MOON DANCE : 31

481 50 12
                                    




Boss, tulad ng napag kasunduan





[    Good. Sige, makakaalis na kayo. Make sure na hindi siya makakatakas  ]





Okay boss





"Payback time"





> • • • • • • • <




"Nasan ako?" Ang alam ko lang, nawalan ako ng malay. Tapos ngayon, nandito na ko. Pero hindi yon abandonadong lugar. Kahit madilim, alam kong malinis ang kwarto. Mabango at amoy panlalaki. Ang hirap  lang makita dahil kahit sinag ng liwanag mula sa labas ng bintana, wala akong maasahan. At kahit gustuhin ko mang hawiin ang kurtinang humaharang dito, hindi ko magagawa.






Dahil nakagapos ako.





Nakatali ang dalawang kamay ko sa gilid ng kama.




Ang huli at malinaw na natatandaan ko, noong kausap ko ang isang lalaki na mag de-deliver daw ng package. Pag tapat namin sa van, nawalan na ako ng malay. At yon lang.




"Sino ang mga taong yon? Anong kailangan nila sakin? Hindi naman ako mayaman para hingan ng ransom ang nanay ko.........wait, hindi kaya? ........Mr. Kreig?  No, hindi pwede to. Tumupad ako sa pinag usapan namin. Hindi pala siya taong kausap. "Hayop ka Mr. Kreig"





Napapitlag ako sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng kwarto. Rumagasa ang takot sa buong pagkatao ko.





Tatapusin niya na ba ko? Papatayin niya ba ako?





Muli kong narinig ang kaluskos na yon mula sa labas. At sa palagay ko, naglalakad ito. Unti unti. Palakas ng palakas ang tunog ng mga yabag nito. Parang may mga dagang nagtatakbuhan sa loob ng dibdib ko. Nanlalamig ang mga palad ko. At pinagpapawisan ako ng malamig.






Walang piring ang mga mata ko pero wala ding silbi dahil wala din akong  makita.





Bumukas pinto sa kwartong yon. Umaasa akong makikita ko kung sino ang nasa likod ng pagdukot sakin.





Nakatayo ito at nakaharap sakin. Pero ang muka niya, hindi ko talaga makita dahil nakatalikod ito sa mumunting liwanag nagmumula sa labas ng kwartong yon. Marahan itong pumasok sa kwarto. Marahang muling isinara ang pintuan.





Doble doble na ang takot na nararamdaman ko.





Ano ang laban ko? Nakagapos ako? Babae ako? Hindi ko alam kung nasaan ako? Hindi ko alam kung sino ang taong kasama ko? Kung masama ba siya o sobrang sama para ipadukot ako?





Tatlo....




Tatlong hakbang nalang ang layo niya sakin. Na lalong nag dulot sakin ng takot.




Amoy alak....





Nakatayo lamang ito at hindi nagsasalita.




Pilit kong inaaninag ang muka nito pero wala talaga. Lumapit pa ito sakin saka marahang kinalag ang taling nakagapos sa mga kamay ko. 





Pakakawalan niya na ba ko?





Nakaramdam ako ng pag asa. Pakiramdam ko kasi...o maaring umaasa ako na mabuti siyang tao. Na nagkamali lang sila ng pagdukot sakin at pakakawalan niya ako dahil nga hindi talaga ako ang pakay nila.





Nang makalag na ang tali sa braso ko ay mabilis akong tumayo. Hindi parin nagsasalita ang lalaki na ipinagtataka ko na.





Pipi ba siya ?




Tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng bigla ako nitong itulak sa kama. Ilang segundo akong parang nawalan ng sariling ulirat bago ko naisipang tumayo. Nag isip kung paano ko siya matatakasan. Pero muling nangibabaw ang matinding kaba ko ng marahan itong dumukwang sa kama patungo sakin.





Hindi.....







Gumulong ako para mapunta sa kabilang panig ng kama pero na hawakan agad ako nito.




Naramdaman ko ang bigat ng katawan nito sa ibabaw ng katawan ko. 




Ramdam ko ang bigat ng paghinga nito. Ang init ng hininga nito. Ang amoy alak na hininga nito.





At ramdam na ramdam ko ang init ng luhang pumapatak sa mga pisngi ko mula sa mga mata nito.





Galit....




Yon ang nararamdaman ko habang hinahalikan niya ang mga labi ko. Habang pwersahan niyang inaalis ang mga damit ko gamit ang isang kamay nito. Habang ang isa ay pigil ang mga kamay ko. Malakas siya. Malakas dahil sa galit na nararamdaman niya.





Nalaglag ang mga luha ko ng tuluyan nitong magawa ang nais niya.




Gusto kong tumakbo para makaalis sa lugar na yon. Sa lugar kung saan pwede kong lunurin ang masamang pangyayaring yon. Sa lugar kung saan pwede kong isipin na isang napakasamang panaginip lang ng lahat.




Pero ang pakiramdam ko, wala akong lakas.




At kahit isang maliit na galaw, hindi ko magawa dahil parang nakagapos ang katawan ko sa lalaking katabi ko. Ang braso nito ay nasa baywang ko at ang binti nito ay nakapatong din sa binti ko.





Dulot ng pagod o kalasingan, mabilis itong nakatulog.





At dulot ng kakaiyak ko, unti unti akong tinatangay sa mundo na sanay makatagpo ako ng kasagutan at katahimikan.








To be continued....





As anger heats up. ...it melts the goodness in one's heart.

















MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon