Pumasok ako sa sasakyan ni Enzo ng tahimik. Buong byahe namen ay hindi ko siya iniimik. Nararamdaman ko ang pagbalik balik ng tingin niya sa akin pero nanatili lamang na diretso ang aking tingin. Halos nabilang ko na nga ang buntong hininga na binitawan niya. Mga bente? whatever!galit ako!galit ako sa ginawa niya at wala din akong paki-alam sa nararamdaman niya ngaun dahil mas masaket ang ginawa niya sa akin.
Nakarating kami sa bahay ng hindi ko manlamang siya kinakausap o nililingon manlang.
"Patricia.."tawag niya saken. Hindi pa din ako lumilingon, ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Baket siya malulungkot? Dahil sa ginawa niya? I doubt it.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya para hindi siya lingunin. Alam na alam ko kase sa sarili ko na any moment ay mababasag na naman ako.
Nagsimula akong maglakad upang pumasok sa bahay. Pero natigil ako ng hawakan niya ang siko ko. Nanatili akong nakatingin sa malayo.
"Look Pat I'm so sorry..hindi ko naman alam na ganoon ang magiging reaksyon mo. I thought you were cool with it.."seryosong sabi niya.
Agad akong napatingin sa kanya. Siguro nga ok yun sakin noon, nung panahon na naglalaro siya ng babae at walang sineseryoso , nung hindi ko pa nararamdaman ang pesteng nararamdama ko ngaun para sa kanya. Lalong nalukot ang mukha ni Enzo. Bahagya kong napansin ang pag aalala sa mga mata niya. Nasaktan ako eh! Pinanatili ko lang na malamig at blangko ang expression ko.
"Ok lang..."malamig na sagot ko.
Kinalas ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at tuluyan ng pumasok ng bahay. Iniwan ko siyang nakatulala sa labas. Dumiretso ako sa kwarto ko at sinubsob ang mukha sa unan at doon umiyak.
Limang araw ang nakalipas simula ng nangyari iyon.Hindi pa ako bumabalik sa school dahil masaket pa din ang pakiramdam ko. Halos araw araw nag te-text sa akin sina Sunny at Zion pero palagi kong sinasabi na ok lang ako. Araw araw din nag tetext si Enzo pero ni minsan ay hindi ko siya nireplayan.
Message received..
Enzo
-Pat I'm sorry...
-Pat baket hindi ka pumapasok?
-Still mad?
-Please Pat I'm sorry.. :(
Gustong gusto ko na siyang replayan pero this time masyadong masaket eh!Pero alam ko naman di ko siya matitiis. And yeah! I'm a little bit mad until now.
Pagkatapos ng pagluluksa at pagkukulong ko sa bahay ay naisipan ko na, na pumasok ngaung araw. Inayos ko ang sarili ko. Napapa bayaan ko na ang pag-aaral ko dahil sa pesteng pagmamahal na ito.
Pagdating ko sa LSU nahagip ko sina Sunny Maico Zion at Enzo sa usual na bench na tinatambayan namen.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko pala napaghandaan kung paano ko siya kakausapin o tignan manlang. Huminga ako ng malalim at naglalakad patungo sa kanila.
"Patricia Jane Jimenez!!!! Ano ba nangyari seyo?" Hindi pa man din ako nakakalapit ay sumisigaw na si Sunny. Nakita ko ang sabay sabay na paglingon nila sa akin. Umiwas ako ng tingin kay Enzo kaya napatingin ako kay Zion na nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo kaya nagdecide ako na tumabi sa kanya.
"Hi Zi.." ngumiti ako sa kanya sabay pisil ng ilong niya.
"Hello?! Tricia!? Miss ka din namen.." bumaling ako kay Maico habang nakangisi. Medyo natawa pa nga ako dahil may pag ka sarcastic ang pagkakasabi niya.
"Hello Maico.." sagot ko sa kanya habang natatawa ako. Umirap siya sa akin at umarte na parang nagtatampo.
"Nako wag na Tricia.. panis na yang hello mo bago nakarating dito.." ngumuso siya kaya naman sabay sabay kaming natawa.
"What happened Tricia?" Nakakunot ang noo ni Zion habang titig na titig sa akin. What happened?ngumiwi ako sa isip ko. Namatay lang naman ang puso ko ng limang araw at kanina ko lang nailibing ang sakit.
"Wala noh.. nagkasaket lang ako.." pagdadahilan ko. Sinungaling ka Patricia! Tumango naman siya pero halata na hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Grabe! sana mag kasaket din ako para lalong gumanda katulad mo.." umirap ako sa kanya. Kung alam lang ni Sunny ang pinagdaanan ko eh baka siya mismo ang umayaw.
Tumunog ang bell hudyat ng oras ng klase. Tumayo ako at hindi sadyang napatingin kay Enzo na nakatitig sa akin.
"Pat hatid na kita..."
"Tricia hatid na kita.."
Magkasabay na sabi ni Enzo at Zion. Umiwas ako ng tingin kay Enzo
"Tara nga dito Sunny! Ikaw ang ihahatid ko.." lumapit si Sunny kay Maico tsaka niya binatukan. Pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi niya.
Humarap ako kay Zion. Pero kalahati ng pagkatao ko ay gusto ng kausapin si Enzo. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Monica at ikinawit ang ang kanyang braso sa braso ni Enzo. Instead na patawarin ko si Enzo ay nabuhay na naman ang inis ko sa kanya. Lumingon si Enzo sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Baket siya malulungkot eh ayan na si Monica diba?duh! Wag kang plastic Enzo! Lumapit ako kay Zion at kumapit din sa braso niya napatingin pa nga ako sa kanya kase napitlag siya.
" ako talaga Tricia?" Halos di makapaniwala si Zion. Kumunot ang noo ko. Anyare sa kanya? At oo siya talaga ang sasabayan ko baket parang gulat na gulat siya? Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Enzo kaya pero pinagwalang bahala ko lang.
"Lets go Zi.."
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Roman pour AdolescentsThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...