"Morning nay...tita Nida"
"Morning nak"
"Morning Moon"
"Si Sky nay...himala, hindi niya ko ginising ngayon" sa tuwing mauuna kasi itong magising ay ginigising na din niya ako. Ngayon lang hindi.
"Happy?" Napalingon ako sa bandang likuran ko ng makarinig ako ng boses ng lalaki.
Ehren?
Nakapang workout ito at...terno sila ni Sky.
Anong nangyayari?
"Mama" Patakbong lumapit sa akin si Sky saka humalik sa pisngi ko.
Naguguluhang napatingin ako kay nanay.
"Morning Baby....saan ka galing" bulong ko dito.
"Tito Jules and I went to the park...tapos we run and play" bulong din nito.
"Kain na anak...baka ma late ka sa trabaho" pagsingit ng nanay sa usapan namin ni Sky "Ehren...este Jules, maupo ka na din para makapag almusal"
"Okay lang po...sa bahay nalang po" buti naman
"Nako ano bang sa bahay mo eh nakapag luto na ko. Halika na...wag na mahiya" hiya?.....wala siya non nay. Wag pilitin ang ayaw.
"Sige po...hindi na ko tatanggi" arte...papilit pa...kakain din naman pala.
"Eat your pancakes anak...then drink your milk ok. Wag mo kukulitin ang nanay at tita Nida pag nasa work si mama okay" [ ^_^ ]
"Yes mama....tito Jules pancake po" tumayo pa ito at ipinaglagay sa plato si Ehren.
"Thank you little boy....let's eat" nag 360° ang mata ko sa tagpong yon.
"Be a good boy okay...aalis na si mama"
"Yes mama...take care"
"Heart heart baby"
"Heart heart mama" saka ito naglambitin sa leeg ko para makahalik sa pisngi ko.
Hinaplos ko pa ang pisngi nito saka ako tuluyang lumabas palabas ng bahay.
"Wanna ride" anang anino sa likod ko.
May kotse din ako no....feeling neto
Hindi ako kumibo at nag diretso sa pinag park-an ko ng aking mumunting sasakyan. Iyon ang kauna unahang sasakyan na naipundar ko. Hindi siya brand new pero okay pa naman noong nabili ko. Pero lately...parang gusto ko na siyang pamahingahin.
Pumasok ako sa sasakyan at pabagsak na isinara ang pintuan non.
Ehren
I woke up early in the morning as my usual daily routine. Kahit saang lugar pa man ako nandoon. I do my morning exercises to keep me fit and healthy.