Hanggang ngayon, hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko. Kaya pala nag lihim ang nanay sa kaniya dahil malaki ang problema nito.
Ang kasagutan sa problema nito....walang iba kundi ako.
Mahal na mahal ko ang nanay.at hindi ko kakayanin na mawala ito sa buhay ko.
Pero kakayanin ko ba ang kahilingan ni Mr. Kreig kapalit ng pag abswelto nito sa nagawa ni nanay.
Masyadong komplikado. May madadamay. May masisira kaming buhay.
Kailan ba kami makakaalis sa mga problemang ni sa panaginip...hindi ko akalain na darating samin?
Magulo na ang lahat simula ng iwan kami ng tatay. Ngayong wala na siya, magulo parin. May darating pa bang pagsubok sa amin na mas hihigit pa dito?
"Moony"
"C--Codie" ngayon, sa tuwing nakikita ko siya. Nag pa-flashback sa utak ko noong araw na hinalikan niya ako.
Mabilis itong sumabay sa paglalakad ko papuntang library.
"May kailangan ka ba?"
"Iniiwasan mo ba ko?"
"Hindi. Bakit mo naisip yon?"
"Coz it's obvious. Kaninang break, hindi ka sumabay samin. And your reason is may gagawin kang importante. Pinuntahan kita just to find out that you're just sitting there and doing nothing. Looking at nowhere...now tell me, hindi ba pag iwas yon"
"Hindi porket hindi ako sumabay, umiiwas na ko"
"Then tell me why. Ito yung araw na ayaw kong dumating Moony. Yung sabihin ko sayong hindi ko kayang mawala ka and yet, it's happening. You're not pushing me away, but you're avoiding me"
"It's not....okay. It's not what you think" huminto ako saka hinarap si Codie.
"Then tell me....dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. I was trying to understand you. Na hindi madali sayo ang pumasok sa isang relasyon. Na kahit panliligaw lang iwas ka. I respect that. Para kang isang mamahaling bagay na nakakatakot hawakan. Na takot akong mabasag"
"Then don't. Iwasan mo ko. Layuan mo nalang ako or let's stay as friends"
"Hindi ko nga kaya okay. Mahal kita Moony. Naiintindihan mo ba. I love you"
"I love him" natigilan ito sa sinabi ko. Napatuwid ng tayo saka sumandal sa pader.
Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin. Kahit may mangilan ngilang estudyante ang napapadaan sa gawi namin, parang kami lang ang naroon