Chapter 22Nilabanan ni Ken ang takot sa mga manikang kala mo'y may buhay at nag umpisa siyang atakihin ang mga ito. Nakita niya ang isang manika at may hawak na malapad na kahoy. Sinugod niya ito at inatake, siniko niya ito sa tiyan para matumba at ng matumba ang manika ay kinuha niya ang pamalo at pinaghahampas ang mga lumalapit sa kanyang mga laruan.
"Takte! Kelan kayo mauubos." sigaw niya dahil padami ng padami ang mga ito at ang pinaka malaki naman ay nasa likuran lang.
"I want to play! I want to play!" sigaw ng malaking manika sa kanya. Kahawig ito ni chuckie at may mahabang buhok kagaya ni Annabelle.
"You want to play? come here kiddo." yaya niya sa malaking manika habang sinasagupa ang ibang maliliit na laruan.
Tinalasan niya ang pakiramdam dahil baka may biglang umatake sa kanya ng di niya namamalayan.
Sa kabilang banda naman ay may pinaplano ang bunso nilang si Justin. Natalo man siya pero sa hamon, sinisiguro niyang mananalo na siya sa susunod.
Kinakabahan ngunit may tiwala ang apat na binata kay Ken na matatapos nito ang hamon at nag umpisa namang magsi kilos ang apat para sa kanilang kanya kanyang plano para makawala sa kwartong kinaroroonan nila.
"Sure na kayo dyan?" nagulat sila ng biglang magsalita si Master.
Tingin nila ay wala silang maitatago dito dahil nakikita nito ang kahit anong galaw nila.
Nang masupil na ni Ken lahat ng malilit na manika ay ang pinaka malaking manika nalang ang natira, nilapitan niya ito at inalo dahil umiiyak ito.
"Why are you crying? kiddo?" tanong niya.
"I want to play" sabi nito sa kanya. Kahit natatakot siya sa itsura nito ay nilabanan niya at kinausap. Oo laruan lang ito pero tingin niya ay kagaya lang rin nito na naghahanap ng aruga.
"Sure let's play." masiglang sabi niya at nag umpisang makipag laro dito. Sinunod niya lahat ng sinabi ng manika sa kanya at nang may pagkakataong malapit siya rito ay nagmadali siyang pindutin ang 'saved' button sa gitna ng damit nito.
"Finished. Finished." sabi ng manika at unti unting nawalan ng power at bumulagta sa sahig.
"Magaling. Napaka daling challenge naman 'nun," sabi ni Master. Madali? Anong madali doon?
"Tama na please. Tapos na namin lahat ng pinapagawa mo! Pakawalan mo na kami!" sigaw ni Josh.
"Bibigwasan talaga kita kung sino ka man" sabi naman ni Sejun.
"Please, I'm begging you, leave us alone." pagsusumamo naman ni Stell.
"Humanda ka, Master. Pag nakalabas kami dito." matapang na sabi ni Justin.
"Tama na. Tigilan na natin 'to. Nagawa mo na gusto mo diba? Naging mabuti kaming kaibigan sayo." humihingal ngunit sinserong sabi ni Ken. Nagulat ang apat sa sinabi ni Ken. Rinig ng apat ang sinabi nito dahil sa earpiece na suot nila.
"Kaibigan? A-anong sinasabi mo, Ken" naguguluhang sabi ni Stell.
Nagpanic naman bigla si Justin at pinindot ang pulang button para mabuksan ang pinto sa dulo ng kwarto.
"GUYS! CLICK THE DAMN BUTTON ON 8'OCLOCK POSITION" sigaw ni Justin. Natauhan naman ang apat at sinunod ang sinabi ni Jah.
Nagbukas ang pinto sa dulo at mabilis silang tumakbo roon. Malapit na sila sa pinto ay hinarang naman sila ng mga lalaking naka itim at nakipag buno.
Sisipain na sana si Justin sa tiyan ng lalaking nakaitim ngunit mabilis niyang nasalo ang binti nito at siniko sabay hila at tinulak sa gilid ngunit mabilis naman nitong nahablot ang paa niya kaya wala siyang nagawa kundi sipain ito sa mukha habang si Sejun naman ay nakikipag suntukan sa lalaking armado ng baril. Nakita si Sejun ng tyempo kaya sinipa niya ang kayaman nito, napaluhod naman ang lalaki sa sakit. Lumuhod din si Sejun para sabihin ang "I really like my eggs beaten." sabi niya at mabilis na lumabas ng pinto.
"Fuck." sabi ni Stell dahil tinamaan siya ng lalaking naka itim sa tiyan, nang susugurin na naman siya nito ay mabilis niya itong dinaganan at sinuntok sa mukha at nagmonologue.
"Sabi mo ako lang! Walang hiya ka! Dalawa pala kaming animal ka! huhuhu" sabi ni Stell at pinagsasampal ang lalaki hanggang sa mawalan ng malay at tumakbo papunta sa pinto.
"Oha, Oha." sabi ni Josh at umastang bosingero. "Ano pre, Laban ka? Laban?" maangas na sabi pa niya. Tumayo lang lalaking nakashades at nang ginaya nya rin ito ay sinugod naman siya nito at pina ulanan siya ng suntok ngunit mabilis din naman niyang nailagan. "Eto uppercut! lowercut!" suntok niya sa lalaki. "At ang pinaka huli 'pussycut' dahil mahilig ako sa pusa." sabi ni Josh sabay suntok sa tiyan ng lalaki at napatumba niya. Si Ken naman ay may hawak na pang hampas, ito yung ginamit niya kanina sa mga manika, Sinugod naman siya ng armado at pinagsisipa.
Mabilis siyang kumilos at pinagsirko sirko ang pamalo sa kanyang kamay at pinaghahampas ang lalaki sa paa, nang masaktan na ito ay huli niyang tinira ang balikat nito para mawalan ng malay.
Nang makalabas na ang lima sa pintuan ay may malawak na pasilyo papunta sa isang pinto na may ilaw sa labas at kulay ginto ang kulay.
"Wtf? Nasa labrynth ba kayo?" tanong ni Josh.
"Labrynth? Ano yun?" naguguluhang tanong ni Ken. Binatukan naman siya ni Justin at sinabing "Parang maze yun" sabi nito at tumango nalang si Ken kahit naguguluhan.
Naglakad nalang ang lima papunta sa pinto ng sama sama at nang makarating sila dito ay kinatok nila ito bago buksan. Rinig na rinig ang pagbukas ng pinto dahil sa tahimik na kapaligiran at ng makapasok sila ay may taong nakaupo sa harap ng malaking monitor at kitang kita roon ang mga kwartong pinaglagyan nila.
Nakatalikod ito sa kanila. "Welcome" sabi ni Master.
Umikot naman ang malaking swivel chair paharap sa kanila at tumambad sa kanila ang babaeng nakadress na pula at hapit na hapit sa katawan nito at kita ang bawat kurba.
"What the fuck!" gulat na sabi ni Josh ng makita nila kung sino ang may pakana ng lahat.
"Welcome, My name is Eigh Attina Perez or maybe you can call me Eigh Valerie Geong as my real name, nice to meet you all." sabi nito at ngumiti ng pagkatamis tamis.
-----
kung nareach mo man itong chappy na to? congrats and thank you kasi patuloy mo pa ring binabasa kahit lame^^ labyu kapatid 💙.#SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN
BINABASA MO ANG
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐬𝐞𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐢𝐯𝐞 𝐊𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fanfiction[#SB19_FANFICTION]: Prinsesa and the Five Knights (Completed) 𝐒𝐁𝟏𝟗 𝐢𝐬 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝟏𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫? WILL EDIT THIS STORY SOON ❗ AVAHRY/A8INNN 2020