warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.
Chapter 1
Lalayosa Village
[Conference Call]
"Sej nasaan na kayo?" tanong ni Stell habang asa telepono at nasa labas ng Bahay na lilipatan nila.
"Malapit na kami nasiraan si Ken ng gulong kaya bumalik ako para sunduin sya" pabalik na sabi Sejun.
"Josh, Justin san na kayo?" tanong si Sejun sa dalawa na nasa kabilang linya ng telepono.
"Malapit na din kami. Sinundo ko din si Justin asa talyer daw yung kotse nya." sabi ni Josh. "Oo nasa talyer pa yung kotse ko pinuno. Sorry late na kami." sabi naman ni Justin.
"Sige. Dalian nyo si Stell asa labas na ng bahay na lilipatan natin. Ingat kayo." sabi ni Sejun sabay patay ng tawag.
Habang nag aantay si Stell sa ibang mga kasama ay naisip nya munang bumaba ng sasakyan at maglakad- lakad muna para maging pamilyar sa lugar.
"Hi Hijo, bago ka lang ba dito?" binati sya ng isang matanda na nakasalubong nya.
"Opo nay." masayang sabi ng binata sa matanda.
"Kung gayon ay madadagdagan na naman ang gwapo sa Village na to." sabi ng matanda at humagikhik.
"Ay si Nanay naman nambola pa." pabalik na biro ni Stell sa matanda.
"Hindi ah, Totoo yun ano ka ba. O sya, babalik na ko sa amin dahil pagod na ko mag jogging. Ingat ka." alo ng matanda sa kanya.
"Sige po nay salamat po. See you around." sabi nya. "Kain ka samin minsan ha. Dyaan lang sa kulay brown na gate ang bahay ko." yaya sa kanya ng matanda. "Opo. Nay. Sige po." kinawayan nya ang ito at nag paalam.
Naramdaman nyang nagvibrate ng ang telepono at agad din sinagot.
"Andyan na kayo?" sabi nya.
"Oo nasaan ka ba? Akala namin andito ka sa tapat?" sabi ni Ken.
"Nag-ikot lang ako ang tatagal nyo kasi. Pabalik na ko dyan." sabi nya pabalik at pinatay ang tawag.
Mabilis na nakabalik ang binata patungo sa bahay na kanilang lilipatan at bumungad sa kanya ang apat na binata na nag aantay.
"Ano ba ginawa mo?" tanong ni Justin sa kanya.
"Wala naman naglakad lang. Ang tagal nyo kasi e." sabi nya pabalik. "Tama na kwentuhan tara na kapeng kape na ko." sabi ni Ken habang ang dalawang malaking itim na maleta.
"Gutom na kame Sej." maktol naman ni Josh sa pinuno nila.
"Bumili kami ni Ken ng pagkain. Tara sa loob ayusin nyo muna yang mga gamit nyo doon sa mga kwarto na napili nyo bago kayo kumain." utos ni Sejun sa apat.
"Yezsir." sagot ni Ken na may pag saludo pa.
Makalipas ang isang oras ay nakababa na ang lahat at naupo sa mesa para kumain ng almusal at pag usapan ang hakbang na dapat gawin para mahanap ang nawawalang prinsesa.
"May nakalap akong information tungkol dun sa babae sabi naaksidente daw yun nung umalis sa kanila at di talaga sya nakidnap. Yung sinasakyan nyang jeep ay nahulog daw sa bangin kasi paprobinsya na sya kaso nag gewang gewang ang sinakyan nila kaya sila nahulog sa bangin. Buhay pa daw ang bata pero di alam kung asan na kasi tumakas din sa ospital na pinagdalhan sa kanya makalipas ng ilang araw." mahabang paliwanag ni Josh sa apat.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfiction[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020