SB 5: Keuna

157 11 2
                                    

warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.

Chapter 5


His name is Felip Jhon Suson or Ken for short, a silly and quirky guy who loves to tease his friends but something inside him is not right. Hindi nya rin alam kung ano iyon. Nang makita nya ang dalagang si Attina ay tingin nya kilala nya ito pero di nya alam kung paano o bakit. Nagpanggap syang tulog para makasandal sa dalaga noong nasa sasakyan nila ito at tila naglaro rin ang tadhana ng maging kaklase nya pa ito.


"Ken! Ken!" yugyog sa kanya ni Stell.



"Huh?" takang sabi nya dahil nakadungaw sya sa bintana at may earphone sa tenga.



"Ang lalim ata ng iniisip mo." tanong sa kanya ni Stell. "Hmm" yun nalang ang nasabi nya at bumuntong hininga baka magsalita ulit. "Tingin mo matatapos ba lahat to' ng walang napapahamak sa atin?" malungkot nyang sabi. "Oo naman. Tiwala ka lang satin." pang aalo ni Stell at tinapik tapik pa sya sa balikat bago umalis sa sofa. Ang pumalit naman sa pwesto ni Stell ay si Justin, tinabihan sya nito at inabutan ng kape na binili sa convinience store.



"Ken? Okay ka lang ba?" tanong ni Justin na may pag aalala. "Yes, im okay." sabi nya nalang at ngumiti sabay higop ng kape. "Parang hindi, You can tell me bro." sabi ni Justin sa kanya. "Im fine, perfectly fine. No need to worry about me." ngumiti sya ulit dito at isinalpak ang earphone sa tenga. Ayaw nya muna ng kausap para makapag isip isip sya at para masolve na rin ang bagong clue na binigay sa kanila.


"8 ÷ 2(2+2) = 8 ÷ 2(4) = 8 ÷ 8 = ? second case"
"8 ÷ 2(2+2) = 8 ÷ 2(4) = 8 ÷ 8 = ? second case"
"8 ÷ 2(2+2) = 8 ÷ 2(4) = 8 ÷ 8 = ? second case"


second case and equals to? 1 or 16? shit.



Tingin ni Ken ay alam na nya ang sagot. using the pemdas method ay 1 ang magigising sagot at ang clue ngayon na nakalap nila ay E at 1. E1? anong ibig sabihin noon?


Dahil hindi rin siya makapag isip ng maayos ay ipinikit nalang nya ang mata at umidlip.

---

"Attina?" tawag sa kanya ng kapatid pagkapasok nito sa kwarto nya.



"Bakit po ate?" tanong naman nya tsaka inalis ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan at naupo sa kama. Handa na sana syang matulog kung hindi lang ito pumasok.



"Wala naman. Gusto lang kitang icheck kung ayos ka lang." may konting pag aalala sa tono ng boses nito.



"Ayos lang naman ako ate. Wala namang masakit sakin or what. Bakit mo naman natanong yang mga yan." nagtatakang sabi nya at naguguluhan pa.

"Basta kapatid mag iingat ka tandaan mo mahal kita okay?" sabi ng kapatid at niyakap sya at hinalikan sa noo.

"O sya sige na. Matutulog na din ako. Goodnight Sis." sabi ng kapatid at lumabas ng kwarto nya. Pagkalabas ng kapatid nya at agad syang tumayo at lumipat sa kanyang computer. Nag log in sya roon at naghanap ng kung ano anong impormasyon. Sign ba yun? Baka mamamatay na ang ate nya kaya ganun sya o hindi. Hmm. Napapaisip tuloy sya dahil ang weird ng kapatid nya. Habang nagscroll up and down sya na net ay naisipan nyang manuod ng SB19 videos. Kinlick nya ang search tab at lumabas doon ang mga fanmade edits at iba pang video. Nagtaka sya ng makita nyang pamilyar ang itsura ng mga ito. Inilapit nya pa ang mukha sa screen at Nagulat sya ng makita niyang ito ang mga hampaslupang kapitbahay nya na walang ginawa kundi sirain ang aral nya. Sikat pala ang mga ito.



"Sikat pala ang mga talipantas na to' di manlang nagsasabi." di nya mapigilang sabihin. Sana manlang ay nagpa autograph sya diba. Inisa isa nyang panuorin lahat ng video vlog ng mga ito pati na rin ang mga music video at masasabi nyang napahanga sya. Naalala nya pa noong gabi na narinig sya ni Stell sa kumanta ay kanta pala nila iyon at hindi nya alam. Narinig nya lang kasi iyon sa radyo at nagandahan sya. Napadako ang atensyon nya sa isang video kung saan parang may lie detector test ang mga ito ang sasagutin ang tanong kung oo ba o hindi. Nang si Ken na ang sumunod ay napansin nyang gwapo pala talaga ito at mapagbiro sa mga kaibigan pero bakit ganoon ang inasal nito sa kanya? Suplado ito at walang pakealam. Ipinilig nya ang ulo at iniwasang mag isip ng kung ano ano at pinatay na din ang computer. Oras na para matulog may trabaho pa ko bukas. Yun nalang ang iniisip nya.

-----



Kinabukasan ay nasa studio ang lima para mag rehearsal ng kanilang bagong routine dahil may comeback show at concert pa silang gagawin bukod sa pagiging agent ay performer din sila at silang lima ay kasali sa pinoy boy group na ang tawag ay SB19.

*bzzzz. bzzzzz.* virbrate ng phone na nasa lamesa. Kasalukuyang naka water break sila dahil balak nilang tapusin ang 1000x na practice nila bago ang show.

"Justin pa tingnan naman kung kaninong phone yan." utos ni Sejun kay Justin. Lumapit si Jah sa lamesa at tiningnan kung kaninong phone ang nagvivibrate. Mukhang kay Ken iyon dahil ito lamang ang naka iphone sa kanila.



"Manok! Sayong phone ang nagvivibrate. May tumatawag sayo." sigaw ni Jah kay Ken dahil nasa kabilang dako ito ng Studio. Lumapit si Ken kay Jah para sagutin ang tawag.




"Hello? Sino po sila." tanong nya. Ngunit isang mahabang katahimikan ang namayani sa kabilang linya at pag kalipas din ng ilang minuto ay nagsalita ito.




"Katapusan nyo nang lima." sabi nito na may malagom na boses. Nagpatuloy pa sya sa pakikinig sa kabilang linya.



"Hindi nyo sya mahahanap. Ako ang makakahanap sa kanya at pagkatapos ay papatay ko sya pati na kayong lima." sabi nito ang tumawa ng malakas.


"Hoy! Tumahimik kang hay*p ka!" inagaw na ni Josh ang telepono sa kanya ng marinig ang mga sinabi ng kausap sa kabilang linya. Rinig nilang lahat ang sinabi nito dahil nakaloudspeaker at para na rin maging alerto sila.




"Hi Josh." tumawa ulit ito. "Sana magustuhan ninyo ang regalo ko sa inyo." sabi nito at tumawa muli ng nakakainis at pinatay ang tawag.



"Shit. Ano na naman ba to." sabi ni Stell at napahawak sa noo.



"Stell kalma ka lang." alo ni Sejun kay Stell ay hinakod ang likod nito.




"Justin. Josh. Stell. Sejun." humarap si Ken sa mga kasama pag kasabi noon.



"1 ang sagot sa clue na ibinato satin. E at 1 ang clue." sabi nya at nagseryoso muli.



"May dalawa na tayong clue kung sino ang gumagawa nito pero bakit tayo matatakot sa banta noong tumawag. Were SB19 remember? No one will defeat us." matigas na sabi ni Justin. Tama.



"Lesgirit. Nag uumpisa na pala ang totoong laban." maangas na sabi ni Josh at inangat ang sleeve ng kanyang damit.


"Handa na ba kayo SB19?" sabi ni Stell at nagumpisa nang ayusin lahat ng gear na dapat gamitin.



"Mawawipe out din natin ang mga kalaban. Trust me." sabi Sejun at nagkatinginan silang lima at nagsipagtango.



"Lets go pinuno." sabi ni Jah.


Mukhang dito na ata mag uumpisa ang totoong laban sa paghahanap sa nawawalang prinsesa.

---

#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN

Get Well Soon JoshTin 🤧.

sorry din for late update :< inabot ako ng 5 days bago mag update :<

follow them on their sns accounts @sb19official and follow me too on twt; @kenschickenism 💙 alabyuuuuu.







𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon