SB 15: Stellvester Ajero

107 6 0
                                    

warning/note;
- this story has a lot of typo and grammatical errors.
- change of point of view.



Chapter 15



Nasa practice room kami ngayon dahil may rehearsal para sa nalalapit naming Manila Concert sa Araneta. Nakakailang dry run palang kami pero pakiramdam ko pagod na pagod na ko agad.



"Stell? Pahinga ka muna mukhang pagod na pagod ka." tapik sakin ni Josh. Umupo naman ako sa sahig at kinuha ang dala kong tumbler na may lamang tubig. Tumabi naman sakin ni Josh at may sinabi.





"Erp? Alam mo ba? Si Sejun, Nagconfess na ng pagsintangpururot niya nya kay Attina noong isang araw." muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya dahil uminom ako ng tubig habang nagkekwento sya.




"Talaga? H-hindi ako makapaniwala." nagulat ako pero agad ding nakabawi dahil tumabi din samin si Sejun at may inalok na pagkain.




"Hey, Lover boy." panunukso ni Josh kay Sejun.




"Wassup pre, Gusto niyo? Paborito 'to ni Stell bigay ni Mama." sabi ni Sejun at inabot sakin ang tupperwear na may lamang strawberry cupcake. Tinanggap ko din naman yun at nagpasalamat.




"Anong sabi ni Attina sayo pre?" usisang tanong ko sa kanya. Hmmm. Akala ko ako lang ang merong nararamdaman para sa kanya si Sejun din pala. Ay mali lahat siguro kami meron.





"Wala naman, Nashock siguro siya sa sinabi ko." sabi ni Sejun at nagkamot ng ulo at nailing.




"Sino ba naman kasi ang di magugulat erp, Nangwawarshock ka" sabi ni Josh at tumawa. Ako naman ay tahimik nalang na kumain ng binigay niya. Pilit kong tinatago ang selos na nararamdaman ko.





"Stell? Okay ka lang?" Hindi.





"Oo ayos lang ako pre ano ka ba." balik ko sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti at kumain. Lumapit na rin ang dalawa samin at nakaupo kaming limang ng pabilog.





"May group report ba at nakapabilog tayo dito?" tanong ni Justin.






"Wala pre pero yung utot mo bilog." biro ni Ken kay Justin natawa naman kami sa sinabi niya.





"Bakit nakita mo ba kong umutot kaya nasabi mong bilog?" pabalik na biro ni Justin.





"Makalat." komento naman ni Josh sa dalawa.





"Pero bakit nga nakabilog? May open forum ba?" Ang kulit naman nitong si Justin.





"Dahil andito rin naman tayong lima, May the best man win?" sabi ni Sejun at nilahad ang kamay para makipagshake hands sakin.





"Ano?" mabilis kong tinapos ang kinakain ko.





"May the best man win, Mga pare. Alam naman nating lahat kung sino ang tinutukoy diba?" nagulat kami lahat sa sinabi niya.





"Lahat pala tayo may gusto sa kanya?" agad naman kaming tumahimik lahat sa sinabi ni Ken.





"Tingin ko, Oo." sabi ni Justin.





"Hmm." sabi ni Ken at ngumiti ng nakakaloko.





"May the best man win? Kung sino ang piliin walang samaan ng loob." seryosong sabi ni Sejun.




𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon