Simula ng araw na yon, may nagbago. Lagi akong may takot.
Paano kung hanapin ako ng lalaking yon? Paano kung alamin niya ang dahilan kung bakit ko nagawa yon? Paano ko ipagtatapat ang totoo? At ano ang maaring gawin ni Mr. Kreig oras na umamin ako? Ano ang mangyayari sa nanay? Sa amin?
Napakalaking gulo ang napasok ko dahil sa kagustuhan kong matulungan ang nanay.
At sana, ma-abswelto na talaga ang nanay dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana tumupad si Mr. Kreig sa napag usapan namin. Sana hindi siya katulad ng iba na oras na makuha ang gusto, iipitin ka parin sa huli.
Matuling lumipas ang mga araw. Mga araw na sanay naman akong parang wala lang sakin...pero nag iba na ngayon. Hinihintay ko ang pangako ni Logan na araw araw niya akong tatawagan pero wala. Tumupad din ako sa habilin nito na huwag sumama sa event nang isang mayamang client niya...nanatili ako sa resto kasama si Vernel ng gabing yon. Si Nathalie ang nakasama at iba pa.
4 days.....kahit isang text wala.
Sabi mo ako lang? Sabi mo hindi ka makakahanap ng iba? Pero bakit ilang araw ka palang nakakaalis...nakalimutan mo na ko? Busy ka lang ba? Or katulad ka din ng tatay?
"Hindi na ako magtatanong kung bakit nag iiwasan kayo ni Joice" Si Lorton. Nasa library ako noon. Hindi para magbasa or mag research. Gusto ko lang ng tahimik na lugar. Gustong kong mapag isa, mag isip kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang iisipin ko. Si Logan or yung ginawa kong paninira ng isang kasal, ng.isang relasyon.
"Gusto kong mag sorry Lorton. Pero alam kong tatanungin niya ko kung bakit kaya mas pinipili kong umiwas nalang din sa kaniya. Kahit mis na mis ko na siya"
"Alam kong mis ka narin niya. Pero syempre, pinsan niya yon eh. She's affected sa nangyari. And knowing that it all happened because of you. And she's still curious kung bakit at ano ang dahilan mo? She's super close to her cousin. Hindi niya lang na iku-kwento sayo, or kay Codie. But she always mention her to me kapag nasa house niya kami. She treated her like her own sister since wala siyang kapatid na babae. For now, alam kong naguguluhan din siya. Pero sooner, alam kong everything will be okay. Magkaka ayos muli kayo and be back as normal"
"Salamat Lorton. Pero kung ano man ang pinagdaanan namin ni Joicy, sana huwag ka nang manghimasok. Ayaw kong maipit ka sa nangyayari. Kung darating man ang panahon na muli kaming magka kausap at magkaka ayos, ipag pasasalamat ko yon sa Diyos. Hindi ko man gusto pero sana, iwasan mo nalang din ako. At alam kong naiintindihan mo. Huwag kayong mag alala, ayos lang ako. Sanay akong mag isa"
"Moon Dance"
"Salamat sa pakikinig Lorton"