Moon
I've felt weird simula ng makarating ako sa meeting place na sinabi sa akin nina tita Claire at tita Celestine. It's like on top of a hill, a very romantic place. Tita Claire texted me and told me their exact location. Pero kumunot ang noo ko ng makita kong may iba pang tao. Habang naglalakad ako palapit sa mga ito ay lalong kumabog ang dibdib ko. Kakaibang kaba na huli kong naramdaman noong....noong may apat na taon na ang nakakaraan.
Hanggang sa unti unting lumiwanag sa paningin ko kung sino ang mga yon.
Bakit? ....ang naging tanong ko agad sa sarili ko.
Isang masayang tagpo ang inabutan ko. Isang pamilyang magkakayakap.
Kasama ang anak ko....
Hanggang sa dumako ang aking paningin sa lalaking yon. Sa lalaking kanina pa pala nakatitig sakin.
Ehren!!!
"Tita Claire" Ako ang bumasag sa katahimikang tila nakabibingi para sakin. Masayang tagpo na nagpapagulo sa isip ko. At ang mga titig na tumatagos sa buong pagkatao ko.
Unang lumingon sa akin si tita Claire. Habang palapit naman sa akin si tita Celestine.
At ang pinaka huli....
"Moon Dance-----
"Mr. Kreig?--------Lahat sila ay alam kong nakatingin sa aming dalawa ni Mr. Kreig.
Paanong narito si Mr. Kreig?
"You know her dad?" Dad?...daddy ni Ehren si Mr. Kreig?
"Magkakilala kayo ni Moon Dance?" Ani tita Claire Habang palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa.
Tumango si Mr. Kreig sa tanong na iyon ni tita Claire.
"Moon Dance" lumapit sa akin si Mr. Kreig at inalalayan na maupo "I don't know what's happening right now....small world" anito pa na naupo sa kabilang panig ng lamesang yon paharap sakin. Sumunod naring naupo sina tita Claire na tumabi kay Mr. Kreig, ako at si tita Celestine, habang kalong naman ni Ehren si Sky.
"Mama...I'm hungry" Ang reklamo na ni Sky.
"Mama?" Nakita ko ang biglang pamimilog ng mga mata ni Mr. Kreig nang marinig nito ang pagtawag sa akin ni Sky.
"I think...marami pa tayong pag uusapan. Mas mabuti kung kumain na muna tayo" suggestion ni tita Claire.
"Sky...baby. Come to mama" saka ko inilahad ang mga palad ko para abutin ni Sky at iupo sa tabi ko.
Habang kumakain ay nahuhuli ko ang manaka nakang pag titig ng mga taong kaharap namin....si Mr. Kreig at Ehren.
"Moon Dance....akin na muna si Sky. Mag usap na muna kayo" ani tita Celestine nang makatapos kaming kumain. Mabilis din itong lumayo karga si Sky sa mga bisig nito.