Codie
"Bro, hindi pa ba nagkakausap sina Joice at Moony?" Nag aalalang tanong ko. It's been a one week simula ng mag umpisang muli ang klase. At hindi niya pa ito nakikita.
"Hindi parin. Bakit?"
"Hindi mo ba napapansin na wala si Moony sa Uni, opening palang ng klase"
"Napansin. Baka naman late lang siya. Baka may emergency or something"
"Alam ko na. Aalamin ko sa registrar"
> • • • • • • • <
Phone call
Hello mga baks
[ O ano baks. Kamusta naman sa bagong trabaho mo? Kamusta ang inaanak namin ] - si Nathalie
[ Oy mag iingat ka ha. Baka mapano yan ] - sigaw ni Vernel
Okay lang po kami. Heto, medyo halata na yung paglaki ng tiyan ko. Kayo diyan , kamusta?
[ Edi paano pa. Pinagti-tiyagaan ko tong si fabric. Wala na akong choice ]
[ wow ha. Hiyang hiya naman ako sayo. Sino kaya ang palaging naka "Hoy fabric nasaan ka" Kala mo jowa kung maka asta ]
[ speaking of jowa ]
[ baks wag ] dinig kong pagpigil ni Vernel sa nais sabihin ni Nathalie
[ sabi nang okay lang yan eh. Hindi naman naging sila ]
Parang alam ko na. Si Harold ba?
[ kuha mo. Yung papa Harold mo dati, mukhang tinalaban din ng gayuma nitong si fabric ]
[ grabe ka sakin baks ]
So ano na ang status baks? Wag ka nang mahiya sakin kapag pinag uusapan natin si Harold. Matagal mo naman nang alam na wala naman talaga di ba. Hindi ko siya mahal
[ nahihiya parin kasi ako. Kahit naman hindi naging kayo...Yung katotohanan na dati, ikaw ang mahal at nililigawan niya ]