"Woohoo!!!!"Sigawan ng mga studyante ang nadatnan namen pagpasok na pagpasok ng gymnasium. May game kase ngaun sila ngaung unang araw ng school fest.
"Martinez! i-shoot mo para sa akin!!" napailing ako habang natatawa. Ang charm ni Enzo umaatake na naman.
"Grabe naman Trish..hanggang dito madame ka pa din kalaban kay Enzo.." nakangisi si Sunny.
"Ano ba pinagsasabi mo Sunny? Enzo is my bestfriend yun lang yon'." Dama ko ang pagiinit ng pisngi ko. Minsan pag bumanat talaga si Sunny matatahimik ka nalang. Sana naman hindi siya madulas sa harap ni Enzo.
"Weh?di nga Trish?" Humalakhak siya kaya umiling ako..
Umupo kame sa bleacher malapet kila Enzo. Mainit pa din ang laban, lamang sila Enzo kaya masyado kung maghiyawan ang crowd.This is the most excruciating shout ng crowd na narinig ko. Ang OA ha!
"Zion Drake Mercado pakasalan mo ako!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Isang nursing student na petite ang katawan pero maganda siya ah. Lumingon ako kay Zion na tumingin lang sa babae pero deadma lang.
"Tsss. Asa-ness din si ateng nursing eh ako nga hindi pinapansin niya siya pa kaya?" Narinig kong sabi ni Sunny. umiling ako bigla. Mukhang hindi lang ako ang bitter dito ah.
"Maico Ian Flores anakan mo ako!!!!"sigaw naman ng isang member ng cheerdance group. Hindi ko maiwasan matawa ng nagflying kiss si Maico dun sa babae ang landi talaga.
"Perv talaga.."nalingon ako kay Sunny kase parang mas iritable siya ngaun kesa kanina?
Nalaglag ang panga namen ng tinamaan si Maico ng bola sa mukha dahilan para matumba siya.. sandali kaming natahimik.
"Hahahahahahahahaha!!!" Napuno ng malakas na tawanan ang crowd. Pati si Enzo at Zion ay halos gumulong na sa sobrang pagtawa. Hindi na din namen mapigilan ni Sunny na hindi matawa. Ang epic kase ng itsura niya.
"That's what you get perv!!"
tili ni Sunny dahilan para tignan siya ni Maico at irapan. Tinayo ni Enzo si Maico."Baog kana dude.."tumatawang sabi ni Enzo.
"Gago!mukha ko tinamaan hindi naman itlog ko!"hawak pa din ni Maico ang panga niya."Tang-inang animal ka Zion!ipapasa mo ang bola nakatalikod ako?"
Ang kukulit nila. Nagpatuloy ang laro nila kaya patuloy ang sigawan ng tao pero mas nangunguna ang pangalan ni Enzo na tinitili ng bawat kababihan dito. Mag fe-free throw siya ngaun. Agad kumalabog ang puso ko ng lumingon siya sa akin tsaka ngumiti at kumindat. Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang kilig pero di ko ginawa. Bwiset talaga itong si Enzo bigla na naman pinagwala ang kalmado kong puso. Ang arte niya kaya mas lalo akong nahuhulog. Eh ok lang sana kung sasapuhin niya ako. Pero hindi naman eh.
Natapos ang game nila at panalo sila. Magulong magulo ang crowd dahil sa sigawan. Ni hindi nga ako makasingit dahil sa dami ng babae na nasa gitna at nagpapapicture sa kanila. Dadalan ko sana si Enzo ng tubig at drinks. Ng makapwesto ako ay mabilis akong nakalapit sa kanya. Binigay ko agad ang bottled juice na dala ko at pinunasan ko ang pawis niya. Yun naman talaga ang ginagawa ko kahit bata palang kami. Pero ngaun habang pinupunasan ko ang pawis niya hindi maalis sa akin ang manginig at kabahan.
"Ka-ingit naman.."sabi ni Maico habang nakatingin kay Sunny.
"Di mo ba pupunasan ang pawis ko?"ngumisi si Maico kay Sunny kaya naman umirap sa kanya si Sunny.
"Ikis-kis mo sa pader para pati kati mo sa katawan maglaho.."masungit na sabi ni Sunny.
"Haha!basag ka dun pre.." ngumngisi si Enzo kay Maico.
"Fuck you!" Sagot ni Maico kaya natawa nalang kaming lahat.
"Party tayo later?"sagot ni Zion.
"Oo nga chill naman ang hirap may game pa bukas.."segunda ni Enzo.
"Astro tayo?sabi ni Maico.
"Ayoko dun!I don't like noisy places and parties I don't even drink."sabi ko sa kanila. Hindi naman talaga ako nagpaparty eh at lalong di umiinom. Mas gusto ko pang kumanta aside from baking and kitchen thing passion ko din ang pagkanta ewan ko ba pero mahal ko din ang music.
"Hay alam naman na di ako pwede eh.."yumuko si Sunny. Ay oo nga pala!
"Ok lang yan team bahay ulit Sunshine.."umirap si Sunny kay Maico.
"nope sis pinagpaalam na kita kay tita. And dont worry out of the country si tito."
Natahimik kaming lahat. Maya maya lang ay sabay sabay kaming nagsalita.
"Dilingers".
![](https://img.wattpad.com/cover/27038068-288-k357356.jpg)
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Teen FictionThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...