MOON DANCE : 73

286 48 14
                                    


"Ang aga aga hindi maipinta muka mo nak" ipinatong ko ang baba ko sa ibabaw ng lamesa saka napabuntunghinga. Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko. Pagka nasa work, kahit papano, nawawala sa isip ko na wala sa bahay si Sky at kasama ng ama nito. Pero pag uwi ko, una kong hinanap ang amoy ng anak ko. Ang pagsalubong o ang pag iintay nito sa akin sa kwarto namin. Ang maikling kwentuhan , story telling at kulitan hindi ako sanay ... at parang ayaw kong masanay.


"Mis ko na si Sky nay"  hindi ko na pigilan na mangilid ang luha ko. Alam kong hindi ako nakatulog halos sa nagdaang gabing yon. Halos hilahin ko ang oras para lang mag umaga na. Tila mababaliw ako sa tuwing maiisip ko na si Ehren ang kayakap nito sa pag tulog at hindi ako nagseselos ako ... yon ang totoo na hindi tamang maramdaman ko.


Naupo ang nanay sa tabi ko at si tita Nida naman sa harapan. Alam kong pareho silang nag aalala sa nararamdaman ko. Pero wala din naman silang magagawa. Yon ang kondisyon na ibinigay ko kay Ehren parang gusto kong pagsisihan


"Ikaw ang nag decide non di ba? At saka may karapatan naman si Jules sa anak niyo. Babalik naman dito ang apo ko kaya ayusin mo yung muka mo at kay aga aga eh parang sinapo mo na lahat ng problema sa mundo" ani nanay habang ipinaglagay ako ng tinapay at pritong itlog sa plato.


"Alam kong mis ka na din ni Sky Moon Dance. Pero hayaan mo munang maranasan niya yung may ama sa tabi niya. Mabilis lang ang tatlong araw. Hindi mo mamamalayan , bukas lang nandito na ulit yon at kukulitin ka" ani tita Nida na naiintindihan ko.


Maghapon akong parang walang  buhay. Nakakapagtrabaho kahit palaging malayo ang tinatakbo ng isip ko. Iniisip ko kung ano ang ginagawa nila. Kung kumain na ba siya? Kung nakatulog ng maayos.


"Parang alam ko kung bakit ganiyan ka ... at may solusyon ako diyanHindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sa akin si Rana.

"Mis ko na si Sky Ranapagtatapat ko dito kahit pa pinsan ito ni Ehren. 


Hindi man lang ako pinansin ni Rana na busy sa cellphone nito.

"Moon Dancepinalapit ako nito saka ako hinila papunta sa loob ng office nito.


"Bakit?" Takang tanong ko pa nang itulak ako nito sa maliit na sofa na naroroon.


"Hey cousin. Where's Sky?" Nag liwanag bigla ang paligid ko pagkarinig ko sa pangalan ni Sky. Naupo si Rana sa tabi ko at ipinakita sa akin kung sino ang ka vC nito.


MOON DANCE  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon