warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.
Chapter 6 [Part Two]
"Yare." iyon nalang ang nasabi ni Ken at nagmadaling pumasok sila ni Justin sa pintong sinasabi ni Josh.
"Bilisan nyo mga pre." aligagang utos ni Josh sa dalawa. Binilisan ni Justin at Ken ang kilos para mapasok ka agad ang sinasabing pinto kung saan nila mahahanap ang computer na kailangan nilang ihack.
"Turn Left. Pinaka huling computer." nagtingin tingin sila kung ano ang tinuturo ni Josh pero di nila makita dahil pareparehas ito ng itsura at kulay.
"Josh, Saan dito madaming computer sa left side." sabat ni Justin sa mic na nakalagay sa damit nito.
"Yung pinakamaliit na computer diyan at may pulang dot sa gilid ng screen. Yun ang palatandaan nila." agad namang sabi ni Josh.
"Okay. Copy. Copy." sabi ni Justin.
"Jah, Ayun nakita ko na." nagmistula kasing computer shop ang pinasukan nilang kwarto at tila dito lahat ginagawa lahat ng transaksyon kaya sobrang daming computer.
Dali dali silang pumunta sa computer na hinahanap nila na asa kabilang dulo pa pero nakarinig na sila ng alingawngaw ng baril kaya dumapa sila. Nagpaputok muli ang kalaban at tingin nila ay nahanap na sila ng mga ito dahil tinamaan ang isa sa mga computer sa silid na iyon.
"Jah, May CCTV barilin mo. Nakakatutok sa atin banda yung camera kaya siguro nakita nila tayo." sabi ni Ken kay Justin habang nakayoko sila sa ilalim ng lamesa. Agad namang itinutok ni Justin ang hawak ng silencer at kinalabit ang gatilyo sabay asinta, tinamaan ang cctv camera malapit sa kanila.
"Josh, nahack mo ba yung cctv dito sa kwarto na to?" mahinang boses na sabi ni Justin sa mic. "Oo. Pero biglang nag error kaya siguro pinaputukan kayo." sabi naman ni Josh. Rinig nilang lahat ang bilis ng paghinga ni Josh dahil siguro kinakabahan ito. Sumenyas si Ken kay Justin na mauna ito sa pag gapang.
"Now Move." utos ni Josh. "May limang papasok sa kwarto na yan papunta na sila, Dalian nyo." Sabing ulit ni Josh sa kanila.
Bawat segundo ay mahalaga kaya dali daling tumakbo si Justin papunta sa computer at back up nya si Ken kung sakaling sugurin man sya o patamaan ng bala.
Biglang umulan ng bala sa pwesto nila kaya si Ken naman ay nagtago at pinaputukan ang mga kalaban. Tinamaan ang isa sa hita kaya natumba ito.
"Justin, Bilisan mo. Ipasalpak mo na ang flashdrive. Di ka nila kita sa pwesto mo kaya bilis." Utos ni Josh. Naisalpak na ni Justin ang flashdrive sa PC at nagumpisa syang tumipa para makopya ang transactions at malagyan ng virus ang computer.
"60 SECONDS" sabi ni Josh sa earpiece.
"Shit. Ang Tagal ng 60 Seconds." mura ni Justin dahil pinagpapawisan na sya ng malagkit dahil si Ken at ang dalawa nya pang kasama ay nakikipagputukan ng baril sa kalaban.
"Justin, Wag mo kaming intindihin nila Sejun ayos lang kami." sabi ni Stell sa earpiece. Rinig na rinig mo ang hingal nito habang nagsasalita dahil nakikipagbuno ito sa kalaban gamit ng kamao.
Tutok na tutok si Justin sa computer, Di nya maalis ang tingin dito dahil kaunti nalang matatapos na din ang paglalagay nya ng Virus.
"Konti nalang. Bilis." mahina nyang usal.
"5 Seconds"
"4 Seconds"
"3 Seconds"
"2 Seconds"
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfic[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020