SB 4: Stellvester

155 9 0
                                    

warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.


Chapter 4 [part 1]

Umuwi ang lima na gulong gulo ang isipan. Isa isa silang sumalampak sa sofa at nag isip kung ano ang ibig nang sulat na iniwan sa sasakyan nila.



"Tingin nyo tungkol san to?" sabi ni Justin sabay taas ng sobre na hawak nya. "Parang clue yan sa tingin ko." sagot naman ni Stell na curious pa rin kung ano ang sagot sa sinasabi ng sulat pati na rin ang sulat na binigay sa kanila ng doktor.



"WAG MO NA KO HANAPIN PA" tingin nila ay ayaw magpahanap ng dalaga at umalis ito dahil ayaw nya na sa kanila. Dahil mag gagabi na rin sila nakauwi ay naisipan na muna nilang magpahinga at bukas na isipin kung pano madedecode ang nasa sobre.




"Bukas nalang.magsitulog muna tayo, hindi tayo handa sa mga pangyayari ngayon baka bukas ayos na." may pagod sa tono ng boses ni Sejun. "Ciao mga dude bukas nalang ulit." sabi naman ni Ken at naunang umakyat papuntang kwarto nya. Nagsipag akyatan na ang ibang kasama at nagpaiwan na si Stell sa sofa. "Stell di ka pa ba aakyat?" tanong sa kanya ni Josh. "Mamaya pa, mauna kana" sabi ni Stell kay Josh at nagpaalam na ang binata na aakyat ito para matulog.



Asa sofa pa rin si Stell at nag iisip kung ano nais iparating ng code sa kanila. Tumayo sya sa upuan at kumuha ng ballpen at papel at isa isang sinulat ang nasa code at muling binasa.



"I am first in earth, second in heaven, I appear two times in a week. You can see me once in a year, although i'm in the middle of sea. What am i?"  napagtanto ni Stell na riddle ito pero di pa rin nya maisip ang sagot kaya napagpasyahan niyang uminom ng mainit na strawberry milk na binili nya sa grocery bago siya magtungo sa bago nilang bahay. Lumabas ang binata sa may hardin at naglibang muna ng mapansin nya ang kapitbahay na kumakanta habang nagdidilig ng halaman.



"At kahit pa ang mundo ay mag-iba

Ako'y laging nandirito

Hindi man ako para sa'yo

Puso'y 'di magbanago

Walang iba, walang iba

Wala nang hahanapin pa, 

Ang pag-ibig ko'y sa'yo

Sayo hanggang sa huli."



Namangha ang binata sa boses ng kumakantang dalaga at lumapit banda sa bakod na gawa sa bakal sa pagitan nila. Napatulala sya at nabitawan ang hawak na tasa kaya gumawa iyon ng ingay dahil nabasag.



"Ay anak ka ng hotdog!" gulat na sabi ng dalaga na nagdidilig at nabitawan ang hose.



"Ano ba naman yan bat ka nanggugulat kuya!" sigaw ng dalaga kay Stell.



Napapitlag naman si Stell nang marinig nya ang sigaw ng dalaga sa kanya. "Hala! Pasensya kana ang ganda kasi ng boses mo." nahihiyang sabi ng binata. "I know right."  mataray na sabi ng dalaga at pumamewang na hinarap si Stell.



"Taray mo naman girl." tawang tawa na sabi ni Stell sa dalaga. "Ako nga pala si Stellvester Ajero, ikaw ano pangalan mo Ms. Angelic Voice?" magalang na sabi ni Stell. Di gaanong kataas ang harang sa pagitan nila at katamtaman lang kaya makikita mo ang ginagawa ng kalapit mong bahay.



"My name is Attina Perez and nice to meet you Stell." matamis na ni Attina at ngumiti sa binata. Lumapit ang dalaga malapit sa pwesto ni Stell at nakipagkamay agad ding tinanggap ni Stell ang pakikipag kamay nito at nagsalita. "Nice to meet you too, Attina." ngiting pabalik ni Stell agad binawi ng dalaga ang kamay nya at bumalik sa pag didilig ng halaman. "Bakit ka nagdidilig ng halaman? Gabi na ah." tanong ni Stell sa dalaga.




"Bakit ka ba nangengealam?" tinarayan na naman sya nito at tila ayaw yang makipag usap sa kanya kahit nginitian sya nito. "Nagtatanong lang naman ako malay ko bang iba ang trip mo sa buhay." pabalik na sabi ng binata. "Sa gabi ako nagdidilig ng halaman kasi may pasok ako sa umaga at may trabaho ako sa hapon kaya wala na kong oras para magdilig. Okay na?" mataray at medyo matinis na sabi ng dalaga ramdam naman ni Stell na naka taas ang kilay nito kahit di nya nakikita. Tiningnan nya ang relong pambisig at nakita nyang alas nuwebe na pala ng gabi.




"Alas nuwebe na pala. Una na ko sayo binibini. Maganda Gabi." matamis na sabi ni Stell at pumasok na sa loob ng kabahayan.




"Tingnan mo itong lalaki na to. Tinalikuran ako." naiinis na sabi ng dalaga. Napagpasyahan nya nang itigil ang pagdidilig dahil inaantok na rin sya. Pinatay na ang gripo at ibinalik ang hose sa pinaglalagyan nito at pumasok na rin sa kabahayan. Dumeretso ang dalaga sa kanyang kwarto ang natulog na.

-----



"Bakit nyo pinatay yung matanda? Hindi ba kayo nag iisip. Sabi ko takutin nyo lang. Hindi patayin!" galit na galit na sabi ng lalaki sa mga taong asa harap nya. "Pasensya na po. Natamaan sya, Di ko po sinasadya." mababang sabi ng lalaki habang nakayuko.



"Tama na yan. Wag mo nang pagalitan mga tauhan mo. Kasalanan mo rin naman kung bakit sila pumalpak diba?" nakapang uuyam na sabi ng babaeng naka pulang dress at high heels.



"Andito na pala ang reyna." matapang na sabi ng lalaki at pumalakpak pa. "Yes, Im back and no one can stop me." maarte ang pagkakasabi nito at naupo sa swivel chair na nasa harap lalaki.



"Continue planning boys. Mahahanap din natin sya." imporma ng babae at isa isang sinipat ang mga tauhan.

----

short update muna sorry :<

#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN

follow them on their sns accounts @sb19official and follow me too on twt; @kenschickenism 💙 alabyuuuuu.

𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon