SB 12:

103 7 0
                                    


warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.




Chapter 12



"Hey?" tawag ni Josh kay Attina. Busy ang dalaga sa pagdidilig ng halaman.




"Hi Josh." bati naman nito pabalik. Nakalabas na ito ng ospital pagtapos magising.




"Okay kana ba? Attina?" tanong ni Josh dito, naging concerned na ang binata sa kanya simula noong nabaril siya sa balikat.




"I'm fine, Josh. Thank you sa pagdala niyo sakin sa ospital." sabi niya at ngumiti dito.



"Do you mind, if i ask you to have lunch with me?" nahihiyang sabi nito sa kanya at kumamot ng ulo.



"Sure! Libre mo ba yan?" pabirong sabi niya.



"Oo naman. Ano ba gusto mo?" tanong naman ni Josh habang nakangiti sa kanya dahil natuwa na pumayag siyang kumain kasama nito.



"Ikaw." biro niya sa binata sabay tumawa ng malakas at binasa ito.



"Hoy! iba 'yun ah." namula si Josh sa sinabi ni Attina.



"Uy, Kilig siya oh." tukso niya pa rin ito at binasa ulit ng tubig gamit ang hose.



"Lolo mo kilig! Basa na ko, Tama na yan." saway ng binata sa kanya.



"Utot mo! Bleh!" inis ng dalaga kay Josh. Madali namang nakakuha ng isa pang hose si Josh at nakipag basaan na sa dalaga. Tuwang tuwa ang dalawa habang nagbabasaan ng sitahin sila bigla ni Stell.



"Hoy! Tanghaling tapat basang basa kayo diyan." sabi nito.


"Hoy ka din. Stell sali ka samin, Basain mo din si Josh baka sakaling lumaki." sabi ni Attina habang tumatawa palayo kay Josh.



"Aba, bastos to ah. Magka height lang tayo." sabi ni Josh at umirap sa dalaga.



"Tama na yan. Josh uwi na magkasakit ka pa." saway ni Stell "At ikaw naman Attina, Kagagaling mo lang baka mabinat ka naman." pag aaalala nito sa kanya.



"Opo ssob vester eto na. Josh mamaya ah." sabi niya kay Josh at pumasok na ng loob ng bahay.



"Ano yun, Josh? Tanghaling tapat nakikipag harutan ka sa kapitbahay natin." pagalit na sabi ni Stell kay Josh ng makapasok sila ng bahay.



"Sus selos kalang erp." sabi naman ni Josh pabalik kay Stell habang nagpupunas ng katawan dahil basa siya.



Pababa naman si Justin ng makita niyang basang basa si Josh. "Josh? ba't basang basang ka? umuulan ba sa labas?" tanong nito.



"Hindi erp. Naglaro lang ng tubig." sabi niya habang tumatawa. "Akyat na muna ko, May date pa kami ni Attina mamaya. Kailangan ko magpagwapo." sabi ni Josh at kumindat pa kay Justin.



"Date? Si Josh at Attina may date?" takang tanong ni Justin kay Stell.



"Oo daw. Ewan." kibit balikat na sabi ni Stell.



Nagulat sila ng may biglang nabasag sa may kusina.



"Ay pusang gala." gulat na sabi ni Justin.



"Anyare pre?" tanong naman ni Sejun na tumayo na sa pagkakaupo niya dahil may nabasag sa kusina.



"Si Ken yung nasa kusina diba?" tanong ni Sejun. "Oo siya. Kumakain ata."



𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon