Chapter 9
[ARCADE]
"Tara basketball tayo?" tanong ni Josh sa mga kasama. May shooting ring sa loob ng arcade at naisipan ni Josh na yayain ang iba na mag basketball.
"Sure." masiglang sabi ni Rose. "Go ka ba, Attina?" muling sabi ni Rose at sinundot sundot pa ang tagiliran ng dalaga.
"Oo. Go ako ano ba! Tigilan mo lang yang pagsundot sa tagiliran ko masakit" sabi niya sa kaibigan.
"Eto naman." sagot sa kanya pabalik ni Rose.
"Dahil pito tayo. May tatlo at apat na team. Paramihan ng mashoshoot sa loob ng 3 rounds." sabi ni Sejun. "Kayo nalang maglaro, ayoko sumali." sabi ni Ken at lumakad palabas ng arcade.
"Problema noon?" takang tanong ni Justin habang nakatingin sa nilabasan na pintuan ni Ken.
"Menopausal ata yun ah." komento ni Rose habang nakatingin din sa nilabasan ni Ken na pintuan ng Arcade.
"Siya. Siya hayaan mo na si Ken. Wala sa mood yun kaya siya ganoon. Bali ganto tig tatlo tayo tig isang girls okay?" suhestiyon ni Stell.
Naglaro muna sila ng maiba taya para fair ang pag pili kaya ang naging resulta ay magkakampi si Stell, Jah at Attina ang kabila naman ay si Josh, Sejun at Rose.
"Ayan tig tatlo na tayo. Sa unang round si Stell at Josh ang magkalaban. pangalawang round si Ako at Sejun then lastly si Attina at Rose naman." paliwanag ni Justin.
"Okay." sabi ni Attina at nag 'Okay' sign.
Nagtingin muna sila kung saan may dalawang bakanteng shooting ring na magkatabi para kita ang score ng bawat grupo.
"Lesgirit." masiglang sabi ni Justin na tila naging bata ulit dahil ngayon nalang nakatungtong ng arcade dahil na rin sa busy schedule at mission nila.
Nagumpisa nang maglaro ang anim, animo'y mga bata at tuwang tuwa pag nakakashoot ng bola at ginugulo rin ang bawat isa para di makapuntos. Kahit pinagtitinginan na nang ibang tao na nasa loob ng arcade ay parang wala lang ang anim. Sobrang ingay. Sobrang saya. Bumalik sa pagkabata. Yun ang nararamdaman nilang lahat.
"Shems. Ang saya naman." naguumapaw na sabi ni Rose. "Oo nga. Sana maulit." hinihingal na sabi Josh. "Di ako na inform na magaling para sa shooting si Stell. Varsity ka ba?" tanong ni Attina kay Stell. "Hindi. Hobby lang namin nila 'to. Diba mga Dre?." sabi ni Stell. At sumang ayon naman ang Apat na kasama.
"Si Ken?" tanong ni Sejun at luminga linga sa paligid. Kinuha ni Justin ang telepono sa bulsa at tinawagan si Ken. "Ken? Nasaan ka?" tanong ni Justin sa kabilang linya. "Ah. Ganoon ba? Sige. Papunta na kami diyan." sabi ni Justin at ibinababa ang telepono.
"Nasaan daw siya?" usisa ni Stell habang nagpupunas ng pawis. Hindi naman maiwasang tingnan ni Attina ang binata habang nag pupunas ng pawis, ngayon nya lang napansin na makinis pala ang kutis nito at nakakaakit ang itsura. Itsurang sisira sa buhay mo at yayanig sa mundo mo. Napatingin naman si Stell sa kanya kaya bigla niyang iniwas ang tingin dito dahil ramdam niya namumula na ang pisngi niya. Yumuko siya at itinago ang mukha para di mapansin ng binata na nag bublushed siya rito. Habang pinapahupa ang pula ng mukha ay nakita niya may pares ng sapatos sa tapat niya at di niya maiwasan tingalain kung sino ito at napag alaman niya si Stell iyon na lumapit pala sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.
"S-Stell?" nagtatakang sabi niya dahil hawak nito ang mukha niya.
"Okay ka lang ba? Attina?" sinserong sabi nito sa kanya.
"A-ayos lang ako." sabi niya at hinawi ang kamay ni Stell na nasa mukha niya kanina lang. "Nagugutom na ko. Kain tayo." Pag iibang sabi niya para maiwasan na rin ang pagiging awkward dahil sa nangyari. Mabuti nalang at di nakita ng ibang kasama nila ang nagyari. Busy pala ang mga ito na maglaro ulit at siya at si Stell nalang ang nakatayo.
Di niya matingnan sa mata si Stell ng maayos kaya naisipan niyang umalis sa harap nito at lumayo para hanapin si Rose at yayain na umuwi na sila.
"Sandali" sabi ni Stell habang hawak hawak ang braso niya. Kaya napatingin siya ulit rito.
"Bakit?" takang tanong niya. "S- sorry." mahinang sabi nito at dahan dahang binitawan ang pagkakahawak sa braso niya. "Sorry for?" sabi ni niya rito. "Sorry kasi hinawakan ko yung pisngi mo. Nag aalala lang ako na baka di ka okay." mababang tono na sabi nito na naging sanhi ng paghuhurumintado ng kanyang puso.
Shet. Stell. Yung. Totoo. sabi niya sa isip.
"O- okay lang ako. Wag mo kong alalahanin. Sige alis na ko." sabi niya at nag mamadaling umalis sa harapan nito. Hinawakan niya ang dibdib at ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Di niya namalayan na lumabas na pala siya ng arcade. Shit. I need some refreshment baka sakaling kumalma 'tong puso ko. Stop muna may plano ka pa.
"Hey" napahinto siya sa paglalakad ng may magsalita malapit sa kanya.
"Ken? Akala ko kasama mo si Justin." tanong niya sa binata na nakasandal sa pader at nakapamulsa habang nakatingin sa kanya.
"Hindi. Nag paalam siya. Maglalaro pa daw sila." bored na sabi nito sa kanya. "Edi maglaro ka din. Tara sa arcade?" yaya niya rito at nilahad ang kamay niya.
Walang sabi ay kinuha naman nito ang kamay niya at para silang mag kasintahan na magkahawak ang kamay papuntang arcade.
"Ang lambot ng kamay mo." punang sabi ni Ken. pagkasabi ng binata noon ay napabitaw siya ng hawak.
"Ganoon ba." nahihiyang sabi niya at napakagat nalang siya ng labi niya at tumingin sa lapag habang naglalakad.
"Madapa ka." sabi nito at di niya namalayan na masusubsob na pala siya sa sahig malapit sa arcade.
"Yare." sabi niya ng muntik na siya matumba. Mabuti nalang ay nasalo siya ng binata na nakahawak ngayon sa bewang niya bilang suporta na hindi siya matumba.
"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Ken.
Mabilis naman niyang kinompose ang sarili at tumayo ng maayos.
"Thank you, Ken." matamis na sabi niya sa binata.
"Ta------" di na niya matuloy ang sasabihin ng makarinig siya ng putok ng baril at nag umpisa nang magpanic ang mga tao.
"Shit." mabilis na hinila si Ken ang kamay niya hinahanap ang mga kasama. Nababangga naman sila ng mga taong lumalabas sa arcade dahil nagkakagulo na.
"Stell. Sejun. Justin. Josh." tawag ni Ken sa mga kasama niya.
"Ah." Hindi mapigilang sumigaw ni Attina ng makaramdam siya ng sakit sa kaniyang balikat pag tingin niya ay dugo pala ito. Umaagos pababa sa damit niyang suot.
"Shit. Attina." nag aalalang sabi ng lima ng makita siya. Nag papanic na ang mga ito ng makita siya may tama ng bala sa balikat habang siya naman ay hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito dahil nanlalabo na ang kanyang paningin at ramdam niya ang pagbigat ng kanyang katawan habang sa tuluyang dilim nalang ang kanyang nakita.
"Shit. Nawalan na ng malay si Attina." nag aalalang sabi ni Sejun.
-----
Sorry. 🙇kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.
#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfiction[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020