"I hate Monday!" Sabi ni Enzo. Magkasabay kami pumasok sa La Soledad University, nasa eight grade na ako ng highschool at nasa tenth grade naman si Enzo. Nakasakay kami sa kotse niya na regalo sa kanya ng parents niya.
I forgot to tell, bigtime lang naman si Enzo, their family owns malls and resorts. Well, kami naman sakto lang. Nasa US si daddy while my mom owns Flavours, ice cream parlor. That's my favorite nung bata ako pero ngaung nagdadalaga na ako ay natuto na ako alagaan ang sarili ko. Palage nalang kase akong tinutukso ni Enzo. Buset na yun! palibhasa gwapo siya, mayaman, maganda ang katawan, hearthrob ng school at nag-iisang anak lang. Sino naman ang hindi magkakandarapa na mapansin niya?
Nagising ako sa pag de-daydream ko ng kinurot ni Enzo ang pisngi ko.
"Anu ba?" himas himas ko ang aking pisngi. "Grabe ka Enzo, problema mo?" inis na sambit ko. Ang saket kaya.Tumatawa naman siya sabay iling ng ulo.
"Ang cute mo kase Pat.." Ginulo niya ang buhok ko kaya tinignan ko siya ng masama.Nagpakawala ako ng isang malaking buntong hininga.
"Diba sabi ko seyo, hawakan muna lahat wag lang buhok ko?" Nakakainis para akong bata kung itrato.
"And why are still calling me Pat? Eww kaya! Ang tanda na naten sabi ko Tricia na, not Pat!" Iritable akong tinabig yung kamay niya. Paano uulitin na naman yung pag gulo niya ng buhok ko kanina. Ngumuso lang siya at halatang nagpipigil ng tawa. Pasalamat itong lalake nato at gwapo siya.Luh? Baket ba pinuri ko itong mokong na ito? Eh totoo naman kase. My mom told me na bawal magsinungaling.
"Wow, dalaga kana talaga Pat. Infairness sexy kana din ngaun ah." Tatawa tawang sabi niya sabay taas baba ng kilay, pang asar lang?
"Pat na naman? bahala ka nga jan! Leche!"
Bumaba ako ng sasakyan niya at mabilis nag lakad. Nagpapasalamat din ako kay lord at nakarating kami ng LSU ng ligtas. Eh kung magdrive pa naman si Enzo akala mo may kasali sa karera. Minsan nga ayoko sumabay dyan' eh, kaso palagi akong dinadaan.
Kahit gaano kabilis ang lakad ko eh nasabayan pa din ako ni Enzo sa paglalakad, bahagya pa nga akong umirap dahil inakbayan niya ako bigla. Alam na! Sa gwapo naman kase nitong si Enzo at sa araw araw na pagpasok namen ay buong campus lang naman ang nakatingin samen.Yung ibang girls nga ang sama ng tingin sa akin. Hindi ko naman sila masisi kase palagi akong kasama ni Enzo. Eto naman kaseng lalaki na ito sa sobrang landi eh! Kaya ang daming naloloko.
"Hey, Enzo baby..." Tumaas ang kilay ko ng biglang sumulpot si Sydney, ang babaeng glue na dikit ng dikit kay Enzo. Eto naman si babae asang asa na seryoso sa kanya si Enzo. Duh! Kita mo mamaya iba na naman ang kasama niyan.Tsss..
"Hi, Sydney.." lumakad si Enzo palapit kay Sydney. Umirap ako sa kanya ng kinindatan niya ako. Aba't talagang iniwanan ako ng Enzo na ito para lang sa Sydney the glue na iyan?
Humakbang ako para akbayan si Enzo at magpaalam.
"Marvie, mauuna na ako, malelate na ako. Bye!"
Talagang sinadya ko na tawagin siyang Marvie, alam kong magngingitngit yan sa galit. Ayaw niya kaseng tinatawag na Marvie, tunog pambabae daw kase. At tagumpay ako. Hahaha! Magkasalubong na naman ang kilay niya.
"Pat, I'll fetch you after class? Flavours?" Nakataas ang kilay niya sa akin kaya tumango lang ako at nagsimulang maglakad papasok ng room. Pag pasok na pagpasok ko ng room ay agad bumungad sa akin si Jericho, ang ever dearest manliligaw ko. Grabe din ang fighting spirit nito to the highest level din eh. Sinabi ko naman kase sa kanya na ayoko pero nagpupumilit pa din siya. Eh samantalang dati si Sunny ang madalas niya kausap.
"Flowers for you Tricia.." nakangiti siyang lumapit sa akin at inabot ang bulaklak na dala niya.
Kairita! Umagang umaga! Hindi naman sa panget si Echo, actually gwapo nga siya, pero ang bata pa namen para sa ganyang mga bagay tsaka kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at tinanggap ang bulaklak. Pero hindi ko maiwasan mapasimangot. Ang kulit naman kase niya.
"Patricia!!!!" napasinghap ako sa lakas ng boses na yun. Muntik ko na mabato ang bulaklak na bigay ni Echo. Si Enzo lang naman pala at si Sydney the glue. Problema nito? Seryoso ang mukha ni Enzo habang palapit sa akin, bahagya pa ngang bumaba ang mga mata niya sa bulaklak na hawak ko.
Talagang Patricia? tinignan ko siya ng masama. Sabi ng Tricia eh.
"Oh, kailangan mo?" Sabay irap ako.
"You forgot your books." Magkasalubong ang kilay niya napasinghap pa ako ng biglang pinasa niya sa akin yung libro na hawak niya kaya napaatras ako. Nabitawan ko pa nga yung bulaklak na bigay ni Echo. Grabe! ano ba problema niya at mukhang may topak na naman siya? Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad.
"Pat ang panget mo! parang kamatis ka pa jan!" Agaran akong napahawak sa pisngi ko dahil sa pagsigaw niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tsaka makapanget siya wagas ah!
"Gago ka Marvie, panget your face!" Gigil na sigaw ko habang naka dirty finger kaya naman nagkalaglagan yung libro kong dala. Tinaasan niya ako ng kilay tsaka siya humagalpak ng tawa. Kainis!
***
IG amor_camille

BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Teen FictionThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...