SB 19: SB19

95 7 0
                                    

warning/note;
- this story has a lot of typo and grammatical errors.
- change of point of view.

---




Chapter 19




Pumasok ang lima sa silid na napili nilang kulay. Hindi nila alam kung makakalabas pa ba sila ng buhay. Huminga ng malalim si Stell dahil kinakabahan siya sobra, naging seryoso naman ang mukha ni Josh at Ken samantalang si Justin at Sejun ay nag iisip ng paraan kung paano makakalabas.




Sa loob ng silid ay mayroong malaking tv monitor at kita nila ang isa't isa pero hindi nila maririnig kung baga parang cctv lang ito.




"Uulitin ko, One wrong move or else everyone will suffer. Hawak niyo ang buhay ng isa't isa pag namali ang isa damay lahat. Don't make any mistake if you want to keep alive." ani ng tinig sa kanila. Shit! Napamura si Josh sa isipan. He greeted his teeth in frustration. Nabubuhay pa kaya sila? Ang magagawa na lamang niya ay magtiwala sa mga kasama.




"Dahil ikaw ang pinaka matanda, Josh Cullen. Ikaw ang unang sasalang. Mag isip nang mabuti kung ayaw mo silang mapahamak." babala sa kanya. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid, kulay dugo ang ilaw at napansin niyang may laptop sa gilid.





Nilapitan niya ito at tiningnan, biglang nagbukas ang nakapatay na screen ito kahit di niya ginagalaw at naglabas ng kung ano anong code hanggang sa nagkaroon ng malinaw na mensahe.




"Defuse the bomb by cracking the codes, decode it, if not your friends will explode." sabi sa mensahe sa laptop pagkatapos ay nagparang nag error ito ulit at naglabas ng mga numero hanggang sa huminto ito at ipinakita ang clue na kailangan niyang idecode.




"..     .... .- ...- .     .-     ... --- ..- -. -..     - .... .- -     -.-. .- -.     .... . .- .-..     . ...- . .-. -.-- --- -. .     .-- .... .- -     .- --     .."






ito ang lumabas sa screen ng laptop at meron itong timer sa gilid kung saan mayroon lamang siyang dalawang minuto para sagutan. Shit, Josh. Tiningnan niya itong mabuti at napagtanto niya na morse code pala ito. Mabilis siyang umupo sa tapat ng laptop at inobserbahang maigi ang bawat tuldok, mayroon na lamang siyang isang minuto at apatnapung segundo. Habang ang mga nasa kabilang kwarto ay nag aalala kay Josh.




Iniisip ni Ken at Justin na magagawa ito Josh dahil maalam ito sa mga ganoong bagay samantalang si Sejun naman ay na nanatiling kalmado at si Stell naman ay inoobserbahang mabuti si Josh gamit ang monitor.




Mabilis na lumipas ang oras at mayroon na lamang na tatlongpung segundo ang binata, na decode na niya ang sinasabi sa morse code pero ay isa pang tanong ito.






"i have a sound that can heal everyone, what am i?" ayun ang sinasabi sa morse code.





Ano na nga ba Josh, Ano nga ba? Napatitig siya saglit sa orasan at mayroon na lamang siyang dalawapung segundo. What is a sound that can heal everyone? Sumaglit sa kanyang alaala ang pinapakinggan nila noong nagmemedidate sila bago magpractice, yoon ang tunog na laging pinaparinig sa kanila ng maestra.




Sampung segundo nalang ang mayroon at isinigaw na nila ang pangalan ni Josh dahil nakatulala lang ito.



6...

5...

4...

3...




Labis ang kaba ng apat na binata dahil mga ilang segundo lang ay sasabog na ang kinatatayuan nila kasama sila ngunit narinig nilang sumigaw si Josh.




"Gong" sigaw ni Josh. "Yun ang sagot." matapang na sigaw niya. Kahit di siya naririnig ng mga kasama ay naririnig naman siya ng "master" na tinatawag.




Lumikha ng flatline na tunog ang laptop at naglabas ng "Completed" sa monitor. Napawi ang kaba ng lima at nagpunas ng pawis si Josh sa kanyang noo. Muntik na 'yun, sabi niya sa isip.



Para namang nabunutan ng tinik ang apat dahil tama ang sagot ni Josh.




Biglang nagblock out ang telebisyon na at inilabas ang pangalan ni Stell. Kaya ko 'to, sabi ni Stell sa isip. Makikita ko pa si Attina para sa kanya 'to.




"Handa kana ba, Stell Ajero?" tanong sa kanya ni Master, ramdam niyang nakangisi ito sa likod ng mikropono.




"You know, i'm ready, common and test me." kinantahan niya pa ito para mainis.




"Makakanta ka pa kaya sa gagawin ko sayo?" tumawa ito ng nakakauyam. Biglang nagbukas ang malaking dilaw na kurtina sa harap niya. Napaatras siya sa bigla dahil pool ito swimming pool sa loob ng dilaw na kwarto na may dilaw na ilaw. Malalim ito at tantiya niya ay 12 feet ang lalim nito. Wala itong tubig.




"Baba na, Kakanta ka riyan ang hanggang sa mapuno ng tubig ang pool na yan, Wag kang mag alala dahil mabilis lang mapuno ng tubig ang pool na yan. All you have to do is refrain yourself from drowing while singing, isn't exciting?" tumawa muli ito.





Dahan dahang bumaba si Stell sa pool at tumayo sa gitna nito, huminga siya ng malalim ng mabilis na bumubuhos ang tubig sa kinatatayuan niya, buong puso niyang kinanta ang 'Hanggang sa Huli' dahil ito ang kanta noong una silang nagkakilala ni Attina. Dumagsa ang alaala niyang magkakasama sila ng SB19 at ng dalaga.





"Kung ito na ang huli nais kong malaman mo na, Mahal kita" malakas na awit niya kahit ang tunog nang rumaragasang tubig ang naririnig niya. Pinipigilan niya nag sariling anurin nito. Nasa 7ft. na ang tubig. 5.6ft ang taas niya kaya lumulutang niya siya pero patuloy pa rin sa pagkanta. Inilutang niya ang kanyang ulo at isinagwan ang mga braso para di siya malunod.





Nag aalala ang apat dahil sobrang lalim ng pool pero mabuti nalang ay marunong lumangoy ang lima dahil kasama ito sa training at kung ano man ang mangyari sa kanila na may kaugnayan sa tubig ay handa sila.






Pigil hininga ang mga eksena dahil wala nang maapakan si Stell at ang bibig at ilong na lamang niya ang gamit para makahinga. Malapit na mag 12ft. ang lalim ng tubig ay bumuhos galing sa itaas ang napakalakas na tubig, hindi iyon inaasahan ni Stell at ng iba kaya lumubog pailalim ang binata. Natulos sa kinatatayuan ang apat dahil nakita nilang kinain si Stell ng tubig pailalim.





"Stell." sigaw ni Sejun at may nagbabanyang luha sa mata.






"Mabubuhay pa kaya 'yang kaibigan niyo?" ani ng tinig at walang pakundangang tumawa ng tumawa animo'y aliw na aliw sa kanyang nakikita na nahihirapan si Stell.





"Stell, may tiwala ko sayo." bigkas ni Ken.





"Alam kong heavenly voice ka, Stell pero wag ka munang pupunta sa heaven." biro ni Jah. Kabado ito at pinagpapawisan sa kanyang nasasaksihan.




"Stellvester Ajero."




----



Makakaligtas kaya ang binata? Abangan.



----

kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.

#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUkSTIN

𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon