MOON DANCE : 55

407 60 11
                                    



Claire




"I think bukas nalang natin pag usapan ang tungkol kay Sky. You'd take a shower son and get some rest. I know you're tired"





"You're right mom. Maiwan ko na kayo tita Celestine...Ahm by the way, how's ate Rana?"






"She's doing good. Busy with her businesses" ani ate Celestine.





"I'll visit her one day. I'll go ahead....mom, tita" ani Jules bago tuluyang pumasok sa kwarto nito.





Mabilis akong nilapitan ni ate Celestine pagka alis ni Jules.





"Bakit hindi mo pa hinayaan na mapag usapan natin ngayon yung tungkol kay Sky?"






"Ate Celestine...nasan ang IQ mo?"





"Sipain kita Claire. Hindi ako magiging doctor kung mahina ang utak ko. Ikaw nasan ang IQ mo noong mga panahong....





"Oo na...Sabi na nga eh. Nagkamali okay. Pero ngayon, absent minded ka"




"Explain from how to why's by the power of because" Hayan na naman po siya. Nothings change.





"Makinig ka. Uumpisahan ko sa isa hanggang dalawa at sana hanggang isang daan gising ka pa" nakatikim ako ng kutos dahil don "masakit ah"





"Matanda na tayo Claire kaya umayos ka"





"Oy ate Celestine...wala sa edad ang salitang joke"





"Mag uumpisa ka ba o matutulog na din ako"






"Eto na nga....madaling madali. Hindi ko pa pwedeng buksan kay Jules ang tungkol kay Sky. Kahit pa may matibay tayong ebidensiya. At yon yung DNA test nilang dalawa. May asawa na si Jules. Sa tingin mo, kung malalaman niya ngayon na may anak siya, hindi kaya iyon ang maging dahilan para masira ang pag sasama nila. Pangalawa, hindi natin alam ang totoo. Kung ano si Moon Dance sa buhay niya. Pangatlo, paanong hindi niya alam na may na buntis siya. Pang apat, bakit itinago ni Moon Dance ang totoo? Posibleng may mas mabigat na dahilan di ba. At saka iniisip ko, nagkakilala ba sila bago siya ikasal. I mean, engaged na siya tapos saka niya nakilala si Moon Dance"






"Sa dami ng tanong mo...Isa lang ang sagot diyan"






"Ang kausapin si Jules"






MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon