SB 4.5: Stellvester

159 10 2
                                    


warning/note; this story has a lot of typo and grammatical errors.



Chapter 4 [Second Part]



Tanghali na nagising si Attina dahil napasarap ang pagtulog nya, kinapa nya ang telepono at tiningnan ang orasan at nabigla sa na nakita dahil late na pala sya sa klase at dali daling bumangon para mag ayos ng gamit papasok sa unibersidad.



Lumakad pababa ang dalaga sa hagdaan para pumuntang kusina ng maabutan nya ang kapatid na naghahanda ng almusal.



"O? Attina gising kana pala, late kana sa klase mo." sabi ng kapatid habang hinahainan nya sya ng hotdog at sinangag sa plato at sinalinan din sya ng mainit na gatas sa tasa. Naupo sya at nagumpisang bilisan ang pagkain dahil late na sya.



"Ate, Nga pala kilala mo yung mga bago nating kapitbahay?" tanong nya sa kapatid at sumubo ng pagkain. "Oo. Bakit anong meron?" sabi ng kapatid at umupo na rin sa hapag at humigop ng gatas sa tasa.



"Wala lang nahihiwagaan kasi ako sa kanila. Yung isa ininis ako sa trabaho, yung isa nakasalubong ko pero di ako pinansin, yung isa naman nung nagdidilig ako kagabi ginulo ako. Nakakainis." maktol nya sa kapatid habang nagpapadyak ng paa sa ilalim ng mesa. "Hayaan mo na sila, Dalian mo na dyan at late kana lokaret." paalala ng kapatid.



Pagkasabi ng kapatid nya ng katagang yun at nagmadali na agad sya at kinuha ang bag at humalik sa kapatid tsaka dali daling lumabas ng bahay.




Napamura nalang sya ng muntik na syang madapa sa pagmamadali at binilisan ang paglalakad palabas ng village.



*beep~ beep~* busina ng sasakyan sa kanya dahil nakaharang sya sa daanan.


"Ano ba!" sigaw nya. Huminto sa tapat nya ang sasakyan na bumusina sa kanya at nagbukas ang bintana.



"Sakay kana." yaya ni Stell sa kanya.



"Ayoko nga, Muntik mo pa kong sagasaan." sabi nya at umirap sabay cross arms at tumingin palayo.



"Aarte ka ba dyan o sasakay ka?" bulyaw sa kanya ng nasa passenger seat na si Sejun.


"Bakit ba kasi pwede din namang kayong umalis na diba?" mataray na tono ang ginamit nya para mataboy ang mga ito.


"Alam naming late kana kaya sumakay kana dito sa sasakyan kung ayaw mong lahat tayo malate sa mga klase natin." matapang na sabi ni Sejun.


"Sumakay kana, Attina please." sabi ni Stell at tila nagpapacute pa sa kanya.



"Oo na eto na." sabi nya at binuksan ang pinto ng sasakyan at komportableng naupo.



"Go Stell. Now Drive." utos nya sa binata. At minani obra ni Stell ang sasakyan at nagdrive papalayo sa Village.



Habang lulan sila ng sasakyan ay tila may yelong nakaharang sa kanila at wala ni isang nagsasalita kaya ipinikit nya nalang ang mga mata at sumandal sa upuan ng maramdaman nyang may humilig sa balikat nya. Minulat nya ang mata at napansin nyang may katabi sya at si Ken pala yun. Nakasandal sa balikat nya, nakapikit at nakaearphone.


Di nalang nya pinansin ang pansandal ng binata sa kanya at ipinikit nalang din ang mata. Matapos na ang kalahating oras ay nakarating na rin sila sa unibersidad. Pero di pa rin gising ang binatang nakasandal sa kanya kaya tinapik nya ang pisngi nito para magising at nagising nga ito ang tumitig muna sa kanya bago alisin ang ulo at walang sabing lumabas ng sasakyan. Bipolar ba sya? tanong nya sa isip.


𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon