As expected, ang daming tao. Sa mansion ng Mayor ginanap ang event. Puro mga officials ang nakikita kong naka upo sa isang round table. Sa katabi naman nila ay mga teachers and college professors. Ang mga nakalaban ko sa contest ay nasa isang table din.
Kami naman ni Joicy ay sumama sa kung saang table naka assign ang seats nina tito Marce at tita Joy. Nandoon narin sina Lorton at Codie. Hindi nakapag tataka na nandoon din sila dahil kilalang pamilya sila.
"You look gorgeous " bulong ni Codie.
Nakaramdam ako ng ilang sa paraan ng pag titig nito. Siya yung tipo ng lalaki na nagpaparamdam pero hindi naman direktang nanliligaw. Walang formality. Na ayos lang naman sakin dahil wala naman nga akong balak makipag relasyon.
Nagsimula ang party nang lumabas na an Mayor na sinalubong ng isang malakas na palakpakan at isang dance number mula sa mga kabataan....na sa tantiya ko ay mula din sa isang school. After ng dance number ay nag speech pa muna ang Mayor at nag pasalamat sa lahat ng dumalo.
After non ay nag resume ang program. May pa games din ang Mayor. May pa raffle ito para sa mga estudyante, para sa mga teachers and professors, sa mga kaalyado nito at sa iba pang naroon. Isa sa mga professors namin ang sinu-werteng nakakuha ng halagang 10k.
Hanging sa dumating ang turn ko para kumanta. Panay ang hila ko pababa ng damit ko dahil pakiramdam ko, nakahubad ako.
Mas dagdag ilang pa sa akin dahil may spotlight pa talaga. Hindi ko masyado makita ang mga tao sa harap ko, at ako, kitang kita nila. Para bang isang maling kilos ko, makikita nila.
Pilit kong inaninag sina Joicy at tita Joy na kararating lang din. Sila lang naman din kasi ang kilala ko na pwede kong paghugutan ng lakas ng loob.
Kumaway agad si Joicy nang magtagpo ang ma paningin namin. Ganon din sina tito Marce at tita Joy. Maging sina Lorton at Codie ay naka thumbs up....Kaya mo yan " Ang basa ko sa sinabi ni Codie.
The Prayer muli ang kinanta ko. Ang winning piece ko.
Sa kalagitnaan ng pagkanta ko, may kakaiba akong naramdaman. Alam kong maraming nakatingin sakin. Pero pakiramdam ko, may isang pares ng mga matang kanina pa nakatitig sakin. Nasa may bandang dulo siya..medyo hindi naiilawan ang bahaging yon. O baka nasisilaw lang talaga ako dahil madilim ang tingin ko sa kinatatayuan niya. Hindi ko maaninag ang muka niya, pero alam kong hindi niya talaga inaalis ang mga mata niya sakin.
Nang matapos ang number ko ay mabilis kong nilingon ang lugar na yon...wala na siya o baka namamalik-mata lang ako. Baka mali lang ang pakiramdam ko.
Pero hindi...may nakatingin talaga sa akin kanina.
"Ang galing mo nak" tuwang tuwa akong niyakap ni tita Joy.
"Parang mas ginalingan mo ngayon ah...bakit?" Ani Joicy.
"Tss...pareho lang"
Kwentuhan habang kumakain. Nagkaroon pa ng ibang number para ma entertain ang lahat may magic show pa nga.
When the music turn slow. Naging sweet.