SB 7: SB19!

132 7 0
                                    

warning/note; this story has a lot of typo and grammatical error.


Chapter 7 [part one]


Naging tamihik lang ang tugon ni Ken at nakadungaw lang ito sa bintana ng sasakyan. Humalukipkip nalang si Stell at itinago ang sobre sa suit na suot nya at ipinikit ang mata at sinabing matatapos din ito. Tiis lang. Si Sejun naman ay abala sa pag gagamot sa Sugat ni Justin. Mabuti nalang at may dala silang medicine kit incase of emergency. Si Josh naman ay patuloy sa pagmamaneho hanggang sa nakarinig sila ng mga putok ng baril at tila hinahabol sila ng mga armadong nakasakay sa motorsiklo.


"Shit! Shit! Shit!" agad na pinasidad ni Josh ang sasakyan mas mabilis at matulin pa kaysa sa normal na bilis ng sasakyan. Akala niya ay nailigaw na niya ang mga ito ngunit mali ata sila ng dinaanan dahil hinabol sila ng mga ito.


"Josh! Dahan- dahan naman." sigaw ni Stell na nakakapit sa upuan ng kanyang sasakyan at natataranta pa.


"Kung di ko binilisan baka naputukan na tayo niyan. Butas na ulo natin ngayon! Hindi pa naman bulletproof itong sasakyan natin." may galit na tono na pagkakasabi ni Josh.


"Easy lang kayo. Kalma lang. Okay?' sabi naman ni Sejun sa dalawang binata na mukhang mag aaway na.


"Focus Josh." sabi naman ni Justin.


Si Ken naman ay tulog na nakasandal sa bintana ng sasakyan. "Stell. Ginisingin mo si Ken baka mayare tayo nito." sabi naman ni Sejun at tumingaw sa likod ng sasakyan dahil patuloy pa rin ang pag habol sa kanila ng tatlong motorsiklo.


"Shit. Silencer please." sabi ni Justin at inabot sa kanya ni Stell ang baril at ikinasa ito. "Sejun, Back upan mo ko." ulit ni Justin. Balak niyang paulanan ng bala ang mga sumusunod sa kanila. Mabuti nalang ay pwedeng buksan ang bubong ng sasakyan kung saan kasya ang katawan ng isang tao at maaari kang dumungaw at ilabas ang katawan mo kung gusto.


"Justin, Ingat." paalala ni Sejun sa kanilang bunso.


Nakita ni Stell na rare mirror ng sasakyan na hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa kakasunod sa kanila kaya sa oras na magpaulan si Justin ng bala sa mga kalaban ay ibabato nya din agad ang granada. Patay na  kung patay kailangan muna nilang makatakas mula sa mga humahabol sa kanila.


"Jah. Pag bilang ko ng isa paulanan mo sila ng bala pagkatapos ibabato ko yung granada. Okay?" sabi ni Stell kay Justin at tumango naman ito sa kanya.


Huminga mula ng malalim ang dalawa at saka sumenyas si Stell ng isa kay Justin.


"ISA!" matigas na sabi ni Stell at agad naman lumusot si Justin sa bubong ng katawan at pinaulanan ng bala ang mga sumusunod sa kanila. Nang makita ni Stell na nag gewang gewang ang mga motorsiklo ay agad nyang binuksan ang granada sabay ibinato sa labas  ng bintana papunta sa mga humahabol sa kanila. Agad namang mas binilisan ni Josh ang pagpapatakbo ng sasakyan para di sila maabutan ng pagsabog. Saka lang nagising si Ken ng makarinig ito ng malakas na pagsabog at napakapit silang lahat ng mahigpit sa kanilang inuupuan dahil ang lakas ng impact ng pagkakasabog ng granada. Sumulyap si Stell sa bintana at nakita nyang nilalamon na ng apoy ang ito siguro ay nagkalasog lasog na ang mga katawan ng humabol sa kanila.


Umusal ng munting dasal si Sejun at humingi ng tawad para sa mga kaluluwa ng sumusunod sa kanilang mga armadong lalaki.


"Mga Dre, Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Ken sa apat.


"Naku chong, Tulog ka kasi ng tulog di mo tuloy nakita na may humahabol satin kanina." sabi ni Stell kay Ken.


"Ngi!" napamaang nalang tuloy si Ken. Sobrang antok na antok na kasi siya kaya di nya namalayang nakatulog na pala siya sa pagod.


"Hayaan mo na dre malay mo naman sa susunod gising kana pag may humabol ulit sa atin." sabi ni Sejun sabay tapik sa balikat ni Ken.



"Galing mo Jah!" napabulalas na sabi Josh sa kay Justin sabay kindat at hand signal ng 'approved' o 'thumbs up'.



"Ako pa ba?" may pagkamayabang na sabi ni Justin sa iba. Ginulo naman ni Sejun ang buhok ng binata dahil proud sya sa naging kilos nito. Atapang-A-Tao!





Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa Lalayosa Village kung saan sila lumipat. Kailangan muna nilang magpahinga dahil baka sumabak na naman sila sa matitinding aksiyon na baka ibigay sa kanila.


Agad na iginarahe ni Josh ang sasakyan at nagsipulasan ang mga sakay nito sabay panhik sa kani- kanilang kwarto.

------



it's yo girl, a8innn! may part two pa ito. sorry short update :< congrats to us and sb19 because we are now on TOP 10 on BB plus sold out na ang tix for give in to sb19 con in araneta^^ see youu there mga kapatid. lowerbox si ate girl 🤣.

kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.

pavote din pala hehe.

#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN

STREAM ALAB Y'ALL.
follow them on their sns accounts @sb19official/officialsb19 💙 alabyuuuuu.













𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon