warning/note;
- this story has a lot of typo and grammatical errors.
- change of point of view.------------
Chapter 20
Nilamon pailalim ng tubig si Stell mabuti na lamang ay marunong siyang lumangon at kayang huminga ng matagal sa ilalim ng tubig napansin niyang ubos na ang tubig sa itaas kaya lumangoy sa pataas, nang makarating sa ibabaw ng tubig ay habol habol niya ang hininga at nag diwang na buhay siya at pumunta sa taas ng pool.
"Sabi ko na nga ba kaya ni Stell." sabi ni Sejun at tumalon talon sabay sumuntok sa ere.
"Galing mo, Stell." sabi naman ni Ken at pumalakpak habang nanunuod.
Tuwang tuwa naman si Josh at Justin dahil nakaligtas si Stell.
"Magaling Stell, nakaligtas ka sa tubig pero makaligtas kaya si Justin." nakakauyam na sabi ng boses.
"Tch." sabi ni Ken.
"Wag ka mag alala, Ken. Malapit kana." sabi ulit ng boses sa kanila.
"Handa ka na ba? Justin." tanong ng boses. Tinanggal ng binata ang kurtinang nakatakip sa harapan niya at inilibot ni Justin ang tingin sa buong paligid at puro salamin sa loob. Tingin niya ay kalaban niya ang sarili dahil tanging repleksyon lamang niya ang nakikita.
Pero pinili niyang maging matapang kung nagawa ni Stell at Josh na matapos ang pinapagawa sa kanila ay magagawa niya rin ito.
Hanggang sa Huli sila ang mananaig at malalaman nila kung sino ang nasa likod nito.
"Lahat ng salamin sa paligid mo ay may katumbas na patibong at pinto. Pag namali ka ng tapat pwedeng matamaan ka ng matalim na bagay at kung pinto naman ay pwedeng mapunta ka sa isa sa mga kasama mo at matulungan mo sila sa susunod na misyon ngunit may tatlong tsyansa ka lang. Enjoy." Maingat na sinuri ng mata niya ang bawat sa salamin, Ang buong kwarto ay nababalutan ng berdeng ilaw at madilim ng kaunti. Simula taas hanggang sa pader ay puro salamin. Kitang kita niya ang sarili.
One wrong move or else, my member will suffer. Ani ni Justin sa isip. Napapikit siya at iling. Napakagat naman si Sejun ng labi dahil mukhang mahirap ang misyon ni Justin dahil lahat ng salamin ay pare pareho at halos walang pinagkakaiba at si Stell naman ay hinahabol pa din ang hininga dahil sa nangyari sa kanya samantalang si Ken at Josh naman ay nakamasid at nag iisip.
Naisip ni Justin pumikit nalang at umikot at kung saan tumapat ang hintuturo niya ay yun ang tatapatan at hahawakan niya. Nagsimula na siyang umikot at nanghuminto siya ay tumapat ang hintuturo niya sa salaming nasa gilid, nilapitan niya ito at tumapat. May lumabas ritong numero at tila nagcountdown. Pumikit siya.
3...
2...
1...
ting. Dinilat niya ang mata at nakasulat sa salamin ay 'safe' ganun din ang ginawa niya sa pangalawang salamin at 'safe' ulit ang lumabas. Nasa pangatlong salamin na siya. Pinakadulo ng silid ang salamin na napili niya. Tumapat siya rito at biglang nakaramdam ng kaba, Aatras na sana siya para palitan ang napiling salamin pero may matulis na bagay na tumama sa braso niya. Napaluhod si Justin sa sahig dahil sa sakit, ganoon din ang nangyari sa ibang member, nadaplisan sila ng matulis na bagay sa kanilang mga balikat, napaatras ang iba at ang iba naman ay napaluhod dahil kahit maliit lang na daplis 'yun ay ramdam ng kanilang buong katawan.
"Nakakapanghina. Argh." reklamo ni Justin sa maliit na boses.
"Masarap?" sabi ni Master at tumawa ng tumawa dahil kitang kita nito na nag hihirap ang lima sa sakit. Isang daplis lang ng matulis na bagay pero ramdam ng kanilang buong katawan. Totoo nga ang kasabihan na ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.
"You should rot in hell. Sucker." sikmat si Josh sa boses na nagpapahirap sa kanila.
"No, I wont baby," Nangilabot bigla si Josh dahil tinawag siyang 'baby' ng boses. Parang pang malaking tao ang boses dahil malagom ito pero dahil nga sa voice changing device na ginamit. Napaisip siya na baka babae ang nasa likod ng pag hihirap nila.
"Babae ka ba?" sigaw ulit ni Josh dito.
"I wont tell you." sabi pa nito ulit.
"Sorry boys, 2 Wins and 1 Loses," sabi ni Master. "Handa kana ba? Sejun." Buong tapang naman si Sejun na tumayo kahit masakit ang buong katawan.
"Handa na ko sa hamon mo," matapang na sabi ni Sejun. "Very good leader-nim, Just face yourself. May malaking salamin sa likod ng kurtinang lila na yan. Ang kailangan mo lang na gawin ay tumapat dito at suotin ang AR Glasses na nasa gilid." Hinawi ni Sejun ang kurtina at tumambad sa kanya ang napakalaging salamin sakop na ang buong isang pader, nasa dulo ito ng silid kaya naglakad pa siya papunta rito at malapit siya ay umupo siya sa silya na mayroong AR Glasses.
Napamasid naman ang apat habang iniinda ang sakit ng kanilang katawan. Hindi nila sinisisi si Justin sa nangyari sa kanila. Tutok na tutok ang apat sa mangyayari kay Sejun, Kalmado lang ito na naka upo sa silya at nakasuot ng AR Glasses, Nakarinig sila ng biglang click at nakita nila ang kamay ni Sejun ay naka hand cuff sa silya at hindi ito makawala. Automatic pala ang silyang iyon na once na umupo ka ay di kana papakawalan.
Dumagsa ang sobrang dami na pangyayari sa AR Glasses katulad lang ito ng VR Box na naglalabas ng mga imahe at pangyayari na ginagamit pag nalalaro o kung ano man.
Kitang kita ni Sejun ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay simula umpisa, Dumagsa ang ibat ibang emosyon sa kanya dahil puro masasakit na ala ala ang pinapakita nito, naroon lahat ng sakit at dusang naranasan niya buong buhay. Umagos masaganang luha sa mata niya at lahat ng kinikimkim na galit at puot ay isinigaw niya.
Kitang kita ng apat kung paano sumigaw at umiyak si Sejun. Akala mo ay tinotorture ito.
"Tama na please, Tama na." sigaw ni Stell.
"Nope," sabi ni Master. "Isn't enjoying to watch? Seeing him being mesirable." sabi pa nitp at tumawa.
"Sejun can do it." matapang na sabi ni Justin.
"We'll see, Mr. Pure boy." ani nito.
---
to be continue...
---#HappyBirthdayJustin #JAHppyBirthday
kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.
#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSkTIN
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfiction[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020