chapter eleven:

8.1K 178 2
                                    

"Are you crazy Tricia?pumayag kang maging tulay ni Enzo kay Monica?"halos padabog binagsak ni Sunny yung mga pinamimili namen para sa school project namen. Alam ko naman mali ako sa pagpayag kay Enzo eh paano gagawin ko?hindi ko din naman siya matiis.

"I have no choice Sunny.I can't say no to him." Sagot ko sa kanya. Nagpatuloy kami sa pagikot sa grocery.

"May choice ka naman eh. Hindi ko alam kung masokista ka ba or talagang sira ulo ka."umirap siya. Grabe talaga itong si Andrea. Pero alam ko naman para din sa akin kaya nagagalet siya eh. Eto na naman ang kabog ng dibdib ko. Alam na alam ko naman kase kung saan patungo ang usapan na ito. Dahil kahit ako mismo ayaw kong tanggapin sa sarili ko na gusto ko si Enzo.

"What are you talking about Sunny?"patay malisyang tanong ko. Umikot si Sunny at dumampot ng arina.

"You know what I'm talking about Trish hindi man ako kasing tagal ng pagkakaibigan niyo ni Enzo,but I know kung anu nararamdaman mo para sa kanya. Ayaw mo lang aminin.I'm your friend." Bahagya akong natahimik dahil sa sinabi niya. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo pero.. ay!basta!

"Kung ano man ang nararamdaman ko Sunny hindi pako sigurado.I just don't want to ruin our friendship." Umirap siya sa akin.

"Bahala ka.." nauna siyang maglakad. I sighed. Ganun ba ako kahalata? Is it possible na nahahalata din ako ni Enzo?

Pagkatapos namen mamili ni Sunny ay mabilis akong umuwi sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at mabilis dinampot ang Ipad ko para mag online sa Skype.

Frederick Jimenez⚫

"Hey dad kamusta po?"masayang pagbati ko kay daddy. Seven years na siya sa US  tsaka once a year lang siya kung umuwi.

"Hey Tricia I'm good.How's school?"ngumiti si daddy sa screen.

"Perfectly fine dad.Nag-eenjoy naman po ako."ngumiti ako pabalik sa kanya.. tumango tango naman siya habang may sinusulat sa isang papel.

"Tricia anak don't you want to come here with me?" Seryoso si daddy kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Pinepetisyon niya kase kami ni mommy pero ayaw ni mommy dahil hindi niya maiwan ang Flavours. She loves what she's doing kaya naman I'm fine with that.

"What do you mean by that dad?"seryosong sabi ko

"Anak na-promote ako dito."Tumatango lang ako habang nagsasalita si daddy. "At may may privilege ang pag kaka-promote ko pwede ko kayo kunin ng mommy mo pero di niya maiwan ang bussines niya, I don't want to push her kase dun siya masaya."Seryosong sabi ni daddy ako naman ay seryoso din nakikinig sa kanya.

"Naisip namen ng mommy mo na baka pwede mong ituloy ang pagaaral mo dito." Natigilan ako sa sinabi ni daddy pero ayaw kong iwan si mommy dito and besides nandito ang buhay ko.

"Dad! maganda yan but I'm sorry di pa ako ready umalis at gusto ko pang makasama si mommy,it's not that ayaw kita makasama I really missed you pero nandito din ang buhay ko."

Tumatango lang si daddy at nag-isip. Nalulungkot ako to refused his offer pero di pa talaga ako handa.

"Think about it Tricia maganda kung dito ka magaaral.Sayang naman opportunity I'm not saying na for good kana dito sana pagbigyan mo ako."

Malungkot ang mukha ni daddy, kaya di ko maiwasan malungkot,pero ayoko muna magdesisyon ngaun masyado malayo ang US at hindi pa ako handa iwan ang mga mahal ko dito.

"Dont worry dad pag-iisipan ko."ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti din siya at tumango.

"Ok anak pagisipan mo. I need to go, I have to work. Tell your mom i love you both.."tumango ako sa kanya at tsaka ko pinindot ang end call.

Bumaba ako ng hagdan para kumaen, sa sobrang dame kong ginawa ay nakalimutan ko nang kumaen.

One message received:

Enzo

-what are you doing?

Agad akong napangiti sa message ni Enzo. Kinagat ko ang tinapay na hawak ko at nagsimulang magtipa ng reply ko sa kanya.

Me:

- eating. Want some?

Kumagat ulet ako ng tinapay.

Enzo:

-I'm fine..just want to remind you bout' helping me with Monica.

Nawala ang ngiti ko sa message niya.Hindi naba kami mag-uusap ng walang Monica?Now I'm starting to get annoyed at her,Sunny and I are now on the same page. Bininaba ko ang tinapay na kinakain ko dahil nawalan na ako ng gana.

Me:

-yeah.

Nakakainis pakiramdam ko nawalan na ako ng gana. Ang bitter ko ba?mukha akong tanga noh?bestfriend lang ikaw Tricia. Kaya umayos ka!

Enzo:

-Can you please ask her to date me?
-please :(

Muntik ko nang mabuga ang juice na iniinom ko. Talagang kailangan pati iyon ako magsabi?ano ba pinaglalaban ni Enzo? Ako pa talaga inutusan. Ang nakakainis pa alam ko naman hindi ko siya matitiis.

Me:

"Okay..I will.."

Please Love me( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon