SB 3: Nasejun

218 10 2
                                    

warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.


Chapter 3

Lulan ng puting van ang limang binata patungo sa Bicol kung saan naaksidente ang nawawalang prinsesa na kanilang hinahanap. Makatapos ng ilang oras ay nakarating na rin sila ng matiwasay at nagumpisang magtanong tanong sa mga tao kung nakikilala nila ang batang asa litrato at kung ano ang nangyari makalipas ang sampung taon.


"Mga pre, wala kaming makuhang sagot e." sabi ni Ken sa mga kasama at nagkamot ng ulo.

"Matagal na rin kasi ang nakalipas." nanghihinayang na sabi ni Justin.


"Seriously wala talaga?" takhang tanong ni Josh.

"Oo wala puro mga bagong lipat ang mga tao rito sabi at di nila naabutan yung sinasabi natin." balik naman ni Stell. "Pero Sej, diba may matanda kang kausap kanina na matagal? anong balita dun?" tanong ulit ni Stell at tumingin kay Sejun.

"Oo meron. Sabi ni Lola sya nalang ang natira na nakatira doon kasi nagsilipatan na ang ibang nakatira doon matapos nag aksidente kasi sabi may sumpa daw sa lugar na ito kaya maraming naaksidente kaso yung mga bagong nakatira dito di sila naniniwala sa sumpa sumpa tungkol naman sa prinsesa sabi nya tinulungan daw nila ang prinsesa at dinala sa ospital kaso tinakasan sila makalipas ng ilang araw at wala na silang balita. ayun ang mga nakalap ko." impormang sabi ni Sejun at nakapamulsa.

"Diba Josh may pina hack ako sayo, some update please." sabi naman ni Justin kay Josh. Sinabihan nya kasi itong ihack ang ilang system na maaring makatulong sa kanila.  "Wala. As in wala akong nakuha miski isa mukhang magaling magtago ang prinsesa o kaya nagpalit sya nang bagong pangalan. Walang lumabas na impormasyon tungkol sa kanya kahit yung balita 10 years ago wala na sa internet burado na din sya at walang trace na lumabas o transaction na naganap." mahabang imporma ni Josh sa mga kasama. Buong gabi nyang tinrace lahat ng maaring maging lead sa paghahanap pero wala talaga syang nakuhang impormasyon miski isa.

"Mukhang mahihirapan talaga tayo ah." bulalas ni Ken. "Siguro nga. Tara na pumunta na tayo doon sa ospital na sinabi nila." yaya ni Stell sa iba. "Lesgirit guys." makulit na sabi ni Ken at nagsipasukan na silang lahat sa sasakyan.

Habang nasa byahe ang mga binata ay nagkwentuhan muna sila at nagkulitan pati na rin nagplano ng dapat nilang gawin para mahanap ang nawawalang prinsesa.


"Stell pakuha naman ng boy bawang dyan sa bag ko tas pabigay kay Justin." utos ni Josh kay Stell. Si Josh kasi ang nagmamaneho ng sasakyan at asa driver seat na si Justin katabi nya at ang iba ay asa likod na. Magkatabi si Sejun at Stell sa upuan samantalang si Ken naman ay nasa pinakadulo at may earphone na naka salpak sa tenga at nakadungaw sa labas ng bintana.  Inabot naman ni Stell ang boy bawang kay Justin at humilig sa upuan at pumikit na. Si Sejun naman ay busy sa kakalikot ng cellphone nya.


"Jah pasubo naman ng boy bawang." sabi Josh kay Justin at ngiting ngiti pa. "Iyang ngiti mo Josh iba. Naalala mo na naman siguro yung cashier doon sa may 7/11." pabalik na sabi Justin kay Josh at sinubuan ito ng boy bawang na hawak at sumubo na rin dahil mahaba haba ang byahe nila papuntang ospital.

"Nakakatuwa kasi sya para syang dragon konti nalang bubuga ng apoy." kwento ni Josh at tumawa. Di mawaglit sa isip ni Josh ang dalaga kaya napapangiti sya pag naalala ito tingin nya kapatid ito ng kapitbahay nila. Naalala nya kasi noong lumabas sya ng bagong bahay nila ay saktong palabas din ito at iyon din ang araw na inutusan sya ni Sejun na bumili ng makakain at nakita nya ang magandang dalaga kaya sinundan nya pa ito naalala nya din na nakasalubong nito si Ken pero di pinansin ng dalaga ang kaibigan kaya mas lalo syang nacurious at nakaisip ng kalokohan para mapansin sya nito. Nakakahiya yung ginawa nya sa 7/11 pero napansin naman sya ng dalaga kaya wala lang ito sa kanya at kung di lang sya inalis ni Ken sa may 7/11 ay di talaga sya aalis doon at aantayin ang dalaga.



𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon