Hindi agad ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi.We just kissed.. hindi ko maiwasan mag init ang aking pisngi. Wag ka ngang mangarap Tricia tulog kaya si Enzo kagabi..ngumiwi ako bigla. Asa ka nama kase ng asa Tricia!pero kahit alam kong lasing siya at hindi niya alam ang nangyari hindi ko pa din maiwasan na hindi kiligin. Pakiramdam ko nga ay masyado pa akong high eh..
Malaki ang ngiti ko habang pababa ako ng hagdan. Bahagyang bumagal ang lakad ko ng makita ko si Enzo at mommy na masayang nag uusap. Bigla akong kinabahan. Paano kung alam niya ang nangyari? No! He's so drunk kaya malabo na maalala niya. Huminga ako ng malalim. Calm down Tricia! act normal. Relax..
"Tricia! gising kana pala?"bati sakin ni mommy.
Ngumiti ako at naglakad palapit sa kanila.Habang papalapit ako ay di ko maiwasan mapatingin kay Enzo na ngaun ay nakatitig sa akin.
"Morning princess.."masayang bati niya.Hindi ko alam kung sasagot ako o tatahimik lang, dahil hindi ko din maalis sa akin ang mapangiti.
"Morning Enzo.."medyo alangang sabi ko.
"Tricia..your dad is coming soon.."sabi ni mommy.
Napakunot ang noo ko. Baket uuwi na si daddy eh alam ko sa Sept pa siya uuwi?
"why so soon my? I thought September pa siya uuwi?"takang tanong ko.
"Silly! You forgot!It's your 18th birthday this coming April tingin mo papalagpasin ng daddy mo iyon?"
I almost forgot mag dedebut na pala ako. Bigla naman akong nakaramdam ng excitement.
"And he's throwing you a big party..." lumingon ako agad kay mommy.
"Wag na mommy. Sayang lang ang pera."seryosong sabi ko sabay subo ng bacon.
Totoo naman sayang ang pera simple dinner lang enough na.
"No!You're our only daughter..you deserve it."seryosong sabi ni mami.
Napabuntong hininga nalang ako.Ano paba ang magagawa ko? Eh pagbigya na sila. Tutal sila naman ang may gusto niyan.
"Enzo will be your escort."pahabol niya.
Napahawak ako sa dila ko ng bigla ko itong nakagat. Si Enzo? Lumingon ako sa kanya na malaki ang ngiti niya. I can't believe this!planado na lahat?ni hindi manlang ako tinanong kung sino ang gusto kong escort? umiwas ako ng tingin kay Enzo nagiinit kase ang pisngi ko dahil naalala ko pa ang nangyari kagabi.
"I'm going to be your prince.." nakangiting sabi niya sabay kindat sa akin. Lihim akong napangiti. nababaliw na yata ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngaun.
Nauna ng umalis si mommy para pumunta sa Flavours. So ang siste eh naiwan kami ni Enzo dito. Tumayo ako at lumipat sa upuan malapit sa gazebo hindi mo maiwasan mangiti dahil sumunod sa akin si Enzo ay panay harot ang ginagawa.
"excited ka noh.."nakangising sabi niya habang tinutusok ang tagiliran ko.
"Don't talk to me Enzo!I'm still mad at you.." nagkunwari akong nagsusungit sa kanya. Lihim akong ngumiti dahil nakita ko ang biglaan niyang pagsimangot at pagseryoso ng mukha. Ang gwapo talaga ng gago! Kaya nainlove ako eh.
"Kala ko ok na tayo?"seryosong sabi niya habang nakatingin saken.
"Kala mo lang yon..." natatawang sabi ko.
Hindi pa din maalis ang seryoso nyang mukha.
"Tss..akala ko okay na.."pabulong na sabi niyap peo nadinig ko naman.
"Ano sabe mo?"masunget na sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay.
Nakita kong inihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha at ginulo ang magulo niyang buhok na lalong nagpagwapo sa kanya. Idagdag pa ang matangos na ilong mapupulang labi perfect jaw line at firm na katawan. Ano ba pinagsasabi ko?Parang nagnanasa na ako ah? Humarap siya sa akin na seryoso ang mukha.
"Ano ba kailangan gawin ko para mapatawad mo ako? Tell me..Nahihirapan na ako eh." seryosong sabi niya na may halong pagkairita.Abat siya pa naiirita?
"First.."sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"You'll be my escort on my birthday.."
Napangiti naman ang loko!
"Eh ako naman talaga diba?"mayabang na sabi niya."At ako lang dapat"pahabol niya.
"Second.."
"Ang dami naman.."inis na sabi niya.
"Ok wag na!Galet pa din ako seyo!"nakasimangot na sabi ko kaya naman hilaw siyang ngumiti.
"Biro lang eto naman! Ilan ba yan?Kahit ilan pa yan gagawin ko para seyo.."seryosong sabi niya.
Napangiti ako bigla.Kaya mahal ko ito eh. Pero teka!ang dami niyang side comments ah!nawawala tuloy ako sa momentum ko.
"Stop calling me Pat!call me 'Tricia'.."nakangising sabi ko.
"What?" pasigaw na sabi niya. Pero pinandilatan ko siya kaya tinaas niya ang kamay niya tanda ng pagsuko. "Ok I'll try.."walang ganang sabi niya.
"Third.."nakangising sabi ko dahil alam kong inis na inis na siya.
"Meron pa?"umiral siya ng bahagya. Huminga ako ng malalim para masabi ko ang gusto kong sabihin.
"No Monica on my birthday.."seryosong sabi ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya at pagkunot ng noo.
"diba friends kayo? Aren't you going to invite her?"
"We're classmates Enzo but we're not friends.."seryosong sabi ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya na parang gusto pa magtanong, akmang magsasalita sana siya pero inunahan ko.
"And last.." Napakunot ang noo niya.
"Don't ask me why..."
Kahit may pagtataka sa mukha niya ay nagawa padin niyang maging seryoso.Walang lumabas kahit isang salita niya nakatitig lang siya na parang malalim ang iniisip.
"Promise me Enzo..No Monica on my day..Ito lang!Kahit sa birthday ko lang.."seryosong sabi ko.
Huminga siya ng malalim kahit halata pa din sa mukha niya ang pagtataka nakuha pa din niyang ngumiti.
"Ok Tricia..I promise.."
BINABASA MO ANG
Please Love me( Book 1)
Teen FictionThe bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestfriend niyang si Enzo. Simple love lang naman meron sila na pinakumplikado lang nila. Malalaman kay...