warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.
Chapter 2
"Attina saan ka pupunta?" tanong ng ate nya dahil nakita sya nitong papalabas ng pintuan.
"Sa part- time job ko ate. Why? may papabili ka ba?" sagot nya pabalik sa kapatid.
"Wala naman. May hotdog yan sa lamesa na natakpan baka gusto mong kumain muna galing yan sa bagong kapitbahay natin." paliwanag ng kapatid nya sa kanya. Hotdog? Mahilig sa hotdog ang bagong kapitbahay nila.
"Di na ate sa shop nalang ako kakain alam mo namang di ako mahilig sa process food." tono nya na may pagtangi. Noon pa man ay di na nya hilig kumain ng mga processed food dahil walang sustansya. Mabilis na nag beso ito sa kapatid at nag paalam.
"Oh sya ate una na ko ba-bye." sabi nya sabay kaway sa kapatid at lumabas ng bahay. Pagkalabas palang ng gate ng dalaga ay may nakasalubong syang binata na nakapula at suot na earphone. Hindi nalang nya ito pinansin at patuloy na naglakad papunta sa part time job nya. Ito ang ginawa nyang pampalipas oras dahil sa umaga pa naman ang klase nya.
Kumuha sya ng part time job para may extra income sya kahit di naman kailangan. Nagsesave din sya incase of emergency. Malapit lang kasi ang convinient store na pinagtatrabahuan nya kaya nilalakad nya lang ito papasok.
Habang naglalakad ay naramdaman nyang may sumusunod sa kanya kaya nagmadali sya nang lakad at pumasok kaagad sa pinag tatrabahuan.
"Oh Attina bat hingal na hingal ka dyan?" tanong ng katrabaho nyang si Rose habang nag pupunas ito ng mesa.
"Ayun feeling ko may sumusunod sakin kaya nagmadali na ko." sabi nya habang hinahabol ang hininga at nagpunas ng butil butil nyang pawis gawa ng mabilis na paglalakad. Nang makabawi ay mabilis syang pumasok sa Staff Room at nagpalit ng damit pantrabaho at pumwesto sa kahera.
"Ting" tunog ng pintuan ng may pumasok na costumer.
May lumapit sa pwesto nyang gwapong lalaki na may makapal na kilay at halatang malakas ang karisma. Nginitian sya nito ang tinanong.
"Hello, Ms. Tanong ko lang may binenta ba kayong barbeque dito?" tanong ng binata sa kanya habang nagtitingin tingin sa mga panindang asa estante habang nakapamulsa.
"Mukha po bang may ihawan sa 7/11?" mataray na sagot ng dalaga habang nakataas ang isang kilay. Naiinis sya sa tanong nito dahil sinong lasing ang magtatanong ng barbeque sa 7/11. Di naman ito ihawan o bilihan ng turo turo.
"Ang sungit mo naman miss nagtatanong ako ng maayos sayo." sabi ng binata at umaktong nasasaktan sa sinabi nya. Tingin nya ay nagpapacute lang ito sa kanya. Ay ganda ka girl. Sa isip isip nya.
"Eh sir kung ayos ka lang. Walang barbeque sa 7/11. Boy bawang lang ang barbeque flavored dito." mataray na tono na pagkakasabi nya at sabay pinag krus ang dalawang braso.
"Yun naman pala e. May barbeque kaso boy bawang pwede na yan." sagot pabalik ng binata at tinawanan sya. Barbeque! Barbeque! Mukha bang Ihawan ang 7/11 para mag hanap ng barbeque at tingin ng dalaga ay iniinis lang sya nito. Hindi porket gwapo ay bibigay na sya sa pang uuto nito kaya tinarayan nya ito.
"Bibili ka ba o hindi. Sagot agad." matapang na sabi. "Ang mando mo naman siz. Eto na oh easy ka lang mamimili na ko." sabi ng binata sa kanya at umalis sa harap nya para mamili ng bibilhin. Biglang napaisip ang dalaga kung bakit sya iniinis ng binata at tingin nya ito yung kanina pa sumusunod sa kanya base sa damit nito na naka stripes na longsleeve at may kulay ang buhok. Iyon ang itsura na naaninag nya na sumusunod sa kanya ngunit ano naman kaya ang atraso nya doon at bakit sya sinusundan nito. Ito ata ang bago nilang kapitbahay na sinasabi ng kapatid nya at ito din siguro ang may dala ng hotdog sa kanila.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfic[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020