SB19 24: Last Mission

111 4 4
                                    

Chapter 24 - Last Mission



Ilang araw na rin ang makalipas pagkatapos mangyari ang 'Deal' nila kay Attina. Binalikan nila lahat ng clues na binigay sa kanila nito at ang pangalang 'Attina' ang nabuong pangalan. Matagal na pala silang kilala at minamanmanan ni Attina.

Guns, Bullet, Specialized Injection, Suit.

Iyon ang lahat ng mga bagahe nila, Oras na para linasin ang Lalayosa Village dahil tapos na rin naman ang mission nila pero hindi nila sinabi na si Attina at  tatay ang may pakana ng lahat. Tamihik silang umalis habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan, nadaanan nila ang bahay ni Attina sa Village. Wala na ding tao roon dahil may nakalagay na for sale.

"Are you okay guys?" Sejun asked everyone. Tumango naman ang ilan sa kanila at ang iba naman ay nanatiling tahimik nalang.

Nag iimbistiga pa rin sila sa tatay ni Attina para mapatunayan ang mga binigay nitong ebidensiya, base sa pagmamanman nila ng ilang araw sa ama nito ay totoo nga ang mga ibinigay na ebidensiya ng dalaga.

"I miss her," Josh blurted out.


"I guess may the best man, win?" sabi ni Justin sa lahat.

"May the best man, Win!" sang ayon ng lahat. "Kung sino man piliin ni Attina, No hards feeling. Suporta pa din, okay?" panghihikayat ni Stell sa lahat.

Nagsisang ayunan naman ang lahat dahil kung sino man ang piliin ng dalaga ay di masisira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa babae.

Narating ang sasakyan nila sa kanilang dating tinitirahan na building kung saan sila mag ensayo, tago ang lugar na ito dahil iilan lamang ang nakakapunta bukod sa ahensiya nila. Pagkapasok palang ay nag ayos na sila ng meeting patungkol sa huling misyon na gagawin. Balak nilang hulihin sa akto si Mr. Geong.

"We need to move fast, According to my system may magaganap na transaction mamayang alas dose ng madaling malapit sa manila bay. Shipment ng drugs and other illegal parafernalia," Josh explained to everyone. Tumango tama naman ang iba. "and also we need to be there, before 12 midnight so we can caught them in act." pagkakatuloy pa ng binata.


"Justin and Ken, kayo ang bahala sa suirveillance sa paligid ng manila bay. Act as an vendor na nagbebenta ng kung ano ano sa gabi." request ni Josh sa dalawang binata na nasa kanang nyang nakaupo.

"Stell and Sejun, kayo naman ang bahalang magpanggap na isa kayo sa mga katransaction nila. Mr. Geong is always on his vehicle, kaya ang makakatransaction ninyo ay ang mga tauhan niya, I already ask them anonymously na umorder tayo sa kanila ng drugs at mamayang alas dose ang delivery mamayang 12am." mahabang paliwanag ni Josh. This is it. Their last mission.


"Don't get caught." seryosong sabi ni Sejun. "Yes, Sir." natatawang sumaludo naman si Justin. They noticed that Stell keep on sighing.



"Stell? Problema mo?" tanong ni Ken sa binata. Nakayuko kasi ito at laging nagbubuntong hininga.


"Wala naman, Last Mission na natin 'to before concert, wala sanang masamang mangyari." nag aalalang sabi niya.

"Tayo pa ba? Strong tayo!" pang bubuild up ni Ken. Hindi ang oras para madown sila dahil finally last mission na.

"Agree." sang ayon ni Justin habang nakangiti kay Stell.

"Paano? Get in the Zone!" panimula ni Sejun. "Break!" pagpapatuloy ng apat. "Hello, We are SB19!" nagfist bump naman sila pagkatapos.

Sumapit ang alas dose nang madaling araw at nasa pointing position na sila. Nasauot ng basket hat at rag clothes si Ken at kunwaring nagtitinda ng balot at chicharon. Kinareer niya pa ito dahil pinagmukha niya pa ang sarili na marungis at kunwaring naglalako ng balot sa paligid habang si Justin naman ay nagbebenta ng panapin na katulad ng binebenta sa luneta. May mga suot silang earpiece kung saan rinig nila ang bawat isa.

𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon