SB 11:

117 7 0
                                    

Chapter 11


[08:38 AM]


"Sana okay na si Attina. Sobrang nag aalala na ko sa kanya." nag aalalang sabi ni Rose habang nagpapabalik balik ng lakad. Kita sa itsura nito ang labis na pag aalala dahil may pagkamugto at balisa ang mga mata nito.




"Naka usap mo na ba yung kapatid niya?" tanong ni Josh dito habang nakatingin sa walang malay na dalaga na nakahiga sa kama ng ospital.




"Oo papunta na yun dito." malamyang sabi nito kay Josh.



"Try mo munang umupo nahihilo na ko sayo kanina ka pabalik balik ng lakad diyan." sabi naman ni Stell habang nakayulo at nakahawak sa ulo niya. Lahat sila ay nag aalala sa dalaga dahil wala pa rin itong malay simula kahapon noong dinala nila ito sa ospital.

---



"Anong nanyare sa pinapagawa ko sa inyo?" tanong ng isang sopistikadang babae sa kanyang mga tauhan.




"Hindi naman siya nakuha madam." sabi ng isang tauhan habang nakayuko ang ulo.




"Mga hangal!" malakas na sigaw nito at ibinato sa pader ang hawak na kopita na may pulang likido.




"Madam may tumulong po sa kanya kaya hindi namin siya nadala pero nabaril siya ng isa samin." sabi pa ulit ng tauhan.




Nang gagalaiti ito sa galit dahil matagal na niya itong gustong mawala sa landas niya pero hindi pa rin mamatay matay ang dalaga.



"Sino ang tumulong sa kanya? Sana binaril nyo din! Mga hangal!" inis na inis ito at kinuha ang baril na nasa lamesa at pinatamaan sa hita ang tauhan.




"Argh." napapalahaw ito sa sakit dahil sa tama ng baril.



"Patawarin niyo po kami madam" mangiyak ngiyak nitong sabi sa sopistikadang babae.




"Hanggat hindi pa siya patay." sabi nito at malakas na tumawa.




"Linisin nyo na yan at wag nang ibalik dito." utos niya, agad namang tumalima ang dalawang malaking lalaki nasa tabi niya.




"Masusunod." sabi ng mga ito at mabilis na binuhat ang tauhang nakalupasay sa sahig.




"Madam!" malakas na sigaw nito pero wala siyang pakialam.



Gusto niyang mawala ang dalaga sa landas niya dahil isa ito sa mga naka alitan niya at kung ano ang dahilan siya lang mismo ang nakalaalam.




---

Bumukas ang pintuan ng silid na pinaglalagian ni Attina at iniluwa noon ang isang nurse.



"Magandang Araw po sa inyo pero andito daw po yung SB19?" magalang na tanong nito sa mga tao na nasa kwarto.



"Opo kami po yun." magalang ding tugon ni Justin at tumayo silang lima.


"Bakit po?" tanong naman ni Stell.



Habang nakatingin lang si Rose sa kanyang kaibigan at di pinansin ang nurse.



"May nagpapabigay po kasi nito mga Sir. Andito daw po kayo sa ROOM 0838." sabi ng nurse at inabutan sila ng isang black na box na may puting ribbon.



"Sige po mga Sir. Alis na po ako." sabi ng nurse at mabilis na lumabas ng pintuan.


Napansin naman ni Sejun ang pangalan nito na "Julia" na nakalagay sa kanang dibdib ng uniporme.


"Wait habulin niyo tanungin niyo kung anong itsura nung nagbigay niyan." sabi Sejun.



Agad namang tumango si Josh at Ken at mabilis ding lumabas ng pinto para habulin ang nurse na nagbigay sa kanila nito. Tinext naman ni Sejun sa dalawa ang pangalan ng nurse para maitanong na rin sa front desk.



Binuksan naman ni Sejun ang itim na box at nakita na naman nila ang mga sobreng katulad noong mga nakuha nila sa kanilang mga misyon. Ang unang sobre ay may nakasulat na:

[how many letter are their in the alphabet?]

at ang pangalawa naman ay;

[11
22, 900
[Ne]3s1]

"Ano na naman kaya 'to?" sabi ni Justin at napakamot sa kanyang ulo. Nagkatinginan naman si Sejun at Stell at umiling ang dalawa. Hindi sila makapaniwala na hindi pa rin pala tapos ito.


Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang dalawang hingal na hingal na binata.



"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko sa sasabihin namin pero walang "Julia" na nagtatrabaho sa ospital na 'to." sabi ni Josh at hingal na hingal pa habang nakahawak sa pintuan.


"Hinack na rin namin yung cctv ng ospital pero nabura na yung mga footage ngayong araw." paliwanag naman ni Ken.


Nanlaki ang mata ni Sejun, Stell at Justin sa sinabi ng dalawa at napa...


"Holy Shit."

---

kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.

#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN




𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon