her happiness...I won't take her from him. Or much better...Kung mag move na lang talaga ako. Like what I told her"







"What did she tell you?" He's my friend. Ballet is my best friend. And I care for both of them. Mahirap para sa akin na ang dalawang mahalaga sa buhay ko ay ganito ang sitwasyon. Kung naiba lang sana.







Na sana...hindi ikinulong ni Ballet ang sarili niya sa nakaraan. Baka sakali, noon palang....nagkaroon na sila ng chance ni Codie. Baka sakali...na experience nilang maging masaya sa isat isa. Then saka nalang sana dumating sa buhay niya si Logan. At least, nagkaroon ng katuparan ang nararamdaman ni Codie. Hindi yung ganito. Hindi pa man nakakapanligaw ng seryoso si Codie, dumating na si Logan. At tulad ng sabi nito...mahal na ito ni Ballet. I'm not against Logan...sino ba naman ako para manghimasok sa buhay pag ibig ni Ballet. Pero nasasaktan ako para kay Codie. Hindi ito yung Codie na kilala ko. Binago siya ni Ballet simula ng magkakilala sila. At kasabay ng pagbabagong yon...ay unti unti niyang minahal ang kaibigan ko. Hindi nga lang naging maganda ang ending...dahil heto nga. Nagmamahal na ng iba ang kaibigan ko.  Gustuhin ko mang sabihin kay Ballet na sana si Codie nalang pero hindi ganon kadali yon. At hindi ako ang nasa sitwasyon.






MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon